![]() |
| A widow giving tithe |
MAL 3 :
8 NANANAKAWAN BAGA NG
TAO ANG DIOS? Gayon ma’y ninanakawan ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano
ka namin ninakawan? Sa mga IKASAMPUNG BAHAGI at
sa mga handog.
9 Kayo’y nangagsumpa ng
sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong boong bansa.
10 Dalhin ninyo ang
boong IKASAMPUNG BAHAGI sa kamalig, upang magkaroon
ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng
Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa
langit, at ihuhulog ko sa inyo ang ISANG
PAGPAPALA, na walang sapat na silid na kalalagyan.
Datapuwa’t ang pinairal na paraan
nitong mga Pauliniano ay taliwas sa itinadhana ng Dios sa kaniyang mga anak
sa kalupaan. Ang ikapu ay nagtatalaga ng ikasampung bahagi (10 %) sa anomang
tinatangkilik ng sinoman na ipagkaloob sa mga hinirang niyang manggagawa. Mula
sa katuwiran ng Dios ay nalalaman niyang may kasapatan ito upang tugunan
ang lahat ng maaaring maging pangangailangan nila na mga lingkod niya.

