Sa dalawang hanay nga lamang na iyan maaaring kilalanin ang anak. Kaugnay niyan, tiyak ngang anak ng Dios ang sinomang tao sa mundo, nguni’t ang tanong ay ito. Siya ba’y masiglang dumadako sa pagsunod, o nahuhumaling sa karumaldumal na pagsuway sa natatanging kalooban (kautusan) ng sarili niyang Ama na nasa langit?
Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang tahimik ngunit matibay na patotoo sa Katuruang Cristo—nakatuon sa Christology, katarungan, at hantungan ng tao. Hindi ito umaasa sa ingay o debate, kundi sa linaw, kaayusan, at paninindigan ayon sa Espiritu ng Diyos na kumilos kay Jesus.
Lunes, Hulyo 16, 2018
ANAK NG DIOS
Sa dalawang hanay nga lamang na iyan maaaring kilalanin ang anak. Kaugnay niyan, tiyak ngang anak ng Dios ang sinomang tao sa mundo, nguni’t ang tanong ay ito. Siya ba’y masiglang dumadako sa pagsunod, o nahuhumaling sa karumaldumal na pagsuway sa natatanging kalooban (kautusan) ng sarili niyang Ama na nasa langit?
Linggo, Oktubre 1, 2017
TIPAN KAY MOSES NANANATILING BAGO
Gayon ngang sa natatanging kapanahunan ni Moses ay nakipatipan sa kaniya ang kaisaisang Dios sa taluktok ng bundok Sinai. Doon ay natamo niya ang sampung (10) kautusan na nasusulat sa tapiyas ng mga bato. Sa paglipas ng mga panahon ay ipinabatid ng ating Ama sa banal niyang si Jeremias, na Siya ay maglulunsad muli ng isa pang tipan sa sangbahayan ni Israel at ni Juda, na sinasabi,
JER 31:
31 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na AKO’Y MAKIKIPAGTIPAN NG PANIBAGO sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda.
Linggo, Abril 2, 2017
SAAN NANGGALING ANG PISTA NG “EASTER”
![]() |
| Lighting of Easter Candles |
Ang salitang “Easter” (Paskua ng Pagkabuhay) ay nag-ugat sa sinaunang relihiyong politeyismo (pagsamba sa maraming dios ng mga pagano), na sinasang-ayunang lubos at binibigyang diin ng lahat ng mga iskolar. Ang salitang nabanggit ay hindi kailan man ginamit sa orihinal na kasulatan (Scriptures), at saan ma’y hindi nagkaroon ng kaugnayan sa anomang minamatuwid ng mga balumbon ng banal na kasulatan (biblia). Dahil dito ay tama lamang na gamitin ang terminong “Resurrection Sunday” (Linggo ng muling pagkabuhay) kay sa “Easter” (Paskua ng pagkabuhay), kung tinutukoy ang taunang pag-aalaala ng mga Kristiano sa pagkabuhay na muli ng Cristo.
Martes, Disyembre 20, 2016
ANAK NG TAO
Mula sa balumbon ng mga sagradong kasulatan na masusumpungan sa banal na Tanakh ng kaluwalhatian, ay "anak ng tao" ang karaniwang tawag ng kaisaisang Dios ng langit sa mga kinikilala niyang mga lingkod. Ang gayong katawagan ay tumutukoy sa mga inihalal niyang propeta, hari, at iba pa.
Eze 2 :
1 At sinabi niya sa akin, ANAK NG TAO, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako'y makikipagsalitaan sa iyo.
2 At ang Espiritu ay sumaakin nang siya'y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.
Eze 2 :
3 At kaniyang sinabi sa akin, ANAK NG TAO, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito.
Sabado, Agosto 6, 2016
SABBATH NG CRISTIANO, PAGLABAG SA PANG-APAT (4) NA KAUTUSAN
Hinggil nga dito ay nalalaman ng lahat na ang unang araw ng isang linggo ay linggo (Sunday), gayon din naman ang ikapitong-araw ay sabado (Saturday). Kaugnay nito'y malinaw na nasasaad sa balumbon ng mga banal na kasulatan ng mga anak ni Israel ang tungkol sa banal na araw (Sabbath) sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.
Lunes, Agosto 1, 2016
PERSONAL NA TAGAPAGLIGTAS
Martes, Abril 19, 2016
ANG PAGKABUHAY NA MAGULI NG MGA PATAY (resurrection)
Kung gayon sa minamatuwid ng taong ito’y maliwanag niyang sinabi, na si Jesucristo bilang isang halimbawa at padron ng katotohanan, ay namatay na makasalanan (may kasiraan), at binuhay ng Dios na puspos ng kabanalan (walang kasiraan).
Ang tao nga rin aniya’y namamatay at inililibing na may kasiphayuan, at binubuhay na may kaluwalhatian. Gayon nga ring inililibing na may kahinaan, at binubuhay na may kapangyarihan. Datapuwa’t itong si Jesus na siya nating halimbawa sa pagkabuhay mula sa mga patay ay namatay na may kasiphayuan at nabuhay na may kaluwalhatian.
Linggo, Marso 20, 2016
ANG UMANO’Y PAGBABALIK NI JESUCRISTO SA NASASAKUPANG PANAHON NI PABLO
Biyernes, Mayo 3, 2013
KAILANGANG PAG-ARALAN ANG BIBLIYA
Kailan ma'y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindigan na doktrinang pangrelihiyon ng sinoman.
Gayon din namang nais naming liwanagin lamang na wala kaming anomang laban, ni paghihimagsik man sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. Bukod pa doon ay wala na kaming iba pang ninanais na mangyari pa.
Kung siya man ang tila sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral ay may hayagang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal
Ang akdang ito ay napakaliwanag na hindi kailan man dumako sa mapanirang panghuhusga ng kapuwa, kundi sa layong tanglawan lamang sa isipan at pang-unawa ng lahat ang hindi kakaunting bagay ng Dios na malaon ng pinipilipit at niwawalang kabuluhan ng marami.
Dahil diyan ay lubha ngang mahalaga sa sinoman na masusing siyasatin at pag-aralan ang nilalaman ng bibliya.
Batid nyo ba na sa Biblia ay nasusulat ang pinaghalong salita ng Dios at sariling pakiwari ng tao? Sa paglalahok ng dalawang iyan ay lubhang marami ang nailigaw sa katotohanan. Sapagka't nauuwi sa wala ang salita ng Dios, nang dahil sa minamatuwid na hidwang paniniwala ng ilang nagsulat ng Bagong Tipan. Dahil sa anomalyang iyan ay dapat mag-aral ng Biblia (Tanakh), upang matutunan natin kung papaano mapapaghiwalay ang sariling palapalagay ng tao na nagpapawalang kabuluhan sa mga salita ng Dios.
Pangalawa'y dapat maliwanagan ng lahat, na sa bagong tipan ay masusumpungan ang mga daya ng kasinungalingan na idinagdag at ibinawas sa mga teksto ng Lumang Tipan.
Ang mga iyan ay napatunayang ginawang patibayang aral ni Pablo sa lahat niyang mga sulat. Gayon din ang walang pakundangang pagsasalarawan ng gayong karumaldumal sa sulat na pinamagatang, "SA MGA HEBREO."
Nang sa gayo'y makatiyak tayo na ang mga ginagamit nating patibayang aral ay walang halong mapanlinlang na kasinungalingan ng ilang karakter ng Bagong Tipan.
Kaugnay nito ay hindi katotohanan na ang lahat ng nagsulat sa Bibliya ay inspirado ng Espiritu Santo, kundi ang ilan sa kanila'y inspirado ng diyablo. Sapagka't taglay ng kanilang salita ang kasuklamsuklam na kasinungalingan na lumalayon sa karumaldumal na pandaraya.
Akala tuloy ng marami ay katotohanan ang mga katunayang biblikal na kanilang ipinakikipaglaban - yun pala'y pinaglubidlubid lamang na kasinungalingan, na ang layunin ay pilipitin ang katotohanan at kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaluluwa ng kanilang kapuwa.
Linggo, Marso 31, 2013
PAGBUHAY SA MGA PATAY
Linggo, Pebrero 17, 2013
MGA TUNAY NA LINGKOD NG DIOS
Miyerkules, Hulyo 25, 2012
JESUCRISTO, DIOS BA, O TAO? (Part 1 of 2)

S
|
JESUCRISTO, DIOS BA, O TAO? (Part 2 of 2)
A
|
Martes, Mayo 22, 2012
ANG LUMA AT BAGONG TIPAN
31 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda.
Martes, Mayo 1, 2012
AMBAGAN SA MGA BANAL
Biyernes, Abril 13, 2012
BAGONG ANYO NG PAGSAMBA KAY JESUS
![]() |
| Sister Faustina |
Ang wika umano ng Panginoong Jesus sa kaniya, gaya ng mababasa sa ibaba.
Biyernes, Disyembre 9, 2011
CORDERO NG DIOS
![]() |
| The Seven Spirits |
Miyerkules, Nobyembre 9, 2011
SINO ANG TUNAY NA CRISTIANO
Lunes, Nobyembre 7, 2011
SINO ANG NAGTAYO NG IGLESIA
Biyernes, Nobyembre 4, 2011
ANG MALUWANG AT MAKIPOT NA PINTUAN
Sa
1 Cor 16:9
ay may pagmamapuring inihayag ni Pablo na siya’y nakasumpong ng pintuang
malaki, na nabuksan sa kaniya at yao’y pakikinabangan niya, dangan nga lamang
doon aniya ay marami ang kaaway. Kung lilinawin ay ang malaking
pintuan ng pananampalataya kay Jesucristo na walang gawa ng kautusan
ang tinitukoy ng taong ito. Sa paghahambing ng dalawang magkasalungat na evangelio ay gaya nga ng nasusulat.

















