Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang tahimik ngunit matibay na patotoo sa Katuruang Cristo—nakatuon sa Christology, katarungan, at hantungan ng tao. Hindi ito umaasa sa ingay o debate, kundi sa linaw, kaayusan, at paninindigan ayon sa Espiritu ng Diyos na kumilos kay Jesus.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Christian. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Christian. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Hunyo 7, 2023
Ang Totoong Cristiano
Labels:
Christian,
Christian of God,
Christian of Jesus,
Cristiano,
Cristiano ng Dios,
Huwad na Cristianismo,
Huwad na Cristiano,
Tunay na Cristiano
Martes, Oktubre 2, 2012
MASYAK (Cristo)
Ang salitang Hebreo na tumtukoy sa “מָשִׁיחַ
(mashiyach)” ay “anointed (pinahiran)” ang pinakamalapit at maituturing na
pinakahustong kahulugan sa wikang Ingles. Kung lilinawin ay isang rituwal pangkabanalan ng
Dios na kumikilala sa sinoman, o sa anomang bagay bilang isang tunay na banal. Sa
paglipas ng mga kapanahunan ay naisalin ang salitang iyan sa wikang Griego, na
kapag binasa ay, “Μεσσίας, (Messias)” at ang kahulugan naman ng titulong “Mashiyach
(pinahiran)” sa wika nila ay, “Χριστός (Khristós).”
(Paalala: Ang letrang “s” sa hulihan ng
Messia[s] at Kristo[s] ay pagsasalarawan sa maskulinidad (masculinity) ng
salita, titulo, o pangalan.)
Ang salitang “messiah” ay titulong
hinango ng mga Ingles sa wikang “Μεσσίας, (Messias)” ng mga Griego. Gayon din ang titulong “Christ” ay mula
naman sa “Χριστός (Khristós)”sa wika ding ito. Gayon man sa tagalog ay “pinahiran”
lamang ang nag-iisang kahulugan ng mga salitang salin na nabanggit sa itaas.
(Sa Septuagint ng mga Griego na bersiyon
nila ng Lumang Tipan (OT) ay tatlongpu’t siyam (39) na ulit binanggit ang
salitang “pinahiran” bilang Χριστός (Khristós). Sa Bagong Tipan (NT) sa saling
Griego ay dalawang (2) ulit na binanggit ang salitang Messias [Juan 1:41 at
Juan 4:25.])
Labels:
Christ,
Christian,
Christianity,
Masyak,
Masyanismo,
Masyano
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)
