Ipinapakita ang mga post na may etiketa na parthenos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na parthenos. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Nobyembre 1, 2016

EMMANUEL Isa 7:10-16

Mula sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay masusumpungan ang ilang talata ng hula ni propeta Isaias hinggil umano sa pagsilang ng isang sanggol na lalake bilang tanda ng buong sambahayan ni David. Pinaniniwalaan ng marami na iyon ay naganap halos pitong daang (700) taon matapos na masiglang ipahayag ng nabanggit na propeta.

Kaugnay niyan ay matuwid siyasatin na may masusing pag-aanalisa ang pahayag sa aklat ni Propeta Isaias, na umano ay mga hula na tanging kay Yehoshua (Jesus) ng Nazaret lamang tumutukoy. Siya nga kaya ang katotohanan na kinatuparan ng nabanggit na hula?