Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Minaling translasyon ng Ecclesia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Minaling translasyon ng Ecclesia. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Hunyo 2, 2018

ANG "IGLESIA (Ecclesia)" NG BIBLIYA

Ang katagang “ecclesia” sa wikang Griego ay may kahulugan na “called-out” sa lenguaheng Ingles. “Tinawag” naman ang translasyon, o pagkakasalin nito sa ating salita. Sa bibliyang Griego, isang halimbawa ng salitang iyan ay maliwanag na mababasa sa nilalaman ng Mateo 16:18.

Kaugnay niyan ay lumikha ng isang napakalaking problema ang mga translator, nang kanilang ihalili ang salitang “church” sa “called-out”, na siyang husto at wastong salin ng salitang “ecclesia” sa wikang Ingles. Samantalang ang katagang Griego na may kahulugang “church” ay walang iba, kundi ang “kuruakos, o kuriakon”. Diyan ay makikita ng napakaliwanag, na ang orihinal na kahulugan ng salita (ecclesia) sa wikang Ingles ay binago.