Muling Pagsilang
Ang sinoman nga’y
ipinanganganak sa pamamagitan ng tubig na lumalagaslas mula sa
sinapupunan ng isang ina. Sa gayo’y nagaganap ang pagsilang ng isang sanggol sa
maliwanag, upang siya’y lumaki at maging isang anak na kalugodlugod sa paningin
ng kaniyang ama at ina. Iyan sa makatuwid ang kung tawagin ay unang pagsilang, o pisikal na pagsilang, na kung lilinawin ay ang pagsilang sa tubig.
