Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Faith. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Faith. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Mayo 8, 2026

ANO ANG PANALANGIN—AT KAILAN ITO NAGIGING IBA?

 Ang panalangin ay nag-aayos ng kaluluwa sa Katotohanan—ngunit kapag nabago, maaari itong malihis.


Hindi lahat ng tila espirituwal ay tunay na panalangin.
Ang panalangin ay isang banal na gawain—simple at tuwiran. Ngunit sa paglipas ng panahon, ito ay nabago at minsan ay napalitan ng ibang anyo. Nililinaw ng artikulong ito ang hangganan sa pagitan ng tunay na panalangin at mga huwad na kapalit nito.

Sa mga unang turo ng Kasulatan, ang panalangin ay hindi kailanman naging komplikado. Hindi ito lihim o mahiwaga.

Ang tao ay nagsasalita. Ang Dios ay nakikinig.

Walang palabas. Walang manipulasyon. Ito ay simpleng paglapit sa Katotohanan.

➡ May English version: What Is Prayer—and When Does It Become Something Else?

Tingnan din: Seven Pillars Knowledge Pyramid 

Lunes, Setyembre 15, 2014

SIYA ANG INYONG PAKINGGAN (sa Pananampalataya)


Ang Pananampalataya sa Ama

Tungkol sa pananampalataya ay anu-ano naman kaya ang utos nitong sariling bibig ng panginoong Jesucristo, na nararapat nating sundin at isabuhay ng may sigla at may galak sa ating puso?

Hinggil sa usaping iyan ay may tibay na sinalita ng kaniyang bibig, na ang sinasabi ay ito,

JUAN 5 :

24  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo,  Ang dumirinig ng aking salita, at SUMASAMPALATAYA SA KANIYA NA NAGSUGO SA AKIN, ay may buhay na walang hanggan, at HINDI PAPASOK SA PAGHATOL, KUNDI LUMIPAT NA SA KABUHAYAN MULA SA KAMATAYAN.

Sinasabi nga ng talata ang katotohanang sumasa Dios, na ang sinomang dumirinig, o tumutupad ng kaniyang salita (katuruang Cristo), at sumasampalataya sa Ama nating nasa langit ay walang pagsalang magkakamit ng buhay na walang hanggan. Siya ay hindi papasok sa paghatol ng Dios na inihahatol sa mga mapanghimagsik sa natatangi niyang kalooban (kautusan). Bagkus, mula sa kinalalagyan niyang dako ng kamatayan, siya ay nailipat na sa kabuhayan.