Ayon sa kasaysayang mababasa sa aklat ng mga Hebreo ay isang tao si Samson na may pambihirang kalakasan. Siya ay isang Israelita at tubong Nazaret at may mahabang buhok na siyang lihim ng kaniyang lakas. Sa panahong yaon ay hindi lamang siya ang nagtataglay ng mahabang buhok, subali’t si Samson lamang ang bukod tanging may lakas na hindi masusumpungan sa sinomang lalake na may gayong kalagayan.
Ang pangalang ito ay naging simbulo ng lakas na hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa nalilimutan ng tao. Nguni’t kung titingnan sa malalim na kahulugan ang buong pangyayari na tumutukoy sa buhay ng naging pinaka malakas na tao sa kasaysayan ng ating mundo; Mapapagunawa ng walang pagaalinlangan na ang kasulatang tumutukoy sa usaping ito ay isang talinghaga, na kung uunawain sa literal na pananaw ay tiyak na ikatitisod ng sinoman. Sapagka’t ang talinghagang ito ay tumutukoy sa matuwid na pakikipagunawaan ng tao sa Dios na lumikha at umanyo ng lahat.
