Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Anti Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Anti Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Abril 16, 2017

Pablo, Apostol nga ba ng Cristo?

May madiing pahayag ang karamihan hinggil sa mga salita na nasusulat sa bibliya. Ang lahat anila ng nilalaman nito ay inspirado ng Espiritu Santo. Dahil diyan ay pinaniniwalaan ng marami, na ang buong nilalaman ng aklat na iyan ay lumalapat sa katotohanan at tinitindigan ng marami na pawang mga aral ng Dios. Iyan sa makatuwid anila ay tagapaglunsad ng sinoman sa dakilang larangan na tumutukoy ng ganap sa tunay na kabanalan.

Datapuwa't ang pananaw na iyan ay ayon lamang sa mga sali't saling sabi ng mga tao, na kailan man ay hindi napatotohanan ng nakakarami. Kahi man nandiyan  ang presensiya ng banal na kasulatan (bibliya) ay iilan lamang ang matiyagang gumugol ng mahalaga nilang panahon, upang saliksikin sa aklat na iyan ang katotohanan hinggil sa makontrobersiyal na usaping ito.

Totoo nga kaya na katotohanan at pawang katotohanan lamang ang nasusulat sa bibliya, partikular ang tinatawag na bagong tipan nito. Palibhasa'y pinaniniwalaan na ang laman nito ay pawang mga salita ng Dios.

Kaugnay niyan ay simulan nating saliksikin ang kasulatan (bagong tipan) at ating patunayan bilang isang katanggaptanggap na halimbawa, kung ito bagang si Pablo ay totoo nga kaya na Apostol ng Cristo, o hindi. Talaga naman kasing nakakapagduda ang turo ng taong ito. Iyan ay dahil walang sinoman sa kasulatan na sa kaniya ay tumawag na "Apostol,"  kundi ang kaniyang sarili lamang. 

Miyerkules, Marso 15, 2017

TANUNGIN NATIN SI PABLO

Narito, at mula mismo sa mga ipinangaral na mga salita nitong si Pablo ay maliwanag niyang tutugunin ng walang pag-aalinlangan ang ating mga katanungan sa kaniya. Malaking tulong sa sinoman ang ilang bagay na maliwanag niyang bibigyan ng kaukulang diin sa ating lahat. Dahil diyan ay lubos nating makikilala kung sino talaga ang personalidad na nakakanlong sa pangalan at katauhan niyang iyan.

Dito ay magiging isang matuwid na pamantayan ang sumusunod na kasabihan, gaya ng maliwanag na mababasa sa ibaba.

"Ang isda ay sa sariling bibig lamang nito nahuhuli ng kawil." 

Ngayon nga'y simulan natin ang pangangawil ng isda sa pamamagitan ng ilang katanungan na masigla at may pagmamapuri na nilapatan ni Pablo ng kasagutan, na ayon sa pangsarili lamang niyang pagmamatuwid. Masdan natin kung paano mahuhuli ng kawil ang sarili niyang bibig. 

Martes, Pebrero 16, 2016

NR004 SAN PABLO PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. 

Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 


Mula sa sulat ni Pablo sa mga taga Roma ay may ginamit siyang ilang talata galing sa Awit ni David. Diyan ay maliwanag na makikita, kung paano nagkakaroon ng malaking pagbabago ang kahulugan ng teksto na ginagamit niya, upang gawing patibayang aral sa kaniyang mga sulat. 

Ang hindi maikakailang katotohanan sa usaping ito ay binabago ni Pablo ang partikular na mga bahagi ng kasulatan, sa layuning pagtibayin ang likha niyang doktrinang pangrelihiyon. Sa gayon ay aakalain ng mga bumabasa, na ang patibayan niyang aral ay eksaktong teksto na mula sa Tanakh (OT), 

Totoo nga na teksto ng Tanakh ang ginagamit niyang mga patotoo, nguni't iyon ay may dagdag at may bawas na. Sa madaling salita ay may halo ng kasinungalingan ang anomang teksto ng Tanakh na ginagamit niyang patotoo sa kaniyang mga sulat. Iyon umano ay sa layunin niyang pagtibayin sa mga bumabasa ang iginigiit niyang aral pangkabanalan.

Narito ang isa pang halimbawa ng ilang talata mula sa Awit ni David, na iniba niya ang orihinal na konteksto sa pamamagitan ng pagdadagdag at pagbabawas ng mga salita.

Lunes, Hulyo 6, 2015

NR. 001 SAN PABLO: PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 

Mula sa kasagsagan ng mga panahong nagsilipas ay makikita ng napakaliwanag ang pagkilala kay San Pablo, bilang isang matuwid na lingkod ng Dios. Siya ay itininuturing ng higit na nakakarami na isang santo ng simbahang katoliko. Kinikilala din siya sa gayong kabanal na kalagayan ng iba’t ibang samahan na nabibilang sa malaking kalipunan ng Cristiano ni Pablo.

Sa kabila ng katanyagan ng taong iyan sa larangan ng Cristianismo ay matuwid na tanggapin ng lahat, na may madidilim pa rin na bahagi ng kaniyang pagkatao na hindi napapag-unawa ng higit na nakakarami. Nandiyan ang hayagan niyang paghihimagsik sa mga aral na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Nandiyan din ang pagbabawas at pagdaragdag ng mga salita sa teksto ng mga propeta,” na ginawa naman niyang patibayang aral sa kaniyang mga sulat.

Bilang simula, ang usapin hinggil sa dagdag-bawas ng mga salita, ang sa inyo ngayon ay aming tatanglawan ng napakaliwanag na ilaw. Iyan ang isa sa madilim na bahagi ng pagkatao nitong si Pablo, na noon pa mang una ay pinagtakpan na ng mga pagano at gentil na kabalahibo niya. Hanggang sa ngayon ay tila mga bulag sa katotohanang iyan ang mga tao na kumikilala sa kaniya bilang isang banal ng Dios.

Linggo, Disyembre 1, 2013

HINDI ANG BAWA'T NAGSASABI SA AKIN. PANGINOON, PANGINOON, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT.

LORD God Jesus?
Mula sa umiiral na kinaugaliang doktrinang pangrelihiyon ng mga kapanalig at tagasunod ni Saulo (Pablo) ng Tarsus ay patuloy ang pagkilala kay Jesus bilang isang Panginoon, na lumalapat ng ganap sa kalagayan ng isang Dios na totoo.  Gayon ma'y nagtutumibay ang mga katiwatiwalang katunayang biblikal, na madiing pinatototohanan ang likas niyang kalagayan bilang isang tunay na tao. Ang katunayan hinggil diyan ay napakaliwanag na mismo ay sinalita ng sarili niyang bibig. Sapat, upang bigyang halaga at tanggapin bilang isang nagtutumibay na katotohanan ang pagpapatunay niya sa kalagayang materiya na umiiral sa buo niyang pagkatao.

Hindi nga niya tinatanggap na siya ay tawagin ng sinoman bilang "Panginoon," sapagka't nalalaman niya ng lubos na ang katawagang iyon ay walang ibang tinututukoy, kundi ang kaisaisang Dios, o kaya naman ay ang dakilang Espiritu (Espiritu Santo) nito na isinugo sa buong kalupaan.

Narito, at sa Mateo 7:21 ay sinabi,

“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin. Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit: kundi ang gumaganap ng kalooban (kautusan) ng aking Ama na nasa langit.”

Sa gayo’y sino ang nagsalita, ito bagang si Jesus sa kaniyang sarili, o yaong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban sa kapanahunang iyon? Tungkol nga sa usaping ito’y binigyang diin ng sariling tinig ni Jesus ang mga sumusunod na katuwiran hinggil sa likas niyang kalagayan.