Miyerkules, Marso 15, 2017

TANUNGIN NATIN SI PABLO

Narito, at mula mismo sa mga ipinangaral na mga salita nitong si Pablo ay maliwanag niyang tutugunin ng walang pag-aalinlangan ang ating mga katanungan sa kaniya. Malaking tulong sa sinoman ang ilang bagay na maliwanag niyang bibigyan ng kaukulang diin sa ating lahat. Dahil diyan ay lubos nating makikilala kung sino talaga ang personalidad na nakakanlong sa pangalan at katauhan niyang iyan.

Dito ay magiging isang matuwid na pamantayan ang sumusunod na kasabihan, gaya ng maliwanag na mababasa sa ibaba.

"Ang isda ay sa sariling bibig lamang nito nahuhuli ng kawil." 

Ngayon nga'y simulan natin ang pangangawil ng isda sa pamamagitan ng ilang katanungan na masigla at may pagmamapuri na nilapatan ni Pablo ng kasagutan, na ayon sa pangsarili lamang niyang pagmamatuwid. Masdan natin kung paano mahuhuli ng kawil ang sarili niyang bibig. 



TANONG: 
1. IKAW BA AY LIKO AT SINUNGALING?

SAGOT:
ROMA 3 :
5  Datapuwa’t kung ang ating KALIKUAN ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? (nagsasalita ako ayon sa pagkatao.)

7  Datapuwa’t kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking KASINUNGALINGAN ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako’y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?

Saan man at kailan man ay hindi ikinalugod ng Dios ang kalikuan at kasinungalingan. Isang maliwanag na tanda ng kamangmangan sa sinoman kung gayon,  na sabihing, 


"Ang KALIKUAN ni Pablo, o ang mga paghihimagsik niya sa mga utos ng Dios ay nagbibigay dilag, o kagandahan sa katuwiran ng Dios." 

Ang kalikuan ay kalikuan na tagapaglunsad ng sinoman sa kapahamakan ng sarili niyang kaluluwa. Winikang liko dahil sa ang kalooban ng Dios ay matuwid. Ang ibig Niyang ipakahulugan ay hidwa sa Kaniyang kalooban na tumutukoy sa katotohanan. Ang kalikuan sa makatuwid ay malaking kasalanan sa Dios

Isa nga rin na pagpapakilala sa pagiging hangal at hibang sa paningin ng Ama na sabihing, 


"Sa pamamagitan ng KASINUNGALINGAN ni Pablo ay sumasagana sa ikaluluwalhati ng Dios ang katotohanan."
Kasinungalingan nga kaya ang siyang sa kaluwalhatian ng Dios ang nagpapasagana sa katotohanan. O ang masigla at may galak sa puso na pagtalima sa matuwid niyang kalooban (kautusan), at tanging katotohanan lamang ang totoong tagapagbigay ng kasaganaan sa ikaluluwalhati ng Dios.

Sadyang ang mga kalaban ng Dios ay pilit na inililiko sa maling daan ang pagpupunyagi ng mga tao na makipag-isa sa Ama nating nasa langit. Sapagka't kung aanalisahing mabuti ang Roma 3:5 at 7 ay binibigyang katuwiran nito sa lahat ang kalikuan at ang kasinungalingan.

Sa talata (Roma 3:5,7) ay kapansinpansin na binibigyang diin nitong si Pablo na siya'y huwag husgahan sa pagiging makasalanan. Sapagka't ang kaniyang mga paghihimagsik aniya sa kautusan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios. Ang mga pinaglubidlubid at pinagtagnitagni niyang mga kasinungalingan ay nagbibigay aniya ng kasaganaan sa ikaluluwalhati ng Dios.


Gaya lamang iyan ng pagnanakaw sa mayayaman na ang mga ninakaw ay itutulong sa mahihirap (Robin hood Syndrome). Gaano man kadakila ang layunin ng sinoman, kung ang ginagawa niya ay labag sa kautusan ay maliwanag na iyon ay malaking kasalanan sa kaisaisang Dios ng langit. 


Ang paglabag sa kautusan ay kasalanan at ang anomang kasalanan ay hindi kailan man maaaring magbunga ng mabuti. Iyan ay tulad ng maliwanag na turo ng Cristo, na sinasabi,


MATEO 7 :
17  Gayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama.

18  Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti.

19 Bawa't punong kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.

Mula sa katuruang Pablo (Roma 3:5,7) ay nagbubunga ng mabuti ang masama. Taliwas diyan ay madiing itinuro ng sariling bibig ng Cristo ang nilalaman ng talata (Mat 7:17-19) sa itaas. Sa gayo'y napakaliwanag na ayon sa nagtutumibay na katuwiran ng Dios (katuruang Cristo) na ipinangaral ng Cristo ay hindi nakapagbibigay dilag sa katuwiran ng kaisaisang Dios ng langit ang alin mang kalikuan na kinawiwilihang gawin ng mga tampalasan sa Kaniyang paningin. Isa ito sa hindi kakaunting paghihimagsik o pagkontra ng Katuruang Pablo laban sa Katuruang Cristo.

Ang kasinungalingan na gaya ng masamang puno, ayon pa rin sa katuruang Cristo ay hindi kailan man maaaring magbunga ng mabuti, o ng katotohanan man.


Katotohanan, na itong si Pablo ay isang maliwanag na liko at sinungaling sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.  Sa pamamagitan ng kahikahikayat na evangelio ng di-pagtutuli ng taong ito, ang marami ay ginagawa niyang bingi, bulag, manhid, walang pang-amoy, at walang panglasa sa katotohanan ng Dios. Gaya ng lason, na ang taglay na kakaiba at kanaisnais na tamis, ang evangelio ng di-pagtutuli nitong si Pablo ay katumbas ng tiyak na kamatayan ng sinoman.



TANONG: 
2. IKAW BA AY TUSO AT MAGDARAYA?

SAGOT:
2 COR 12 :
16  Datapuwa’t magkagayon man, ako’y hindi naging pasan sa inyo: kundi dahil sa PAGKATUSO ko, kayo’y hinuli ko sa DAYA.

Ang pagkatuso ay kapatid ng pandaraya, at sila naman ay bunga,  o anak ng kasinungalingan. Sa talatang iyan (2Cor 12:16) sa itaas ay napakaliwanag na ipinagmamapuri nitong si Pablo ang kaniyang kasuklamsuklam na pagkatuso at ang mga daya niya ng kasinungalingan.

May katotohanan na si Pablo ay tuso at magdaraya. Siya na mismo sa pangalawang sulat niya sa Corinto ang nagbigay patotoo sa kasuklamsuklam na kalagayan niyang iyan.



TANONG:
3. PINAMAMAHAYAN BA NG KABANALAN ANG BUONG PAGKATAO MO?

SAGOT:
ROMA 7 :
18  Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay HINDI TUMITIRA ANG ANOMANG BAGAY NA MABUTI: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang PAGGAWA NG MABUTI AY WALA.

ROMA 3 :
5  Datapuwa’t kung ang ating KALIKUAN ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? (nagsasalita ako ayon sa pagkatao.)

7  Datapuwa’t kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking KASINUNGALINGAN ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako’y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?

FIL 1 :
18  Ano nga, gayon man, SA LAHAT NG PARAAN,  maging sa PAGDADAHILAN o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo, at sa ganito’y NAGAGALAK AKO, Oo, at AKO’Y NAGAGALAK.

2 COR 12 :
16  Datapuwa’t magkagayon man, ako’y hindi naging pasan sa inyo: kundi dahil sa PAGKATUSO ko, kayo'y hinuli ko sa DAYA.

Ang sinomang tumitindig sa karumaldumal ng sanglibutan, gaya halimbawa ng kalikuan na kapatid ng katusuhan ay isang maliwanag na sinungaling. Walang masusumpungan sa kaniya na paggawa ng mabuti, kundi kasamaan lamang. Sapagka't sa buo niyang pagkatao ay walang namamahay at naghaharing kabutihan. Kagalakan sa kaniyang puso ang paglulubidlubid at pagtatagnitagni ng mga kasinungalingan.

Walang pag-aalinlangan batay sa mga pahayag ni Pablo sa dakong itaas (Roma 7:18, Roma 3:5 & 7, Fil 1:18, 2Cor 12:16) na siya saan man at kailan man ay hindi pinamahayan, ni pinagharian man ng totoong kabanalan. Bagkus, ang nasa kaniya ay ang masamang espiritu, na siyang nagwiwika ng mga kasinungalingan at sa pamamagitan niya ay gumagawa ng mga katusuhan at pandaraya sa marami.


Sa hayagang salita ay pinatotohanan mismo ni Pablo sa pangalawa niyang sulat sa mga taga Corinto (2Cor 12:16), na sila sa bayang iyon ay maliwanag niyang dinaya sa pamamagitan ng kaniyang pagkatuso. Ang may katusuhan na itinuro niya sa kanila na evangelio ng di pagtutuli sa makatuwid ay bunga nga lamang nitong mga daya ng kaniyang kasinungalingan. 




TANONG:
4. IKAW BA AY MAPAGBALATKAYO?

SAGOT:
1 COR 9 :
20  At sa mga Judio, AKO’Y NAGAARING TULAD SA JUDIO, upang mahikayat ko ang mga Judio, sa mga nasa ilalim ng kautusan ay GAYA NG NASA ILALIM NG KAUTUSAN,  bagama’t wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang nasa ilalim ng kautusan.

21  Sa mga walang kautusan, ay TULAD SA WALANG KAUTUSAN, bagama’t hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng KAUTUSAN NI CRISTO, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan. (Gal 2:7-9, Roma 11:13, Roma 15:16)

Hind naman marahil mahirap unawain ang konteksto ng nilalaman nitong 1Cor 9:20-21. Sa mga talatang iyan ay maliwanag na ipinahahayag nitong si Pablo, na kapag siya'y nakaharap sa mga Judio ay nagkukunwari siyang tumatangkilik, tumataguyod, nagtatanggol, at tagasunod ng kautusan (Torah). Iyan ay sa layunin niya na makuha ang loob nila at sa kanila ay mangaral ng mga kasinungalingan.

Kung siya naman ay nakaharap sa mga Gentil ay nagbabalatkayo siya na isang tao na walang kautusan. Na kung lilinawin ay kapanalig ng mga Gentil na ang gawain ay magpawalang kabuluhan sa kautusan (Torah). Masidhi niyang hangarin na sila ay himukin na tangkilikin ang likha niyang katuruan (evangelio ng di-pagtutuli), na bunga ng katusuhan at mga daya ng kaniyang kasinungalingan.


Katotohanan, na si Pablo ay isang tao na kung kanino maharap ay gayon siya. Gaya siya ng isang hunyango(chamellon), na kung anong kulay ang kinakapitan ng kaniyang mga paa ay gayon din ang kulay ng buo niyang katawan. Ang katangiang iyan ay gawain ng mga masasamang tao, upang sila'y makahikayat at makalinlang ng kanilang kapuwa. Siya ay katotohanan na mapagbalatkayo (mapagkunwari).


TANONG:
5. IKINATUTUWA MO BA NA ITURO ANG MGA KASINUNGALINGANG ARAL

SAGOT:
FIL 1 :
18  Ano nga, gayon man, SA LAHAT NG PARAAN, maging sa PAGDADAHILAN o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo, at sa ganito’y NAGAGALAK AKO, Oo, at AKO’Y NAGAGALAK.

Mahirap bang unawain ang nilalaman ng Fil 1:18? Na sa lahat ng paraan, maging sa kasinungalingan at katotohanan ay kailangang itanyag ang Cristo. Dapat ba na maitanyag mo lang ang isang bagay ay kailangang gumamit ka ng kasinungalingan? Bagay na kailan man ay hindi sinang-ayunan ng kaisaisang Dios ng langit. Ang Dios ay katotohanan at dahil diyan ay isang katuwiran sa kaniyang paningin, na itanyag ang kabanalan sa pamamagitan ng katotohanan na itinuturo sa atin ng Ama nating nasa langit sa pamamagitan ng mga kinikilala niyang banal.

Ano pa't sa turo ni Pablo (evangelio ng di-pagtutuli) ay malinaw na binibigyan niya ng katuwiran ang pangangaral na lakip ang pinaglubidlubid na kasinungalingan. Ito'y ikinatutuwa niya, na ang ibig sabihin ay galak sa kaniyang puso na itanyag ang Cristo ng Damasco sa lahat ng kaparaanan, maging ito sa pamamagitan ng mga pinagtagnitagni niyang kasinungalingan.


Si Pablo ay ikinatutuwa ang pangangaral ng likha niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli), kahi man ito'y hitik na hitik ng mga kasinungalingan. Diyablo nga lamang ang gumagawa ng kasinungalingang aral, at ang gayon ay ikinagagalak niyang ipangaral sa mga tao. Hindi mahirap matukoy kung sino sa akdang ito ang  ganap na lumalapat sa kasuklamsuklam na kalagayan ng diyablo.




TANONG:
6. IKAW BA AY MAMAMATAY TAO?

SAGOT:
GAL 1 :
13  Sapagka’t inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihiyon ng mga Judio, kung paanong aking INUUSIG NA MALABIS at NILILIPOL ANG IGLESIA NG DIOS.

GAWA 26 :
10  At ginawa ko rin ito sa Jerusalem: at kinulong ko sa mga bilangguan ang marami sa mga banal, pagkatanggap ko ng kapamahalaan sa mga pangulong saserdote, at nang SILA'Y IPAPATAY at ibinigay ko ang aking pagsangayon laban sa kanila.

Sa napakalinaw niyang pahayag sa itaas ay inamin niya na inusig niya ng malabis at nilipol ang kawan ng Dios na tumatangkilik, nagtataguyod, nagtatanggol, at sumusunod sa Katuruang Cristo. Hanggang sa ipahintulot ng pamahalaang Romano (hindi ng mga punong Saserdote) ay iniutos niya na ang kalipunang Cristiano ng Cristo ay ipapatay.

Subali't nang umpisahan niya ang pangangaral ng likha niyang evangelio ng di-pagtutuli. Naging higit na banta at akma ng ganap na pagkapahamak (kamatayan) sa kaluluwa ng sangkatauhan ang walang pagsalang ibinunga niyan. Sapagka't sa turo niya'y lipas at luma na ang kautusan, kaya ito ay pinalitan na niya ng bago. 


Ano pa't kapag ang sinoman ay tumakuwil sa kautusan ay maliwanag na ang kaniyang taglay na kaluluwa ay mamamatay. Sa madaling salita ay kamatayan ng kaluluwa ang pagsunod sa evangelio ng di-pagtutuli.


Eze 18 :
4  Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ANG KALULUWA NA NAGKAKASALA AY MAMAMATAY. 

Ang paglabag isa man sa kautusan ay kasalanan na maituturing sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit. Sa gayo'y maaari kayang higit pa sa kamatayan ang parusa sa sinoman na tumakuwil at nilimot ang pagsunod sa buong kautusan?

Kung sa simula ay katawan lamang ang ipinapapatay ni Pablo ay hindi na nga ang gayon sa ngayon, kundi kaluluwa na ang kaniyang pinapatay. Kaya isang matuwid na hakbang ng sinoman, na huwag maniwala sa anomang turo nitong si Pablo, maging gaano man ito kaganda at kahikahikayat na pakinggan. Bagkus ay turo (katuruang Cristo) lamang ng Cristo ang ating pakinggan. Katotohanan na sa Katuruang Cristo ay nakatitiyak ang sinoman, na makakamit niya ang kapatawaran ng mga kasalanan, at kaligtasan ng sarili niyang kaluluwa.  


Katotohanan, na si Pablo ay mamamatay tao, at hindi lamang iyan ang kaya niyang gawin. Mamamatay din siya ng kaluluwa. Sapagka't ang mga tao ay tinuturuan niyang pawalang kabuluhan at limutin ang kautusan ng kaisaisang Dios ng langit.


Iyan ay gaya ng napakaliwanag na turo ni Pablo, na mababasa sa mga sumusunod na bungkos ng mga talata ng biliya sa ibaba


ROMA 3 : 
20  Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.

HEB 7 :
18  Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN.
19  (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling (pananampalataya), na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.

HEB 8 :
 Sapagka’t kung ang UNANG TIPANG YAON ay naging WALANG KAKULANGAN, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ng PANGALAWA.

Tiyak na kamatayan ng kaluluwa ang hatid sa sinoman na susunod at magsasabuhay ng imbentong aral (evangelio ng di-pagtutuli) ni Pablo. Kabaligtaran niyan ay buhay na walang hanggan ang kinauuwian ng sinoman na naglagak ng lubos niyang tiwala sa Katuruang Cristo, upang tangkilikin, itaguyod, ipagtanggol, at sundin.

TANONG: 
7. IPINANGANGALAKAL MO BA ANG LIKHA MONG DOKTRINANG PANGRELIYON (EVANGELIO NG DI PAGTUTULI)

SAGOT:
2 COR 11 :
8 AKING SINAMSAMAN ANG IBANG MGA IGLESIA, sa PAGTANGGAP KO NG UPA sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo.

1 COR 16 :
1  Ngayon, tungkol sa AMBAGAN SA MGA BANAL,  ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia.
2 Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa’t isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

2 COR 9 :
7 MAGBIGAY ANG BAWA'T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO:   huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. (Jer 17:9-10).

Walang alinlangan nga na pinagkakakitaan ni Pablo ang marami at sila'y sinasamsaman (inuurot) niya sa pamamagitan ng paghingi sa kanila ng upa. Mula sa likha niyang aral na nagsisilbing pangpalubag ng loob sa kahirapan na dinadanas ng mga tao ay nakakasamsam siya sa kanila ng upa. Siya sa madaling salita ay napakaliwanag na isang UPAHAN NA MANGANGARAL. 

Sa sulat niya sa mga taga Corinto ay tinawag niyang AMBAGAN SA MGA BANAL ang koleksiyon ng salapi mula sa mga tao. Na ito'y ginawa niyang isang obligasyon sa kanila, gayon man ay walang anomang takdang halaga, kundi sila'y magbibigay aniya ng ayon lamang sa minamatuwid ng kanikanilang puso.


Subali't kung ang taong ito ay tunay na nagsasabuhay ng katuruang Cristo ay hindi niya kailan man gagawin ang kasuklamsuklam na pagpapaupa sa kaniyang serbisyo espiritual sa mga tao. Sapagka't maging batang paslit ay hindi mahihirapan na unawain ng lubos ang nilalaman ng sumusunod na talata.


MATEO 10 :
7 At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay MAGSIPANGARAL KAYO, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na.:

8  Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: TINANGGAP NINYONG WALANG BAYAD, AY IBIGAY NINYONG WALANG BAYAD. 

Maliwanag na ang utos ng sariling bibig ng Cristo ay huwag magpabayad, o magpa-upa. Gayon man ay sadyang laban si Pablo sa sagradong turo na iyan ng Cristo. Kaya sa kaniya'y walang anoman ang utos na iyan, at sa halip ay may pagmamapuri niyang ipinamukha sa Cristo na wala siyang pagkilala sa nabanggit na utos sa Mateo 10:8. Sa halip ay tumanggap siya ng upa, at nag-utos sa kaniyang sulat sa mga taga Corinto na magbigay ng abuloy na mula sa ipinasiya ng puso bilang ambag sa mga banal. 

Katotohanan, na itong si Pablo ay ipinangalakal (pinagkakitaan ng salapi) ang ipinangangaral niyang tila salita ng Dios. Siya ay tumanggap ng upa, at abuloy mula sa mga tao. Kahi man, ang pagpapabayad, o paghingi ng upa at abuloy ay mahigpit na ibinabawal ng kautusang Cristo.



TANONG: 
8. SANG-AYON KA BA SA MGA KAUTUSAN NG PAG-IBIG NA MULA SA SINAI?

SAGOT: 
ROMA 3 :
20  Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN. (Gal 5:18)

ROMA 4 :
15  Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.

ROMA 7 :
6  Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat. (Roma 7:21)

GAL 3 :
21  ANG KAUTUSAN NGA BA AY LABAN SA MGA PANGAKO NG DIOS? Huwag nawang mangyari: sapagka’t kung ibinigay sana ang isang KAUTUSANG MAY KAPANGYARIHANG MAGBIGAY BUHAY, tunay ngang ang katuwiran ay naging dahil sa KAUTUSAN. (Juan 12:50)

HEB 7 :
18  Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALANG NG KAPAKINABANGAN.

19  (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.

Napakaliwanag ng mga isinasaad ng mga nabanggit na talata sa itaas, na si Pablo ay hindi kailan man sumang-ayon sa kautusan ng Dios. Sapagka't ayon sa kaniya ay,


1. Walang laman ang paggawa ng kautusan.

2. Pagkilala ng kasalanan ang kautusan.

3. Kung saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang.

4. Tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin,

5. Ang kautusan ay walang kakahayan na magbigay buhay.

6. Napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalang ng kapakinabangan.


7. Ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal.

Ano pa't mula sa katuruang Cristo ay maliwanag na napakalayo sa katotohanan nito ang mapangahas na pahayag na iyan ni Pablo, gaya ng napakaliwanag na nasusulat,


MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA

Kahi man ba tahasan na ngang ipinag-utos (Mateo 17:5) ng Ama, na turo ni Jesus (katuruang Cristo) lamang ang ating pakikinggan ay ipipilit pa rin natin at bibigyan ng palusot na katuwiran ang paghihimagsik na iyan ni Pablo sa kautusan?

Taliwas na taliwas sa minamatuwid ni Pablo ay ang katotohanan na ipinangaral ng Cristo sa kalakhan ng buong sangbahayan ni Israel. Ang Katuruang Cristo partikular sa aral ng kautusan, mula sa pagkakasunodsunod ng bilang ay gaya ng napakaliwanag na mababasa sa ibaba.


1. Ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
2. Ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN,
3. Kung ibig mong pumasok sa buhayINGATAN MO ANG MGA UTOS.
4. ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN;

Katotohanan na si Pablo ay hindi sumasang ayon sa pagiging balido ng kautusan. Maliwanag ang kaniyang pahayag at dahil doon ay malinaw din na sinasalungat niya ang katuruang Cristo, na kung saan ay kasusumpungan ng matutuwid na turo ng sariling bibig ni Jesus ng Nazaret, gaya ng sa Mateo 5:17-18, Mateo 19:17, at ng Juan 12:50.

Mula sa hindi maitatangging turo ng Cristo hinggil sa kautusan na nalalahad sa itaas ay si Pablo pa rin kaya ang patuloy nating pakikinggan. Kahi man alam na alam na natin, na ang taong iyan ay nuno ng mga sinungaling?




TANONG:
9. PINAGTIBAY MO BA ANG NILALAMAN NG MATEO 23:23?

SAGOT:
HEB 6 :
Kaya nga TAYO'Y TUMIGIL NA NG MGA UNANG SIMULAIN NG ARAL NI CRISTO,  at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga PATAY NA GAWA, at ng pananampalataya sa Dios.

GAL 3 :
11  Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa KAUTUSAN sa harapan ng Dios; sapagka’t ang GANAP AY MABUBUHAY SA PANANAMPALATAYA.

GAWA 13 :
39  At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARING GANAP SA PAMAMAGITAN NG KAUTUSAN NI MOISES.

GAL 2 :
16 Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga GAWANG AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMANG LAMAN.

Sa mga talata sa itaas ay maliwanag na ipinatitigil na ni Pablo sa kaniyang mga kampon ng kasamaan ang pagsasabuhay ng tinatawag niyang mga simulaing aral ng Cristo. Sa makatuwid ay hindi na nga niya binibigyan ng anomang halaga pa, o kapakinabangan ang katuruang Cristo.

Ayon sa likha niyang turo (evangelio ng di-pagtutuli), ang lahat ay hindi inaaring ganap ng Dios sa kautusan. Ang tao kung gayon ay hindi aaring ganap sa pamamagitan ng Torah, o ang limang (5) aklat ni Moises, na kung saan ay masusumpungan ang mga kautusan (sampung [10] utos).


Ang tao aniya ay hindi inaaring-ganap sa mga gawa ng kautusan, maliban na lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Sa kautusan, dagdag pa niya'y hindi aariing ganap ng Dios ang sinomang laman.


Sa kabila niyan ay may madiing turo ang sariling bibig ng Cristo, na kasusumpungan ng katotohanan na sumasa Dios ng langit. Na sinasabi, 



MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

Sa katuruang Cristo naman ay aariing ganap ng Dios ang sinoman sa gawa ng mga kautusan. Datapuwa't napakaliwanag na kabaligtaran sa katotohanang iyan ang ipinahayag ni Pablo at ni Lucas sa mga nabanggit na talata (Heb 6:1, Gal 3:11,16, Gawa 13:39).

Ang nasasaad sa Mateo 23:23 ay Pagkahabag, Katarungan, at Pananampalataya na mga mahahalagang bagay ng kautusan. Isang kabuoan kung gayon na tumutukoy sa kautusan. Sa gayo'y hindi maaaring papaghiwalayin, palibhasa'y tatlo (3) sa kanikaniyang layunin na pinag-isa ng Dios.


Gaya ng katawan na may mahahalagang bahagi sa kanikaniyang layunin, na pinag-isa ng Dios sa kabuoan, na kung tawagin ay tao. Hindi nga maaaring ihiwalay sa katawan ang mga kamay, sapagka't iyon ay magpapahayag ng malaking kakulangan sa kabuoan. Magkukulang din sa makatuwid ang kakayanan nito na gumanap sa pangkalahatan nitong layunin sa kabuoan. Ano pa't ang inalis na mga kamay sa kabuoan ng katawan ay walang kakayahan na mabuhay sa kaniyang sarili. At dahil doon ay mamamatay ang bahaging iyon, kaya anomang bahagi na ihiwalay sa katawan ay patay sa kaniyang sarili.


Gayon din naman ang Katarungan, Pagkahabag, at Pananampalataya na isang kabuoan sa kaniyang kasarinlan (kautusan). Ang alin man sa mahahalagang bagay na iyan ng kautusan, kung aalisin gaya halimbawa ng pananampalataya ay walang kakahayan ito na mabuhay sa kaniyang sarili. At dahil diyan, anomang gawa ng kautusan ay nararapat na lakip ang Katarungan, Pagkahabag, at Pananampalataya na mga mahahalagang bahagi nito. Kaya kung ang pananampalataya ay aalisin sa kautusan ay patay nga siya sa kaniyang sarili. 


Ang pananampalataya na hiwalay sa gawa ng kautusan kung gayon ay patay sa kaniyang sarili. Ang pananampalataya, bilang isa sa tatlong (3) bagay ng kautusan ay hindi makapagliligtas ng kanino mang kaluluwa, palibhasa ay patay ito sa kaniyang sarili. Datapuwa't ang pananampalataya na may gawa ng kautusan, palibhasa'y husto ang kabuoan ay siyang may ganap na lakas at kakayahan na makapaghatid ng sinomang kaluluwa sa kabuhayang walang hanggan.


Iyan ang katotohanan na hindi kailan man sumagi sa makitid na isipan ng taong si Pablo. Sukat, upang ang likha niyang doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di-pagtutuli) ay maging laban at mapanghimagsik na totoo sa kasagraduhan ng dakilang Katuruang Cristo.


Sapagka't maliwanag niyang ihiniwalay at tuluyang inalis sa kautusan ang pananampalataya, na isa (1) sa tatlo (3) nitong mahahalagang bahagi. At dahil sa ginawa niyang iyan ay nawalan ng anomang kabuluhan ang pananampalataya ng sinoman, sapagka't ang bahaging iyan ng kabuoan (kautusan)sa sandaling alisin sa gawa ng kautusan ay mawawalan ng anomang kabuluhan sa kapakanan ng bawa't kaluluwa sa kalupaan. Ang kaganapan sa natatanging layunin ng kautusan ay nasasalalay sa tatlong (3) mahahalagang bagay, at ang mga iyan ay ganap na tumutukoy sa Katarungan, Pagkahabag, at Pananampalataya, na nagbibigay ng ganap na kahustuhan sa isang kabuoan na kung tawagin ay Kautusan.


Katotohanan, na itong si Pablo ay hindi kailan man binigyan ng pagpapahalaga ang katuruang Cristo na mababasa sa Mateo 23:23




TANONG:
10. KINILALA MO BA ANG TIPAN NG DIOS SA PAGTUTULI SA BALAT NG MASAMA?

SAGOT: 
GAL 5 :
Sapagka’t kay CRISTO JESUS, KAHIT ANG PAGTUTULI AY WALANG KABULUHAN, kahit man ang DI PAGTUTULI;  kundi ang PANANAMPALATAYA NA GUMAGAWA SA PAMAMAGITAN NG PAGIBIG.

GAL 6 :
15  Sapagka’t, ANG PAGTUTULI AY WALANG ANOMAN, KAHIT MAN ANG DI PAGTUTULI, kundi ang bagong tao.

1 COR 7 :
18  Tinawag baga ang sinomang taong tuli na? Huwag siyang tawaging tuli. Tinawag baga ang sinomang di tuli, huwag siyang maging tuli.

19  ANG PAGTUTULI AY WALANG ANOMAN; kundi ang pagtupad sa mga utos ng Dios.

20  BAYAANG ANG BAWA’T ISA’Y MANATILI DOON SA PAGKATAWAG NA ITINAWAG SA KANIYA.

Katotohanan batay sa hindi maitatangging pahayag ni Pablo sa itaas, na saan man at kailan man ay hindi niya kinilala ang walang hanggang tipan ng ng Dios kay Abraham hinggil sa pagtutuli

Ang natatanging kadahilanan niya ay upang mahikayat niya ng madali ang mga Gentil, na kumilala sa likha niyang evangelio ng di-pagtutuli. Kung sasabihin nga naman niya na siya ay laban sa pagtutuli ay magiging isang punto iyon, upang ang mga Gentil (hindi tuli sa balat ng masama [supot]) ay pakinggan ang kaniyang hatid na ibang evangelio (evangelo ng di-pagtutuli) sa kanila.


Pansinin natin na sa Galacia at Corinto niya ipinangaral ang kawalang halaga ng pagtutuli. Maliwanag lamang na ang ibig sabihin nito'y mga Gentil ang mayorya sa buong mamamayan ng nabanggit na dalawang bayan. Sa gayo'y hindi inilahad ni Pablo sa mga Gentil ang katotohanan hinggil sa walang hanggang tipan ng Dios kay Abraham. Sa halip ay inayunan niya sila sa kaugalian nila na hindi tuli sa balat ng masama.


Si Pablo ay hindi ipinangaral sa mga taga Galacia at sa mga taga Corinto ang totoo hinggil sa kahalagahan sa Dios nitong pagtutuli sa balat ng masama. Imbis na sila'y aralan niya alinsunod sa nabanggit na tipan ng pagtutuli ay tinuruan pa niya sila na magmatigas sa kanilang kalooban na huwag magpatuli.


Katotohanan, gaya ng mga Gentil ay laban si Pablo sa walang hanggang tipan ng Dios hinggil sa pagtutuli. Gaya ng diyablo ay kabaligtaran ang ginagawa nito sa kalooban ng kaisaisang Dios ng langit. Wala ngang ipinagkaiba itong si Pablo at ang diyablo pagdating sa pagpapawalang kabuluhan sa kalooban ng Dios.




TANONG:
11. SANG-AYON KA BA, NA ANG DIOS AY IISA LAMANG SA LIKAS NIYANG KALAGAYAN?

SAGOT: 
At ganito ang turo ng taong si Pablo.

FIL 2 :
Na siya (Cristo), bagama’t nasa ANYO NG DIOS ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat na panangnan ang PAGKAPANTAY NIYA SA DIOS.

ROMA 9:
Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang CRISTO ayon sa laman, na siyang LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILAN MAN, SIYA NAWA.

COL 2 :
Sapagka’t sa kaniya’y (Cristo) nananahan ang BOONG KAPUSPUSAN NG PAGKA DIOS sa kahayagan ayon sa laman.
10  At sa kaniya kayo’y napuspos na siyang PANGULO ng lahat ng PAMUNUAN at KAPANGYARIHAN.

HEB 1 :
Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na LARAWAN NG KANIYANG (Cristo) PAGKA DIOS, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang ang PAGLILINIS NG MGA KASALANAN, ay LUMUKLOK SA KANAN NG KARANGALAN SA KAITAASAN.

Iyan ang napakaliwanag na turo ng tao (Pablo) na higit na pinaniwalaan at tinangkilik ng mga Gentil. Datapuwa't mula mismo sa bibig ng kaisaisang Dios ng langit ay ipina-unawa niya sa sangkatauhan ang katotohanan sa kaisaisang niyang likas na kalagayan, gaya ng mababasa sa ibaba, na sinasabi,

 ISA 44 :
6  Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULIat LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.

ISA 45 :
21 .... WALANG DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA DIOS at TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

22  Kayo’y magsitingin sa akin at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

Maging itong si Jesus ng Nazaret ay nagwika hinggil sa kaisahan ng Dios, na sinasabi, 

JUAN 8 :
40  Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.

JUAN 20 :
17  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS. 

Sa gayo'y lumabas na ang  pagkakaroon ng higit sa isa na Dios ay aral na iginigiit lamang niya (Pablo) na tama. sapagka't hindi iyon sinang-ayunan ng katotohanan at dahil diyan ay maliwanag na nahayag na ang turo ng tao (Pablo) ay kasinungaligan lamang. Sa gayon ay matuwid sa panig ng sangkatauhan na makinig sa mga salita ng Dios (Katuruang Cristo), at hindi sa mga hakahaka lamang ng taong si Pablo, o ng sino pa man sa kalupaan.

Kung kanino mang aral ang nararapat at matuwid na sundin ng sangkatauhan ay mahigpit na ipinag-utos ng Ama, gaya ng napakaliwanag na nasusulat,


MATEO 17 :
5  Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN. 

Dios na nga ang napakaliwanag na nagpapatotoo, na siya ay nag-iisang persona lamang sa kalagayan niya bilang kaisaisang Dios ng langit. Gayon din Dios na ang nag-utos, na ang Katuruang Cristo ang ating sundin. Ano't ang marami ay pinili pa ang maniwala sa likhang aral ng tao (katuruang Pablo [evangelio ng di-pagtutuli]).

Katotohanan, na si Pablo ay hindi sinasang-ayunan ang sinalita ng Dios hinggil sa kaisahan ng kaniyang persona sa kalagayan Niya bilang kaisaisang Dios sa kaluwalhatian ng langit.

TANONG:
12. SANG-AYON KA BA, NA SA IISANG DIOS AY IISANG TAGAPAGLIGTAS AT MANUNUBOS?

SAGOT: 
1 TIM 1 :
10  Nguni’t ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating TAGAPAGLIGTAS NA SI CRISTO JESUS,  siyang nagalis ng KAMATAYAN, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio. (Tit 3:6-7)

1 TIM 2
6  Na ibinigay ang kaniyang sarili na PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan; (Col 1:14)

EFE 1 :
7  Na sa kaniya’y mayroon tayo ng KATUBUSAN sa pamamagitan ng kaniyang DUGO, na KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya. (Tit 2:13)

Hinggil sa tunay na tagapagligtas at totoong manunubos ay pinatotohanan mismo ng Dios kung sino Siya. 

ISA 49 :
25  At aking pakakanin silang nagsisipighati sa iyo ng kanilang sariling laman: at sila’y mangalalango ng kanilang sariling dugo, na gaya ng matamis na alak: at MAKIKILALA NG LAHAT NG TAO, na akong Panginoon ay iyong TAGAPAGLIGTAS, at iyong MANUNUBOS, na MAKAPANGYARIHAN NG JACOB.

ISA 60 :
16  Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa mga suso ng mga hari; at iyong malalaman na akong Panginoon ay TAGAPAGLIGTAS sa iyo, at MANUNUBOS sa iyo, Makapangyarihan ng Jacob (Israel).

Kapansinpansin na lagi na lamang kabaligtaran, o laban sa Katuruang Cristo ang minamatuwid na aral nitong si Pablo. Katunayan lamang na siya'y hindi nga kailan man inihalal ng Dios upang maging isa Niyang tapat na lingkod. Siya kung gayon ay nasa kabilang panig, na kung saan ay dako na pinagkakatipunan ng mga mapanghimagsik sa natatanging kalooban ng kaisaisang Dios ng langit. Ang tao ngang iyan ay hindi sa Dios, kundi sa demonyo

Katotohanan, na si Pablo ay hindi sumasang-ayon sa sinalita mismo ng Dios na siya, na kaisaisang Dios ng langit ay kaisaisa ring tagapaglitas ng kaluluwa at manunubos sa sala ng sanglibutan.


Sa akda ngang ito ay maliwanag na makikita at mapapag-unawa ang pakikipagtagisan ng mga minamatuwid ni Pablo na usapin, laban sa katotohanan na mismo ay sinalita ng Dios na kaniyang katuwiran.




TANONG:
13. SANG-AYON KA BA SA BAUTISMO SA PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO?

SAGOT:
Maliwanag na iba ang uri ng bautismo na ipinatupad ni Pablo sa tatag niyang iglesia ng mga karumaldumal na Gentil. Imbis nga na ayon sa sinalita ng Espiritu ng Dios sa kalooban ng Cristo ay heto, at iyon ay ginawa niya ayon sa sarili niyang katha.


ROMA 6 :
3  O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga NABAUTISMUHAN KAY CRISTO JESUS AY NANGABAUTISMUHAN SA KANIYANG KAMATAYAN?

4  Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay. (Mat 28:19)

GAWA 19 :
 At nangyari, na, samantalang si Apolos ay nasa Corinto, pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa Efeso, at nakasumpong ng ilang mga alagad.

2  At sa kanila’y sinabi niya, Tinangggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y magsisampalataya? At sinabi nila sa kaniya, Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo.

3  At sinabi niya, Kung gayo’y sa ano kayo binautismuhan? At sinabi nila, SA BAUTISMO NI JUAN.

 At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi SA BAYAN NA SILA’Y MAGSISAMPALATAYA SA DARATING SA HULIHAN NIYA, sa makatuwid baga’y kay Jesus.

5  At nang kanilang marinig ito, ay NANGAPABAUTISMO SILA SA PANGALAN NG PANGINOONG JESUS,


 At nang MAIPATON NA NI PABLO SA KANILA ANG KANIYANG MGA KAMAY, ay ***bumaba sa kanila ang ESPIRITU SANTO; at sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.***

Ang katotohanan na binibigyang diin ng Cristo hinggil sa bautismo na matuwid igawad ng mga tunay na apostol sa lahat ng mga bansa ay gaya lamang ng maliwanag na mababasa sa ibaba.

MATEO 28 :
19  Dahil dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong BAUTISMUHAN sa PANGALAN NG AMA at ng ANAK at ng ESPIRITU SANTO. (Mat 3:11)

Ang katotohanan ay katotohanan na ang bautismo ay igagawad ng mga apostol na tumanggap ng hininga ni Jesus, sa pamamagitan ng bautismo sa tatlong (3) pangalan. Iyan ay bilang pagsunod sa turo ng Cristo hinggil sa tama at matuwid na bautismo. Ang nasasaad sa Roma 6:5-6 ay hindi pagsunod sa kautusang Cristo, kundi napakaliwanag na pagsalungat at paglabag sa utos. Sapagka't sa katotohanan ay hindi sa isang pangalan lamang babautismo ang mga tunay na apostol, kundi sa tatlong (3) pangalan igagawad ng mga apostol ang bautismo.

Ang sinoman sa gayon na naggagawad ng bautismo sa pangalan ng Cristo (bautismo sa kamatayan) ay hindi nabibilang sa mga mangangaral o bautisador na sumasa Dios. Silang lahat ay tunay na kawan ng sukdulang kadiliman.


Isang napakalinaw na dahilan, kung bakit ang mga hindi tumanggap ng hininga ni Jesus ay isang pangalan lamang ang ginagamit sa bautismo. Iyan ay sa malinaw na kadahilanan, na wala silang anomang nalalaman sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


JUAN 17 :
26  At IPINAKILALA KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila. 

Iyan ang napakaliwanag na dahilan, kung bakit sila na hindi mga tunay na apostol ay sa pangalan lamang ni Jesus sila bumabautismo, at hindi sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Sapagka't ang pangalan ng Ama at ng Espiritu Santo at ng Anak ay sa kanila (labingdalawang (12) apostol) lamang ibinigay nitong Espiritu ng Dios na nasa kalooban at kabuoan ni Jesus nang panahong iyon.

Ang Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni Jesus ay hindi hangal, upang utusan ang mga apostol na bumautismo sa tatlong (3) pangalan, kung hindi nila lahat na nalalaman ang mga PANGALAN na ipinakilala sa kanila ng sariling bibig ni Jesus ng Nazaret.


Ang kawalang malay nitong si Pablo sa mga pangalan ay isang napakatibay na patotoo at konkretong katunayang biblikal, na itong si Pablo ay hindi tunay na apostol ng Cristo. Apostol lamang siya ayon sa pinaglubidlubid at pinagtagnitagni niyang mga kasinungalingan.

Katotohanan, na hindi alam ni Pablo ang pangalan na ibinigay nitong Espiritu Santo na nasa Cristo sa labingdalawang (12) apostol. Kaya minabuti na lamang niyang bumautismo sa isang pangalan, na binigyan pa niya ng sarili niyang kahulugan na "bautismo sa kamatayan."



TANONG:
14. KINILALA BA NI PABLO ANG IKAPU NA UTOS NG DIOS?

SAGOT:
Ang nag-iisang turo ng Dios hinggil sa usapin na iyan ay gaya ng napakaliwanag na mababasa sa ibaba.

MAL 3 :
NANANAKAWAN BAGA NG TAO ANG DIOS? Gayon ma’y ninanakawan ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga IKASAMPUNG BAHAGI at sa mga handog.

Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong boong bansa.

10  Dalhin ninyo ang boong IKASAMPUNG BAHAGI sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang ISANG PAGPAPALA, na walang sapat na silid na kalalagyan.

Datapuwa’t ang pinairal na paraan nitong si Pablo ay taliwas sa itinadhana ng Dios sa kaniyang mga anak sa kalupaan. Ang ikapu ay nagtatalaga ng ikasampung bahagi (10 %) sa anomang tinatangkilik ng sinoman na ipagkaloob sa mga hinirang niyang manggagawa. Na mula sa katuwiran ng Dios ay nalalaman niyang may kasapatan ito upang tugunan ang lahat ng maaaring maging pangangailangan nila na mga lingkod niya. 

Ano pa’t ang siyamnapung porsiyento (90 %) ay maluwag namang matutugunan ang maraming pangangailangan ng sinoman sa kalupaan. Na kung uunawaing mabuti ang usaping ito’y napakaliwanag na paraang ibinigay ng Dios sa mga tao sa ikagaganap ng walang patid na kasaganaan ng buhay dito sa kalupaan.

Laban sa katuwiran ng Dios ay sinalungat niya ang nasusulat, sa halip ay may pagmamatigas niyang iniutos ang mga sumusunod.

1 COR 16 :
1  Ngayon, tungkol sa AMBAGAN SA MGA BANAL, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia.
2 Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa’t isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

2 COR 9 :
MAGBIGAY ANG BAWA’T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. (JER 17:9-10).

Nguni't tungkol sa likas na kalagayan ng puso ay malinaw na inilahad ng Dios mula sa bibig ng propeta niyang si Jeremias, na madiing winika,

JER 17 :
Ang PUSO ay MAGDARAYA NG HIGIT KAY SA LAHAT NA BAGAY, at TOTOONG MASAMA: sinong makaaalam?

Ano nga ang inyong sasabihin sa mga tao na ang ginawa ay ang hidwang paraan sa partikular na kautusang ito na tumutukoy sa uri ng pamumuhay na umaayon sa kalooban ng Dios? Hindi baga maituturing na sila’y mga pusakal na tulisan, na palagiang ninanakawan ng mga bagay ang kanilang Ama? 

Ang paraan nga nila sa karumaldumal na gawaing ito’y malumanay dahil mula sa puso na tila baga may hatid na kabanalan. Datapuwa’t ang pagnanakaw, sa malumanay man o maging sa marahas na paraan ay magkatulad na katampalasanan sa Dios

Nguni't tanyag sa kaniyang kasamaan at kadayaan. Mula sa pagpapasiya ng puso ay asahan nga ng lahat, na sa tuwina'y iiral ang mapangahas na pandaraya at ang kasuklamsuklam nitong kasamaan.


Madiing utos ng Dios ay magbigay ng ikapu, nguni't bilang pagsuway ni Pablo sa kalooban na iyan ng Dios ay iniutos naman niya sa kaniyang mga kampon, na magbigay na mula sa puso.


Katotohanan, na si Pablo ay hindi kailan man inibig na sundin ang kautusan ng kaisaisang Dios ng langit hinggil sa ikapu.




TANONG:
15. SI PABLO BA AY TOTOONG MINISTRO AT APOSTOL NG CRISTO SA TUNAY NA EVANGELIO?

SAGOT:
Ang tunay na ministro, o Apostol ng Cristo ay maliwanag na gaya lamang ng mga kalikasan at katangian na ipinakilala nitong Espiritu ng Dios na nasa kalooban at kabuoan ni Jesus ng Nazaret. 

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat sa ibaba, na sinasabi,

JUAN  20 :
21  Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: KUNG PAANONG PAGKASUGO SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN NAMAN SINUSUGO KO KAYO.

22  At nang masabi niya ito, SILA’Y HININGAHAN NIYA, at sa kanila’y sinabi, TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO.

MATEO 24 :
14  At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa BOONG SANGLIBUTAN SA PAGPAPATOTOO SA LAHAT NG MGA BANSA; at kung magkagayo’y darating ang wakas.

MATEO 28 :
19  Dahil dito MAGSIYAON NGA KAYO, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y INYONG BAUTISMUHAN SA PANGALAN NG AMA NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.

20  Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo; at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.

MATEO 10 :
Ang mga pangalan nga ng labingdalawag apostol ay ito: ang una’y si Simon, na tinatawag na PEDRO, at si ANDRES na kaniyang kapatid; si SANTIAGO na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si JUAN;

Si FELIPE, at si BARTOLOME; si TOMAS, at si MATEO na maniningil ng buwis; si SANTIAGO na anak ni alfeo at si TADEO;

Si SIMON na Cananeo, at si JUDAS ESCARIOTE, na siya ring sa kaniya ay nagkanulo.

Gayon man ay pilit na iginigiit nitong si Pablo ang proklamasyon niya bilang isang apostol, o ministro ng Salita na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Subali't napakaliwanag na hindi Katuruang Cristo ang kaniyang ipinangangaral sa marami, kundi ang imbento lamang niyang aral na tanyag sa tawag na Evangelio ng di-pagtutuli (katuruang pagano).

Ano pa't napakaliwanag na pinalalabas niyang higit pa siyang nagpagal kay sa mga tunay na apostol ng Cristo. Na kung lilinawin ay ipinamumukha niya sa sinoman na higit siyang magaling kay sa kanila. 

1 COR 15 :
Ako nga ang PINAKAMALIIT SA MGA APOSTOL, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka’t PINAGUSIG KO ANG IGLESIA NG DIOS.

10   Datapuwa’t sa pamamagitan ng BIYAYA NG DIOS, ako nga’y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; AKO’Y MALABIS NA NAGPAGAL KAY SA KANILANG LAHAT: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.

GAL 2 :
Datapuwa’t ang mga wari’y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman) – silang may DANGAL (orihinal na apostol), sinasabi ko, ay HINDI NAGBAHAGI SA AKIN NG ANOMAN.

Dahil sa mga deklarasyon niyang iyan ay maliwanag na siya'y hindi nga tagapangaral ng evangelio ng kaharian na gaya ng labingdalawang (12) Apostol, kundi ng mga imbento niyang ibang evangelio (evangelio ng di-pagtutuli). Palibhasa'y sa kaniya na rin nagmula, na ang mga apostol ay walang ibinahagi sa kaniyang anoman na may kinalaman sa evangelio ng kaharian

Maliwanag kung gayon na anomang nilalaman ng ibang evangelio na itinituro niya ay hindi kailan man nagkaroon ng anomang pahintulot ng Cristo na ipangaral sa sanglibutan. Malabis aniya siyang nagpagal, kaya naman lumabis ang kaniyang nalalaman at pati na ang aral ng Cristo (katuruang Cristo) ay itinuring lamang niya na basura sa kaniyang paningin. Hinggil diyan ay marahas niyang sinabi,

Heb 6 :
1  KAYA'T TAYO'Y TUMIGIL NA NG PAGSASALITA NG MGA UNANG SIMULAIN NG ARAL NI CRISTO, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios, 

Paanong nasabi ng taong si Pablo na siya ay Apostol ng Cristo, gayong tahasan niyang ipinatitigil sa kanila na magsalita ng katuruang Cristo. Hindi baga ang isang Apostol, o alagad ng Cristo ay ang aral ng Cristo ang masigla niyang itinuturo? Ano pa't kung sarili mo lang na aral ang ituturo mo sa mga tao ay hindi ka nga apostol ng Cristo, kundi huwad na alagad lamang. 


KONKLUSYON

1.  Si Pablo ay napakaliwanag na hindi kabilang sa labingdalawang apostol na inatasan nitong Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni Jesus, upang gawing alagad ang lahat ng mga bansa sa boong kalupaan.
Mula sa balido na kadahilanang iyan ay maliwanag na nahayag ang pagiging huwad na Apostol nitong si Pablo.

2.  Siya’y walang tinamong hininga mula sa bibig ng Cristo upang mapuspos nitong Espiritu ng Dios. Gayon din na hindi niya tinamo mula sa labingdalawang (12) apostol ang bautismo ni Juan sa pagsisisi ng mga kasalanan. Iyan ay dahil sa madiin niyang wika na ipinahayag sa mga taga Galacia,

Gal 2 :
6  Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman) silang may dangal (mga apostol), sinasabi ko, ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman: 

Kaya’t maliwanag din na siya’y wala nito sa kaniyang kalooban.
Mula sa balido na kadahilanang iyan ay maliwanag na nahayag ang pagiging huwad na apostol nitong si Pablo.

3. Sa katuruang Cristo ay ang evangelio ng kaharian ang ipangangaral sa buong sanglibutan, hindi ang imbento ni Pablo na evangelio ng di-pagtutuli. Gayon man ay ang evangelio na iyan ang ipinangaral niya di umano sa maraming bayan na kaniyang pinaroonan.
Mula sa balido na kadahilanang iyan ay maliwanag na nahayag ang pagiging huwad na apostol nitong si Pablo.

4.  Iba ang paraan ng bautismo nitong si Pablo kay sa mga tunay na apostol ng Cordero(Roma 6:3-4, Gawa 19:1-6). Ang sa kaniya nga’y sa pamamagitan ng isang pangalan (Jesus) lamang, o yaong tinatawag niyang bautismo sa kamatayan ni Jesus, datapuwa’t sa bautismo ng mga tunay na apostol ay maliwanag na sa tatlong (3) pangalan (Ama, Anak, at Espiritu Santo). 
Mula sa balido na kadahilanang iyan ay maliwanag na nahayag ang pagiging huwad na apostol nitong si Pablo.

5. Wala nga siyang anomang narinig na mga salita ng Espiritu ng Dios na nangagsilabas mula sa bibig ng Cristo, ni sa mga tunay na apostol man (Gal 2:6). Paano baga naging apostol ng Cristo ang isang tao na hindi kailan man nabahaginan ng kabuoang Espiritu na kumakatawan sa Katuruang Cristo
Mula sa balido na kadahilanang iyan ay maliwanag na nahayag ang pagiging huwad na apostol nitong si Pablo.

6. Walang sinoman sa mga tunay na apostol ng Cristo ang nagpatunay na si Pablo ay isa sa kanila. Siya lamang ang nagsabi na siya ay gayon, o ang di umano'y pagiging apostol niya ay ayon lamang sa sarili niyang proklamasyon (self-proclaimed apostle).
Mula sa balido na kadahilanang iyan ay maliwanag na nahayag ang pagiging huwad na apostol nitong si Pablo.

7. Si Pablo na napatunayan mula sa sarili niyang mga salita ang kaniyang kasinungalingan, kadayaan, pagkatuso, at pagkukunwari ay maliwanag na nabibilang sa malaking kalipunan ng mga tao na kinasusuklaman ng Dios
Mula sa balido na kadahilanang iyan ay maliwanag na nahayag ang pagiging huwad na apostol nitong si Pablo (Juan 8:44).

Pagkatalino man ng isang tampalasan, mula na rin mismo sa sarili niyang bibig ay nahahayag sa maliwanag ang kaniyang kasamaan. Kasuklamsuklam sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit ang mga gawang hindi kailan man umayon sa natatangi niyang kalooban.

Ang malabis na pagpapagal ay hindi na nagdudulot ng mabuti, sapagka't siya'y gumawa ng lagpas sa nararapat niyang gawin. Isang katotohanan na matuwid pakatandaan ng lahat, na ang alin man, o anomang labis ay lason na ikapapahamak ng sinoman.

Isa nga lamang hangal at hibang sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit ang sinoman na may pagmamapuring wiwikain ang mga sumusunod na pahayag,

"AKO’Y MALABIS NA NAGPAGAL KAY SA KANILANG LAHAT"
Gayon ngang napakaliwanag na ang isda ay sa sarili lamang niyang bibig nahuhuli ng kawil. 

Si Pablo nga lamang ang magaling, at ang mga tunay na apostol (12) ng Cristo ay itinindig niyang lahat sa kalagayan ng lalong higit na mababa kaysa kaniya. Siya nga na pumapalaot sa kalawakan ng kamangmangan ay pantas ang tingin sa kaniyang sarili. 

Ang mga biyaya ng Dios ay masagana at patuloy na dumadaloy mula sa kaluwalhatian ng langit. Pangarapin at pagsikapan nga ng bawa't isa, na siya'y mapuspos ng mga biyayang tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.

ITO ANG KATURUANG CRISTO

Hanggang sa muli, paalam. 


Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento