Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Aral ni Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Aral ni Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Disyembre 16, 2017

PAANO NALALABAG ANG PANGALAWANG UTOS


Una sa lahat ay hindi kailan man namin nilayon na sirain ang kredibilidad ng sinoman sa aming mga kapatid, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus, ang sa amin ay paglalahad lamang ng mga sumusunod na pahayag, kung paano nalalabag ng mga tao ang pangalawang (2) utos ng Ama nating nasa langit. Yamang mayroon mga nangaral hinggil sa kinikilala nilang doktrinang pangrelihiyon. Matuwid nila’y walang masama sa paggamit ng mga larawang inanyuan. 

Taliwas sa paniniwalang ito’y bayaan ninyong saliwan namin ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal ang mga sumusunod na paliwanag.

Ang kaisaisang Dios na siyang Ama nating lahat ay nagbaba ng mga kautusan (10 utos) sa kaniyang mga anak sa kalupaan. Ito’y sa layuning itaas ang kalagayan nila mula sa pagiging karaniwan (ordinary) hanggang sa masiglang antas ng tunay na kabanalan (holy). Ano pa’t may mga anak na sadyang ang nalalaman ay paghimagsikan ang sarili nilang Ama, at sa gayo’y pinipilipit nila ang lubhang maliwanag Niyang mga salita na tumutukoy sa kautusan.

Tampok na usapin sa atin ngayo’y ang tungkol sa pangalawang (2) kautusan, gaya ng nasusulat,

Linggo, Marso 20, 2016

ANG UMANO’Y PAGBABALIK NI JESUCRISTO SA NASASAKUPANG PANAHON NI PABLO

1 Tes 4 :
15  Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon (Jesus), na tayong nangabubuhay, na nangatira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

1 Cor 4 :
Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa’t  isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.

Lunes, Hunyo 3, 2013

KAUTUSAN NG DIOS IBINASURA NI LUCAS AT PABLO

Ang mga kautusan ayon sa hindi kakaunting balumbon ng mga banal ng kasulatan (Tanakh) ay mahigpit na pinaiiral ng Ama nating nasa langit. Bagay na una sa lahat ay karapatdapat pag-ukulan ng hustong pansin, upang ang mga iyon ay matutunang sundin at masiglang isabuhay ng sinoman sa kalupaan. Gayon ma’y pilit itong itinatakuwil at niwawalang kabuluhan ng marami mula pa nang ito’y simulang isulat ng kaisaisang Dios sa tapyas ng mga bato sa taluktok ng bundok Sinai.

Sa paglipas ng lubhang malayong kapanahunan ay hindi kailan man naging makatuwiran ang mga nabanggit na kautusan sa unawa ng marami. Bagkus ay natutunan nilang tangkilikin ng buong puso ang mga di-makatotohanang likhang doktrinang pangrelihiyon ng tao, na malabis ang paghihimagsik sa buong katuwiran ng Dios. Dahilan upang sila’y maging matutol at malabagin sa Kaniyang kalooban. Sila’y tila bulag na nagsiyapos sa kahangalan at mga nilubidlubid na kabulaanan ng mga taong ang tanging layunin ay kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaawa-awang kaluluwa ng kanilang kapuwa.

Lalo na ngang sa marami ay nagtumibay ang gayong kasuklamsuklam na kaugalian, nang ituro ni Saulo ng Tarsus (Pablo) na ang kautusan ng Ama ay inutil sa layuning maghatid ng kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit. Ano pa’t sa kakulangan ng higit na nakakarami ng hustong kamalayan sa larangan ng tunay na kabanalan – ang kahinaan nilang iyon ay sinamantala ng taong nabanggit at ang lubhang marami ay napaniwala niya sa mga likhang taong doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di pagtutuli) at pinilipit na aral pangkabanalan.

Biyernes, Mayo 3, 2013

KAILANGANG PAG-ARALAN ANG BIBLIYA


Mahalagang Paalala:

Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang tunay na banal ng Dios

Kailan ma'y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindigan na doktrinang pangrelihiyon ng sinoman.

Gayon din namang nais naming liwanagin lamang na wala kaming anomang laban, ni paghihimagsik man sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. Bukod pa doon ay wala na kaming iba pang ninanais na mangyari pa.

Kung siya man ang tila sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral ay may hayagang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal

Ang akdang ito ay napakaliwanag na hindi kailan man dumako sa mapanirang panghuhusga ng kapuwa, kundi sa layong tanglawan lamang sa isipan at pang-unawa ng lahat ang hindi kakaunting bagay ng Dios na malaon ng pinipilipit at niwawalang kabuluhan ng marami.

Dahil diyan ay lubha ngang mahalaga sa sinoman na masusing siyasatin at pag-aralan ang nilalaman ng bibliya.

Batid nyo ba na sa Biblia ay nasusulat ang pinaghalong salita ng Dios at sariling pakiwari ng tao? Sa paglalahok ng dalawang iyan ay lubhang marami ang nailigaw sa katotohanan. Sapagka't nauuwi sa wala ang salita ng Dios, nang dahil sa minamatuwid na hidwang paniniwala ng ilang nagsulat ng Bagong Tipan. Dahil sa anomalyang iyan ay dapat mag-aral ng Biblia (Tanakh), upang matutunan natin kung papaano mapapaghiwalay ang sariling palapalagay ng tao na nagpapawalang kabuluhan sa mga salita ng Dios.

Pangalawa'y dapat maliwanagan ng lahat, na sa bagong tipan ay masusumpungan ang mga daya ng kasinungalingan na idinagdag at ibinawas sa mga teksto ng Lumang Tipan. 


Ang mga iyan ay napatunayang ginawang patibayang aral ni Pablo sa lahat niyang mga sulat. Gayon din ang walang pakundangang pagsasalarawan ng gayong karumaldumal sa sulat na pinamagatang, "SA MGA HEBREO."

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan natin ang tumpak at batay sa katibayan biblikal na pag-aaral ng bibliya (precise and evidence-based bible study).

Nang sa gayo'y makatiyak tayo na ang mga ginagamit nating patibayang aral ay walang halong mapanlinlang na kasinungalingan ng ilang karakter ng Bagong Tipan. 

Kaugnay nito ay hindi katotohanan na ang lahat ng nagsulat sa Bibliya ay inspirado ng Espiritu Santo, kundi ang ilan sa kanila'y inspirado ng diyablo. Sapagka't taglay ng kanilang salita ang kasuklamsuklam na kasinungalingan na lumalayon sa karumaldumal na pandaraya. 

Akala tuloy ng marami ay katotohanan ang mga katunayang biblikal na kanilang ipinakikipaglaban - yun pala'y pinaglubidlubid lamang na kasinungalingan, na ang layunin ay pilipitin ang katotohanan at kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaluluwa ng kanilang kapuwa. 

Lunes, Oktubre 8, 2012

PANALANGIN SA MGA BANAL


Sa umiiral na kasalukuyang kapanahunan ay tila mahihirapan tayong bilangin ang mga tao na hindi lubos ang pagka-unawa sa umiiral na katuruang pangkabanalan. Iyan ay tanyag sa mga mambabasa ng banal na kasulatan (bibliya) sa tawag na, “Evangelio ng kaharian.” Ganap itong tumutukoy sa mga salita na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesucristo, na isinatinig at isinatitik ng labingdalawang (12) apostol. Sa bilang nila ay nagkapalad na mailahok ang aklat ni Mateo at Juan sa mga sinipi ng emperiong Roma na matatandang kasulatan, upang maging kapakipakinabang na bahagi nitong Bagong Tipan ng Bibliyang Romano.

Sino man nga’y mapapa-oo at mapapasang-ayon sa inihahaing banal na katuruan, kung ito ay kasusumpungan ng mga salita ng Dios na sinalita mismo ng sariling bibig ni Jesus. Dahil dito, sa marami ay katiwatiwala at inaaring katotohanan ang kaniyang mga pahayag. Kaya nga, alin mang katuruang pangkabanalan ay itinuturing na huwad, o kaya’y pilipit na aral - kapag ito’y kinakitaan ng anomang uri ng paghihimagsik, o pagsalungat sa mga nagtutumibay na salita ng kaniyang bibig.

Ngayon nga, batay at alinsunod sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal (mga aral na binigkas ng bibig ni Jesus) ay mabibigyan ng kaukulang tanglaw ang usapin na ganap ang kinalaman sa “panalangin sa mga banal.” Gayon din naman na may magaganap na paglalahad sa ilang sitas ng lumang tipan - sa layuning pagtibayin ang mga salita (Evangelio ng kaharian) bilang pagsang-ayon ng katotohanan.

Lunes, Agosto 13, 2012

EVANGELIO NG KAHARIAN (Part 1 of 2)

Narito, at kung nais ng sinoman na pumalaot sa larangan ng tunay na kabanalan ay matuwid sa kaniya bilang unang hakban, na ariing katotohanan ang mga salita ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula mismo sa bibig nitong si Jesus. Gaya ng mga aral (evangelio ng kaharian) ng tunay na kabanalan na masiglang sinalita ng kaniyang dila sa buong sangbahayan ni Israel. Ano pa’t kung ang sinoma’y nagsasabing siya’y kay Jesus, gayon ma’y aral ng iba (evangelio ng di pagtutuli) ang isinasabuhay ay maipasisiyang sinungaling at magdaraya ang taong iyon. Siya sa makatuwid ay hindi kinaroroonan ng Dios, sapagka’t tungkol sa bagay na ito’y mariing winika,

2 JUAN 1 :
9  ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.

Gayon ngang napakaliwanag na siyang hindi nananahan sa aral (evangelio ng kaharian) na mismong iniluwal ng sariling bibig ni Jesus ay walang alinlangan na hindi kinaroroonan ng Dios. Siya rin naman na nagsasabing nakikilala niya ang Dios, nguni’t hindi tumutupad sa mga kautusan (sampung utos), ayon sa kasulatan ay isang sinungaling at ang katotohanan ay wala sa taong iyon. Na sinasabi,

EVANGELIO NG KAHARIAN (Part 2 of 2)

Ang evangelio na may kinalaman sa pananampataya kay Jesus

JUAN 14 :
10  HINDI KA BAGA NANANAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

11  MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN: o kundi kaya’y MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN DAHIL SA MGA GAWA RIN.

12  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYANG ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.

Maliwanag ngang sinasabi ng talata (Juan14:10), na si Jesus ay nasa Ama at ang Espiritu ng Ama ay nasa kaniya. Niliwanag din naman niya, na ang mga salita na kaniyang binibigkas sa mga alagad ay hindi niya sinasalita sa kaniyang sarili. Kundi ang Espiritu ng Dios na nananahan at naghahari sa kaniyang kalooban at kabuoan ang siyang gumagawa ng kaniyang mga gawa at nagsasalita ng kaniyang mga salita.

Sa kasunod na talata (Juan 14:11) ay ipinamamanhikan nitong si Jesus sa lahat, na siya ay sampalatayanan  bilang isang sisidlang hirang ng Dios (buhay na templo ng Dios). Palibhasa’y napakaliwanag na siya sa kapanahunang iyon ay pinamamahayan at pinaghaharian ng nabanggit na Espiritu. Ano pa’t kaniyang sinabi sa Juan 14:12, na ang sinomang sa kaniya ay sumasampalataya sa gayong kabanal na kalagayan ay gagawin din naman niya  ang mga gawa ni Jesus, at lalong mga dakilang mga gawa kay sa doon ang gagawin niya. Dagdag pa niya’y paroroon siya sa Ama (Juan 20:17).

Kaugnay ng mga pahayag na nangagsilabas mula sa sarili niyang bibig ay siyasating natin, kung anu-ano ang kaniyang mga gawa. Gaya ng nasusulat,

Miyerkules, Hulyo 25, 2012

JESUCRISTO, DIOS BA, O TAO? (Part 1 of 2)


S
a tinagaltagal ng panahon ay patuloy pa rin ang tila yata wala ng katapusang pagtatalo, kung ito nga bang si Jesus ng Nazaret ay lumalapat sa kalagayang Dios, o isang di pangkaraniwang tao na nahahanay sa kalipunan ng mga tunay na banal (propeta). Halos lahat ng relihiyon sa mundo ay hindi kinilala ang panganay ni Maria bilang Dios, kundi sa kalagayan ng isang tao lamang. Datapuwa’t tanging ang Greco-Roman na Cristianismo ni Pablo (Paulinian Christianity) ang nagsasabi na itong si Jesus ay Dios. Gayon ma’y hati pa rin ang pinaninindiganan na paniniwala ng marami sa nabanggit na doktrinang pangrelihiyon.

Hindi kakaunti ang nananalig partikular ang mga kasapi ng simabahang Katoliko sa kaniyang pagka Dios, palibhasa'y tinatangkilik ng relihiyong ito ang Cristianismo ni Pablo. Marami din naman ang bumabatay sa mga katunayang biblikal gaya nitong relihiyon na kung tawagin ay Iglesia ni Cristo (INC) at marami pang iba, na siya ay tao lamang at umano’y kaisaisang pinili ng Dios na tagapagligtas nitong sala ng sanglibutan.

Mula sa masusi at malalim na pagsisiyasat ng mga iskolar ng biblia (dalubhasa), gayon din naman sa lubhang malawak na pananaliksik ng marami hinggil sa usaping ito ay wala silang natuklasan, o napatunayan man na anomang kadahilanan, upang itong si Jesus na siyang panganay ni Maria ay kilalanin bilang isang totoong Dios. Kung paano ngang sila’y dumating sa gayong tila bias na konklusyon ay siya naming sa inyo ngayon ay lalapatan ng kaukulang tanglaw.

JESUCRISTO, DIOS BA, O TAO? (Part 2 of 2)


Si Jesus ay tinawag na Cristo

A
ng literal na kahulugan ng salitang Hebreo na, “MASHIYACH” (Messiah) ay “pinahiran ng langis” (anointed), at ito’y tumutukoy sa seremonyang Hebreo ng pagpapabanal sa sinoman at mga bagay sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis sa mga ito. Ginamit ang rituwal na nabanggit sa kabuoan ng bibliang Hebreo bilang pagkilala sa ilang tao at bagay. Gaya halimbawa ng sa Judiong Hari (1kings 1:39), sa mga paring Judio (Lev 4:3), sa mga propeta (Isa 61:1), ang sa templo ng mga Judio at mga kagamitan nito (Ex40:9-11), sa tinapay na walang lebadura (Num 6:15), at kay Cyrus na hari ng Persia (Isa 45:1).

Ang lahat ng ito ay ganap na tumutukoy sa katawagang messias o pinahiran ng langis (anointed), na itinatalaga lamang ng mga Hebreo sa mga piling kalagayan ng tao at bagay. Sa ibang dako, Cristo ang popular na kahulugan nito sa wikang Griego, at ito’y limang daan at pitongput isang (571) ulit na binanggit sa limang daan at tatlongput dalawang (532) talata ng bagong tipan (NT). Kaya maliwanag at hindi mahirap maunawaan, na kapag tinawag na Cristo, o Messias ay mariing tumutukoy lamang sa tao, o bagay, datapuwa’t hindi kailan man maaaring ipagkamali sa kalagayan ng Dios. Tulad nitong si Cyrus na hari ng Persia na isang messias, o cristo, na tinawag na Cyrucristo. Gayon din naman itong si Jesus na isa ring messias, ay tinawag na Jesucristo.

Martes, Hunyo 26, 2012

ANG TUNAY NA CRISTO AT ANTICRISTO


Ang “ANTI,” at "VICAR" ay mga katagang Griego na ang pangunahing kahulugan ay “sa halip na” (instead of), o, “kahalili ng” (in place of). Kadalasan, ang ANTI ay ikinakabit sa titulo (Anticristo) nitong si Jesus. Karaniwan tawag sa sinoman na kinakikitaan ng mga huwad na katuruang pangkabanalan, VICAR naman ang gamit na salita ng mga tao na nagsasabing sila'y kahalili ni Jesus (vicar of Christ) dito sa lupa. Gayon ma'y maaari din naman silang lumapat sa ilang sumusunod na pagkakakilanlan.  

    1.      Maaaring siya yaong  nagtataglay ng pangalang “Anticristo.” (666)
    2.      Maaaring siya yaong tao na inaari ang pagiging Cristo (false Christ).
   3.     Maaaring huwad na Cristo, na itinatanyag ng marami, bilang kapalit, o kahalili ng tunay na Jesus (vicar of Christ).
 4.      Maaaring siya yaong nagsasabing angkin niya ang kapangyarihan (awtoridad) na mangaral at isagawa ang gawain ng tunay na Cristo.
5.      Maaaring siya  yaong pinasisinungalingan at pinipilipit ang mga salita ng Dios na iniluwal ng sariling bibig ni Jesus.
6.   Maaari ding tumukoy sa isang relihiyon na may pilipit na anyo ng katuruang pangkabanalan. Gumagamit ng Biblia at pangalan ni Jesus sa layuning ipakilala ang mga aral na laban sa mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo ay nangagsilabas mula sa sariling bibig ni Jesus.

Miyerkules, Hunyo 6, 2012

KAUTUSAN NG IKAPU


A widow giving tithe
MAL 3 :
NANANAKAWAN BAGA NG TAO ANG DIOS? Gayon ma’y ninanakawan ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga IKASAMPUNG BAHAGI at sa mga handog.

Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong boong bansa.

10  Dalhin ninyo ang boong IKASAMPUNG BAHAGI sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang ISANG PAGPAPALA, na walang sapat na silid na kalalagyan.

Datapuwa’t ang pinairal na paraan nitong mga Pauliniano ay taliwas sa itinadhana ng Dios sa kaniyang mga anak sa kalupaan. Ang ikapu ay nagtatalaga ng ikasampung bahagi (10 %) sa anomang tinatangkilik ng sinoman na ipagkaloob sa mga hinirang niyang manggagawa. Mula sa katuwiran ng Dios ay nalalaman niyang may kasapatan ito upang tugunan ang lahat ng maaaring maging pangangailangan nila na mga lingkod niya.

Biyernes, Abril 13, 2012

BAGONG ANYO NG PAGSAMBA KAY JESUS


Sister Faustina

Sa anunsiyo ng Vatican, si Sister Mary Faustina daw ay apostol nitong Sagradong Awa (Divine Mercy), na sa kasalukuyan ay nabibilang sa kalipunan ng tanyag at kilalang santo ng simbahang Katoliko. Sa pamamagitan niya ay naihahayag ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang kaawaan ng Dios (God’s mercy), at gayon ding ipakita ang padron nitong kaganapan ng Cristiano (Christian perfection) batay sa masiglang pagtitiwala sa Dios, at sa pagpapadama ng biyaya sa kapuwa.

Diin ng Vatican, ang Panginoong Jesus ay hinirang si Sister Mary Faustina bilang apostol at kalihim ng kaniyang biyaya, nang sa gayo’y mailahad niya sa sangkatauhan ang tungkol sa dakila Niyang mensahe. 

Ang wika umano ng Panginoong Jesus sa kaniya, gaya ng mababasa sa ibaba.

“In the old covenant I sent prophets wielding thunderbolts to My people. Today I am sending you with My mercy to the people of the whole world. I do not want to punish aching mankind, but I desire to heal it, pressing it to My Merciful Heart….(Diary 1588)

Lunes, Enero 2, 2012

HINDI KO KAYO NAKIKILALA


Sa natatanging kapanahunan ni Jesus bilang isang saro ng kabanalan (sisidlang hirang ng Espiritu ng Dios) ay isinatinig niya ang salita nitong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoan. 

Na sinabi,

Mateo 24 :
5  Sapagka’t marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.

Mateo 7 :
21  Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin. Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit: kundi ang gumaganap ng kalooban (kautusan) ng aking Ama na nasa langit.

22  Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?

23  At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nakikilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.

Napakaliwanag na ang Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni Jesus ay binigyang diin na tanging mga tao lamang na gumagawa ng kalooban (kautusan) ng Ama ang siya lamang papasok sa kaharian ng langit (Mat 23:23). 

Ito’y isang napakatibay na katunayan, na nagsasabing ang pagtalima lamang sa mga mayor at minor na kautusan ang tanging makapagliligtas ng kaluluwa, at makapagbibigay ng karapatan sa sinoman na makapasok sa kaharian ng langit (Juan 12:50)

Biyernes, Disyembre 9, 2011

CORDERO NG DIOS



The Seven Spirits
APO 5:
6  At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang CORDERO na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang PITONG ESPIRITU NG DIOS, NA SINUGO SA BOONG LUPA.

7  At siya’y lumapit, at kinuha ang  AKLAT sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.

8  At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu’t apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng CORDERO, na ang bawa’t isa’y may alpa, at ang mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.

Martes, Disyembre 6, 2011

ANAK NG PAGSUNOD AT ANAK NG PAGSUWAY


Narito, at sa natatanging kapanahunan nitong si Jesus ay mariing isinatinig ng sarili niyang bibig, na ikaw, ako, at tayong lahat na mga tao mula sa apat (4) na direksiyon ng daigdig ay pawang mga anak ng Dios (Juan 20:17). Ito’y isang katotohanan na nararapat panghawakan ng lahat, palibhasa’y katuwiran na sinalita nitong Espiritu ng Dios na sa panahong yao’y masiglang namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban. Gayon ma’y higit na marami ang sumasalungat sa bagay na ito, dahil iisa lamang ang kinikilala nilang anak ng Dios at siya’y walang iba kundi si Jesucristo. Ito'y nang ipikit nila ang kanilang mga mata sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal na naghahayag ng tunay na kaugnayan ng mga tao sa Dios.

Sa balumbon ng mga kasulatan na isinatitik ng mga totoong banal ay may sinalita hinggil sa Espiritu ng Dios na umano’y gumagawa ng kaniyang mga gawa, gamit ang katawang pisikal nitong si Jesus, at tungkol dito ay masiglang winika ang mga sumusunod na katuwiran.

Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

SINO ANG TUNAY NA CRISTIANO


Sa larangan ng pagrerelihiyon sa iba’t ibang dako ng mundo ay may lubhang malaking bilang ng mga tao, na naglagak ng buo nilang tiwala at lubos na pananampalataya sa pinaiiral na doktrinang pangrelihiyon ng simbahan. Yaon umano’y naghahayag ng mga lehitimong katuruang Cristiano. Gayon ma’y hindi tumanggap ang marami ng totoong aral na masusumpungan sa nabanggit na uri ng pamumuhay. Palibhasa’y ginamit lamang ng ilan ang salita (Cristianismo) na pang-akit at ang itinurong mga aral nitong kaparian ng simbahan ay ang iba’t ibang likhang doktrinang pangrelihiyon ng mga tao.

Kaugnay nito, para naman kami’y hindi maturingan na tila naglulubidlubid lamang ng mga kasinungalingan ay ihahayag namin sa maliwanag ang ilang usaping pangkabanalan sa banayad na saliw ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal.

Sinoman nga na nabibilang sa umano’y relihiyon na naglalahad ng mga katuruang Cristiano ay matibay na tinitindigan ang kalagayang niyang yaon. Sapagka’t gaya ng tradisyon, sa mura pa lamang na kaisipan, ang nabanggit na doktrinang pangrelihiyon ay nauna ng naisilid sa kamalayan. Sa madaling salita ay mga katuruan na kinamulatan, o kinagisnan, at dahil doo’y inakalang ang mga yao’y matibay na sandigan ng katotohanan. Kaya naman, marami sa kanila ay tila may lubos na katiyakan sa katotohanan, kapag tungkol sa mga aral pangkabanalan ang pinag-usapan. Pakitaan mo man ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal na nagbibigay diin sa katotohanan ay hindi pakikinggan, at sa halip ay higit na mamagalingin ang pilipit na katuruang kinagisnan.

Lunes, Nobyembre 7, 2011

SINO ANG NAGTAYO NG IGLESIA


Sa kagsagsagan ng masigla at tila ba walang kapagurang pagsasagawa nitong si Juan ng bautismo ng pagsisisi sa ilog Jordan ay isang lalaki ang lumapit sa kaniyang harapan, at nagsabing siya’y bautismuhan niya. Ang tao ngang ito ay walang iba kundi si Jesus ng Nazaret na anak ni Maria. Sa gayo’y nanaig ang ibig ng lalaki at siya’y ginawaran niya ng bautismo, at pag-ahon ng kaniyang ulo sa tubig ay nangyari,

MATEO 3 :
16  At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang ESPIRITU NG DIOS na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

Biyernes, Nobyembre 4, 2011

ANG MALUWANG AT MAKIPOT NA PINTUAN


Sa 1 Cor 16:9 ay may pagmamapuring inihayag ni Pablo na siya’y nakasumpong ng pintuang malaki, na nabuksan sa kaniya at yao’y pakikinabangan niya, dangan nga lamang doon aniya ay marami ang kaaway. Kung lilinawin ay ang malaking pintuan ng pananampalataya kay Jesucristo na walang gawa ng kautusan ang tinitukoy ng taong ito.

Ano pa’t kung noong una’y may tungkulin ang lahat na gumanap sa mga kautusan ng pagibig. Dahil sa maluwang na pintuang yao’y hindi na kailangan pang gumanap ang sinoman sa mga nabanggit na kautusan, kundi imbis na gayon ay pananampalataya na nga lamang kay Jesus ang gagawin ng mga tao.

Alinsunod sa evangelio ng di pagutuli na isinusulong ni Pablo ay malaki at maluwang na pintuan ang kailangang pasukin ng mga Gentil. Samantalang sa evangelio ng kaharian na nangagsilabas mula mismo sa bibig ni Jesucristo ay sa makipot na pintuan ang lahat ay nararapat na pumasok. 

Sa paghahambing ng dalawang magkasalungat na evangelio ay gaya nga ng nasusulat.

Lunes, Oktubre 10, 2011

KAHALAGAHAN NG KAUTUSAN KAY JESUS

Sa kasagsagan ng mga kapanahunang nagsipagdaan sa kasaysayan ng mga anak ni Israel ay tiniyak ng kaisaisang Dios ang kaligtasan nila na naging masunurin sa natatangi niyang kalooban. Kaya sa kahustuhan ng kapanahunan ay ibinaba niya sa pamamagitan ni Moises ang mga kautusan ng pagibig sa Dios, at ang mga kautusan ng pagibig sa kapawa, na walang iba kundi ang sampung (10) utos na nasusulat sa tapyas ng mga bato.

Ang buong sangbahayan ni Israel na noo’y lubos na sumasa-ilalim sa pagkaalipin nitong Paraon ng Egipto ay idinaing sa kaisaisang Dios ang kaawa-awa nilang kalagayan sa panahon nilang yaon. Kaya naman sila ay pinaparoonan kay Moises at Aaron, upang sila’y palayain mula sa malaon na nilang pagkaalipin. Sa madaling salita ay nangyari ang pagpapalaya sa kanila sa kabila ng hindi kakaunting ulit na pagmamatigas ng puso ng Paraon.

Ayon nga sa kalooban ng kaisaisang Dios ay naganap ang pangkalahatang paglayang yaon ng mga anak ni Israel mula sa malaong pagkaalipin. Ano pa’t hindi nagtapos doon ang nabanggit na pagsagip, sapagka’t muli ay nakamit nila ang isa pang pagpapalaya sa pangalawang pagkakataon. Ito’y nang pagkalooban sila ng sampung (10) kautusan na tinanggap ni Moises sa taluktok ng bundok Sinai.

HUWAD NA JESUCRISTO



 Sa kalipunan ng mga tao maging noong simula hanggang sa kasalukuyang panahon na ating pinagdaraanan, ay nagkakaroon ng saysay ang mga bagay alinsunod sa mga naging pahayag ng sinomang doo’y may ganap na kaugnayan. Kahi man sila’y mga saksi lamang sa anomang kaganapan. Sa kay lawak na larangan ng pananaliksik matapos ang isang masusi at maingat na pag-aaral at hindi kakaunting eksperimento ay nagbubunga ng kaliwanagan, o kung hindi ma’y bahagyang nalalahad ang dati ay mga kubling bagay.



Ang gayong mga gawa ay binubuo ng isang  pangkat ng mga dalubhasa na may kanikaniyang kabihasnan sa iba’t ibang sangay ng mga bagay na tumutugon sa larangang hinihimay ang kasarinlan at kabuoan. Narito ang pamunuan at mga tauhan na natatanging saksi sa mga bagay na may lubos na kinalaman sa gawain nilang yaon.