Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bautismo sa tatlong Pangalan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bautismo sa tatlong Pangalan. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Pebrero 20, 2026

Paano Umiiral ang Apat na Halgi ng Turo ni Cristo sa Loob ng Doktrina ng Pitong Haligi ng Eternal Source

 Isang Masusing Pagpapaliwanag sa Dalawang Balangkas ng Katuruan

Ang katotohanan ay hindi dumadami. Ito ay inaayon
Ang nananatili ay hindi ang popular—Kundi ang may istruktura.

Ang Doktrina ng Pitong Haligi ng Eternal Source (DSPES) ay hindi nangangako ng kaligtasan, hiwaga, o pagtakas.

Ipinapakita nito kung ano ang kinakailangan ng realidad mismo upang manatili.

Ang Apat na Haligi ng Turo ni Cristo (FPTC) ay hindi lumilikha ng bagong sistema.
Inilalahad nito kung paano dapat mamuhay ang tao sa loob ng umiiral nang kaayusan.

May isang matibay na pahayag ang artikulong ito:

Si Cristo ay hindi tumayo sa ibabaw ng realidad.
Siya ay tumayo sa loob nito.

Iyan ang dahilan kung bakit nananatili ang kanyang turo.

Upang maunawaan kung paano umiiral ang apat na haligi ng turo ni Cristo, kailangang makita ang mas malawak na balangkas ng realidad na kanilang kinapapalooban.
👉 Seven Pillars Knowledge Pyramid
https://www.rayosngliwanag.com/p/the-seven-pillars-knowledge-pyramid.html

Lunes, Setyembre 1, 2014

SIYA ANG INYONG PAKINGGAN (sa Bautismo)


Dinalang bukod ng panginoong Jesus ang mga alagad na sila Pedro, Santiago, at Juan sa isang mataas na bundok. Doon nga’y may isang maningning na alapaap na lumilim sa kanila: at may tinig na nagwika mula sa kaluwalhatian ng langit, na nagsasabi

MAT 17 :
5  .... ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.

Sa talatang nasa itaas ay ipinakilala nitong Espiritu ng Ama sa lahat, na ang panginoong Jesucristo ang sinisinta niyang Anak, at tayo ay inuutusan niyang makinig sa mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinapangaral niya sa mga tao.

Ano pa’t sa katapusan ng kaniyang layunin sa sangbahayan ni Israel ay madiin niyang inihabilin sa mga orihinal at lihitimong mga apostoles ang ganito,

MAT 28 :
20  NA ITURO NINYO SA KANILA NA KANILANG GANAPIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA INIUTOS KO SA INYO: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan (ages).

Kung gayo'y mayroong mga utos (Kautusang Cristo) na sinalita ng sariling bibig ng Cristo Jesus, na nararapat nating pakinggan at isabuhay. Kung hindi ay mangangahulugan iyan ng paglabag sa partikular na utos na iyan ng Ama. Maituturing ngang iyan ay isang lubhang malaking kasalanan sa kaisaisang Dios ng langit. Sapagka’t nasasalalay sa evangelio ng kaharian (katuruang Cristo) na masiglang ipinangaral ng sariling bibig ng panginoong Jesucristo ang kaligtasan ng kaluluwa at kapatawaran ng mga kasalanan. Kaya nga, kung ang sinoma’y hindi magsasabuhay ng katuruang Cristo, ay maipasisiya na ang taong iyon ay ganap na dumadako sa kahabaghabag na kalagyan ng mga anak ng pagsuway.

Hinggil sa usapin ng bautismo ay ano naman kaya ayon sa Katuruang Cristo ang mga aral, o mga utos na nararapat ganapin ng lahat? Unahin nga muna nating sulyapan ang katuwiran na ipinangaral ng kagalanggalang na San Juan Bautista, at gaya ng nasusulat ay kaniyang winika,