Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang tahimik ngunit matibay na patotoo sa Katuruang Cristo—nakatuon sa Christology, katarungan, at hantungan ng tao. Hindi ito umaasa sa ingay o debate, kundi sa linaw, kaayusan, at paninindigan ayon sa Espiritu ng Diyos na kumilos kay Jesus.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Binago ang Kautusan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Binago ang Kautusan. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Hunyo 7, 2023
KAUTUSAN
Labels:
Binago ang Kautusan,
Kautusan ni Moises,
Kautusan ng Dios,
Kautusang Cristo,
Sundin ang Kautusan.
Lunes, Mayo 1, 2017
HINDI NABAGO KAILAN MAN ANG KAUTUSAN
Mula sa sali't saling sabi, o nitong tradisyonal na doktrinang pangrelihiyon ay tahasang winiwika ng marami, na ang sampung (10) utos ng Dios ay binago na ni Jesus ng Nazaret. Bagay na naging bukang bibig ng karamihan, na tila baga isang may kahustohang paglalahad na lubos ang pagsang-ayon ng katotohanan na sumasa Dios.
Totoo nga kaya ang nakasanayan ng paglalahad na iyan ng marami? Na ang kautusan, kahi man ang mga iyon ay madiing winika ng kaisaisang Dios na nangatatatag magpakailankailan man ay nangyaring nabago at nahalinhan ng dalawang (2) utos na lamang?
Sa akdang ito ay lalapatan ang usaping iyan ng mga nagtutumibay na katunayang biblikal, na saan man at kailan man ay hindi maaaring itanggi, ni pasinungalingan man ng kahit sino sa kalupaan. Mula sa mga katunayang biblikal na iyan ay tatanglawan ang mga dako na kay laon ng nalalambungan ng sukdulang kadiliman. Sa gayo'y lalabas ang tanawin, na binibigyang diin ng katuwirang sumasa Dios. Na ang usaping may kinalaman sa pagbabago ng kautusan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh).

Everlasting Law,
Kautusan,
Kautusan ni Moses,
Kautusan ng Dios,
Kautusang Cristo,
Tanakh,
Torah
Huwebes, Pebrero 27, 2014
KAILAN PA NABAGO ANG MGA KAUTUSAN?
![]() |
| Torah (Five books of Moses) |
Sa
Tanakh na siyang balumbon ng mga banal na kasulatan ay mababasa ang mga
kautusan ni Moises, na sa kapanahunan niyang iyon at hanggang sa kasalukuyang
panahon ay masigla at may galak sa puso na tinatalima, itinataguyod,
tinatangkilik, at ipinagtatanggol ng mga tunay na banal. Iyan ay dahil sa
napakaliwanag na katotohanang naglalahad ng mga pangako ng Dios, na sa katuparan
ay maluwalhating nakapaghatid ng hindi kakaunting kaluluwa sa buhay na walang
hanggan.
![]() |
| Scrolls of Tanakh |
Sa King
James na bersiyon ng Tanakh – ang Torah ay isinalin sa tawag na “kautusan (instructions/law),” samantalang
ang Nevi’im ay mababasa sa salin na “Propeta (Prophet),” at ang Ketuvin ay tumutukoy ng ganap sa “Kasulatan (scripture).”
Ang tinutukoy sa itaas ay ang pamagat ng mga aklat ng Tanakh na mababasa sa ibaba,
TANAKH BOOKS
Torah (Kautusan) - Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy.
Nevi’im
(Propeta) - Major: Isiah, Jeremiah, Ezekeil.
Minor: Hosea, Joel, Amos, Obadiah, Jonah, Micah, Nahum, Habakuk, Zephaniah, Haggai,
Zachariah, Malachi
Former: Joshua, Judges, Samuel, Kings
Former: Joshua, Judges, Samuel, Kings
Ketuvim(Kasulatan) - Wisdom
: Psalm, Proverbs, Job.
Scrolls : Song of Songs, Ruth, Lamentations, Ecclesiastes, Esther
Histories: Daniel, Ezra, Nehemiah, Chronicles.
Sa mga bumalangkas
at nagsigawa nitong tinatawag na Bagong Tipan (New Testament) ay naging isang
kalihiman ang tungkol sa usaping ito, na may kinalaman sa Torah, Nevi’im at Ketuvim. Sapagka’t iyan ay isinalin
nila sa katawagang Kautusan, Propeta, at Kasulatan.
Dahil diyan ay hindi naging malinaw sa bumabasa ng nabanggit na aklat ang mga
mahahalagang usapin na may ganap na kilaman sa mga iyon.
Labels:
Abomination,
Binago ang Kautusan,
Catholic Church Heresies,
Commandment of God,
Dagdag/bawas,
Errors of the Catholic Church,
Kautusan ni Moses,
Lumang Tipan,
Pagan Church
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)