Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang tahimik ngunit matibay na patotoo sa Katuruang Cristo—nakatuon sa Christology, katarungan, at hantungan ng tao. Hindi ito umaasa sa ingay o debate, kundi sa linaw, kaayusan, at paninindigan ayon sa Espiritu ng Diyos na kumilos kay Jesus.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritismo ng mga Pagano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritismo ng mga Pagano. Ipakita ang lahat ng mga post
Sabado, Pebrero 8, 2025
THE TEACHINGS OF CHRIST: A GUIDE TO SPIRITUALISM
Labels:
Allan Kardec,
Christ's Spiritualism,
Christology,
Communication with the dead,
Espiritismo ni Allan Kardec,
Espiritismo ng mga Pagano,
Filipino Spiritism,
Reincarnation,
Spiritism,
Spiritualism
Biyernes, Disyembre 1, 2017
REPORMA SA TRADISYONG ESPIRITISTA
Taun-taon ay
ginugunita natin ang mapait na pagkamatay at maluwalhating pagkabuhay ni Jesus. Iyan ay binubuo ng
pitong (7) araw na pag-aalaala sa kaganapang iyon. Sa saliw ng pag-aayuno ng bawa’t isa ay naitutuon ng
karamihan sa ating mga sarili ang sagradong kalagayan sa mga araw na iyan. Ito'y natataon kadalasan sa huling mga araw ng Marso hanggang ikalawang linggo ng Abril.
Tinatawag natin ang mahalagang kaganapang iyan na, “Mahal na araw.”
Nakaugalin na ng
kapatiran, na sa panahong nabanggit ay umakyat sa kabundukan. Iyan ay sa layuning ipangaral ang tinatawag natin na evangelio sa mga
pinaniniwalaang engkanto, na umano’y nangangailangan ng mabuting balita.
Gayon ma’y tila ang salitang iyan ay hindi ganap na napapag-unawa ng higit na nakakarami sa kapatirang Espiritista. Sapagka’t ang nakaugalian nating ipinangangaral na evangelio ay hindi ang “evangelio ng kaharian”, kundi ang likhang katuruan ni Pablo, na kung tawagin ay “evangelio ng di pagtutuli".

Hinggil diyan ay
bayaan ninyo na sa inyo ay linawin namin ng may kahustuhan ang lehitimong evangelio na karapatdapat
na ipangaral sa mga buhay, at maging sa kaugalian (sali't-saling sabi ng mga tao) ay mga tinatamwag na Espiritu ng
kabundukan (Engkanto).
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)