Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Evangelio ng di-pagtutuli. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Evangelio ng di-pagtutuli. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Hulyo 15, 2017

PAANO TAYO NILILINIS NG DIOS

Bago ang lahat ay matuwid na maunawaan ng bawa't isa ang likas na kalagayan ni Jesus ng Nazaret, bilang isang sisidlang hirang (talaytayan) ng kabanalan na sumasa Dios ng langit. Siya'y masiglang pinamahayan at pinagharian nitong Espiritu ng Dios (Espiritu Santo), matapos bautismuhan ni Juan Bautista sa Ilog Jordan nitong bautismo sa pagsisisi ng kasalanan.

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,

Mateo 3 :
16  At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang ESPIRITU NG DIOS na BUMABANG TULAD SA ISANG KALAPATI, at LUMAPAG SA KANIYA; 

Ito ngang si Jesus ng Nazaret ay kinasangkapan nitong Espiritu ng Dios, at mula sa kaluwalhatian ng langit gaya ng isang kalapati, sa ilog ng Jordan ay bumaba at lumapag sa kaniya. Ang Espiritu na nabanggit ay lumukob sa buo niyang pagkatao.

JUAN 14 :
10  Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na TUMATAHAN SA AKIN ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan10:30).

Mula nga noon ay madiin na niyang ipinahayag sa buong sangbahayan ni Israel, na sa kabuoan niya ay ang nabanggit na Espiritu ng Dios ang masiglang namamahay at makapangyarihang naghahari sa buo niyang pagkatao, 

At dahil diyan, sa lahat ay madiing ipinag-utos  ng kaisaisang Dios ng langit,

Martes, Pebrero 16, 2016

NR004 SAN PABLO PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. 

Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 


Mula sa sulat ni Pablo sa mga taga Roma ay may ginamit siyang ilang talata galing sa Awit ni David. Diyan ay maliwanag na makikita, kung paano nagkakaroon ng malaking pagbabago ang kahulugan ng teksto na ginagamit niya, upang gawing patibayang aral sa kaniyang mga sulat. 

Ang hindi maikakailang katotohanan sa usaping ito ay binabago ni Pablo ang partikular na mga bahagi ng kasulatan, sa layuning pagtibayin ang likha niyang doktrinang pangrelihiyon. Sa gayon ay aakalain ng mga bumabasa, na ang patibayan niyang aral ay eksaktong teksto na mula sa Tanakh (OT), 

Totoo nga na teksto ng Tanakh ang ginagamit niyang mga patotoo, nguni't iyon ay may dagdag at may bawas na. Sa madaling salita ay may halo ng kasinungalingan ang anomang teksto ng Tanakh na ginagamit niyang patotoo sa kaniyang mga sulat. Iyon umano ay sa layunin niyang pagtibayin sa mga bumabasa ang iginigiit niyang aral pangkabanalan.

Narito ang isa pang halimbawa ng ilang talata mula sa Awit ni David, na iniba niya ang orihinal na konteksto sa pamamagitan ng pagdadagdag at pagbabawas ng mga salita.

Lunes, Hulyo 6, 2015

NR. 001 SAN PABLO: PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 

Mula sa kasagsagan ng mga panahong nagsilipas ay makikita ng napakaliwanag ang pagkilala kay San Pablo, bilang isang matuwid na lingkod ng Dios. Siya ay itininuturing ng higit na nakakarami na isang santo ng simbahang katoliko. Kinikilala din siya sa gayong kabanal na kalagayan ng iba’t ibang samahan na nabibilang sa malaking kalipunan ng Cristiano ni Pablo.

Sa kabila ng katanyagan ng taong iyan sa larangan ng Cristianismo ay matuwid na tanggapin ng lahat, na may madidilim pa rin na bahagi ng kaniyang pagkatao na hindi napapag-unawa ng higit na nakakarami. Nandiyan ang hayagan niyang paghihimagsik sa mga aral na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Nandiyan din ang pagbabawas at pagdaragdag ng mga salita sa teksto ng mga propeta,” na ginawa naman niyang patibayang aral sa kaniyang mga sulat.

Bilang simula, ang usapin hinggil sa dagdag-bawas ng mga salita, ang sa inyo ngayon ay aming tatanglawan ng napakaliwanag na ilaw. Iyan ang isa sa madilim na bahagi ng pagkatao nitong si Pablo, na noon pa mang una ay pinagtakpan na ng mga pagano at gentil na kabalahibo niya. Hanggang sa ngayon ay tila mga bulag sa katotohanang iyan ang mga tao na kumikilala sa kaniya bilang isang banal ng Dios.

Biyernes, Enero 16, 2015

ANG DALAWANG KATURUAN SA BAGONG TIPAN

Mula sa kabuoan ng tinatawag na bagong tipan ng bibliya ay kinukuha ng mga mangangaral ng salita ang kani-kanilang patibayang aral. Iyan ay sa layuning mapatotohanan ang minamatuwid nilang katuruang pangkabanalan. 

Nakakapagtaka, na kahi man iisang aklat ang pinagkukunan ng mga katunayang pangkabanalan ay hindi kailan man nagkaroon ng pagkaka-isa ang marami sa kanila. Nagkani-kaniya sila ng ipinangaral na katuruang pangkabanalan na nagpapahayag ng di pagsang-ayon sa tinitindigang biblikal na aral ng bawa’t isa.

Gayon ngang mula sa nag-iisang aklat (bibliya) ay hindi na yata halos mabilang ang naitatag na samahang pangrelihiyon na nagututuro ng iba’t ibang katuruang pangkabanalan. Dahil diyan, mula noon at hanggang sa ngayon ay hindi kakaunting tao sa kalupaan ang nakaranas ng malabis na pagkalito. Tanong nga ng iba,

“Sa dinamidami ng mga relihiyon na gumagamit ng bibliya ay alin ba sa kanila ang kasusumpungan ng katuruang pangkabanalan, na makapaglalahad sa sino man ng katotohanan na sinasang-ayunan ng kaisaisang Dios ng langit.”

Tiyak na may maling unawa ang karamihan na sukat ikatisod, at bunga niyan ay hindi sinasadyang makapagpahayag ng mga aral, na hindi umaayon sa katuwiran na binibigyang diin ng banal na kasulatan. O kaya naman ay may malaking kakulangan ang marami sa hinihinging masusing pagsasaliksik sa mga antigo at banal na kasulatan (Tanakh). Ano pa’t iyon ay naging kadahilanan upang ganap na ikatisod ng hindi kakaunting tao sa kalupaan.

May nag-iisa ngang dahilan, kung bakit saan man at kailan man ay hindi kinasumpungan ng pagkaka-isa ang mga mangangaral ng salita. Mula sa hindi matapostapos na tuligsaan at maaanghan ng palitan ng mga pilipit na pahayag, ay gaya nila ang mga mababangis na pangil sa parang, na sa araw at gabi ay nagsasakmalan sa isa’t isa.

Marami ang hindi nakaka-alam, na sa kabuoan ng Bagong Tipan ng bibliya ay may dalawang (2) dako ng kamalayan, o katuruan na nagpapahayag ng kanikaniyang matuwid. Iyan ang tampok na usapin sa artikulong ito na lalapatan namin ng kaukulang paglilinaw. Ano nga ba ang dalawang katuruan na nararapat maunawaan ng lahat sa bagong tipan ng bibliya?

Miyerkules, Oktubre 15, 2014

PAG-IBIG SA DIOS

Mula sa maningning na alapaap ay sinalita ng Dios ang mga sumusunod,

MAT 17 :
5  .... ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.

Isang napakaliwanag na katotohanan, na ang pagpapayahayag ng  pag-ibig sa Dios ay ang maluwalhating pakikinig sa mga turo at utos na nagmula mismo sa sariling bibig ng Cristo. Palibhasa'y sa Espiritu ng Dios ang salita (turo at utos), samantalang ang tinig ay mula sa sariling bibig ng kaniyang mga banal.

Sa ikapagtatamo ng matuwid hinggil sa larangan ng tunay na kabanalan ay walang anomang nararapat na gawin ang sinoman, kundi ang pakikinig at pagsasabuhay sa mga UTOS at KATURUANG PANGKABANALAN, na sa natatanging kapanahunan ay may katapangang ipinangaral ng sariling bibig ni Jesucristo

Gayon ma’y hindi maaari na makasunod ang marami sa utos at turo ng Dios na isinatinig ng Cristo, sapagka’t hindi kakaunti ang mga tao na walang nadaramang pag-ibig sa Dios. Kahi man sila’y nagsasabing mga alagad at mangangaral ni Jesus ay hindi naman nakikita sa kanila ang mga tanda ng pag-ibig na nararapat nilang iukol sa Dios. Lumalabas ngang sila’y mga sinungaling at palalo, dahil sa taliwas ang kanilang ginagawa sa kanilang ipinangangaral na salita.

Sa gayo’y anu-ano nga ba ang maaring gawin ng sinoman, upang sa kaniya ay masumpungan ang pag-ibig na nararapat ituon ng sinoman sa Panginoong Dios.

Hinggil sa usaping ito ay madiing sinabi, gaya ng nasusulat,

JUAN 14 :
21  ANG MAYROON NG AKING MGA UTOS, AT TINUTUPAD ANG MGA YAON, AY SIYANG UMIIBIG SA AKIN: at ANG UMIIBIG SA AKIN AY IIBIGIN NG AKING AMA, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.