Walang Trinidad sa Biblia: Ang Tunay na Dios ng Israel ay Iisa
๐ Maikling
Panimula:
Ito ang Bahagi 1 ng ating dalawang yugto ng
pagbubunyag hinggil sa pinagmulan ng aral ng Trinidad. Sa panimulang bahagi na
ito, ating ilalatag ang matibay na ebidensiya na hindi kailanman itinuro sa
Banal na Kasulatan ang ideya ng Diyos na tatlong persona. Mula Tanakh hanggang
kay Jesus, ang Dios ay laging ipinakilala bilang iisa—at wala nang iba.
๐น 1. Walang
Trinidad sa Buong Tanakh
Sa mahigit isang libong taon, ang Tanakh—ang
kabuoan ng Banal na Kasulatan ng mga Israelita—ay tanging batayan ng
pananampalataya sa Dios. At sa lahat ng pahina nito, wala ni isang turo na
nagpapakilala sa Dios bilang tatlong persona.
Ang pananampalataya ng Israel ay buo at
maliwanag:
“Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon (YEHOVAH) na ating
Dios, ay iisang Panginoon (YEHOVAH).” — Deuteronomio 6:4