Huwebes, Nobyembre 8, 2012

TETRAGRAMATON (YHVH)


Hayag sa balumbon ng mga banal na kasulatan ang likas na kalagayan ng Dios, at doo’y mapapag-unawa ang lubos na pagkakakilanlan sa kaniya bilang Ama ng lahat ng kaluluwa. Kabilang diyan ang mga kautusan na ayon sa Kaniya ay umiiral na magpasa walang hanggan. Gayon din ang Kaniyang pangalan na higit sa anim na libong (6,000) ulit binanggit ng mga banal ng Dios (Mashiyach) na nabibilang sa buong sangbahayan ng mga anak ni Israel.

Masoretic Texts ang mapapagkatiwalaang (authoritative) matandang manuskrito na siyang ginamit na mapapanghawakang batayan ng mga Israelita sa paggawa nila ng Bibliyang Hebreo. Gayon ma’y hindi nailahad sa nabanggit na aklat, kahi man dalawa o isang ulit ang tama at hustong pangalan ng Dios na natatala sa orihinal na teksto. Ang dahilan ay ang pangamba ng mga nagsipagsalin na malabag ang pangatlong (3) utos ng Dios, na sinasabi,

DEU 5 :
11  HUWAG MONG BABANGGITIN ANG PANGALAN NG PANGINOON MONG DIOS SA WALANG KABULUHAN; sapagka't hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

Katuwiran nila’y mabuti ng malihim sa kaalaman ng marami ang pangalan ng Dios, kaysa naman ito’y magamit lamang ng mga hangal sa walang kabuluhang bagay. Sa gayong kalakaran, ito nga'y totoong nalingid sa kaalaman ng marami, subali’t nagbunga naman ng kaawa-awang kalagayan sa kaluluwa ng mga tao. Dahil sa hindi naging malinaw ang tama at wastong pangalan ng Dios na nararapat bigkasin, kapag ang sinoma’y idinadalangin sa Kaniya ang mga hinaing ng kanilang kaisipan at damdamin.

Lunes, Oktubre 8, 2012

PANALANGIN SA MGA BANAL


Sa umiiral na kasalukuyang kapanahunan ay tila mahihirapan tayong bilangin ang mga tao na hindi lubos ang pagka-unawa sa umiiral na katuruang pangkabanalan. Iyan ay tanyag sa mga mambabasa ng banal na kasulatan (bibliya) sa tawag na, “Evangelio ng kaharian.” Ganap itong tumutukoy sa mga salita na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesucristo, na isinatinig at isinatitik ng labingdalawang (12) apostol. Sa bilang nila ay nagkapalad na mailahok ang aklat ni Mateo at Juan sa mga sinipi ng emperiong Roma na matatandang kasulatan, upang maging kapakipakinabang na bahagi nitong Bagong Tipan ng Bibliyang Romano.

Sino man nga’y mapapa-oo at mapapasang-ayon sa inihahaing banal na katuruan, kung ito ay kasusumpungan ng mga salita ng Dios na sinalita mismo ng sariling bibig ni Jesus. Dahil dito, sa marami ay katiwatiwala at inaaring katotohanan ang kaniyang mga pahayag. Kaya nga, alin mang katuruang pangkabanalan ay itinuturing na huwad, o kaya’y pilipit na aral - kapag ito’y kinakitaan ng anomang uri ng paghihimagsik, o pagsalungat sa mga nagtutumibay na salita ng kaniyang bibig.

Ngayon nga, batay at alinsunod sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal (mga aral na binigkas ng bibig ni Jesus) ay mabibigyan ng kaukulang tanglaw ang usapin na ganap ang kinalaman sa “panalangin sa mga banal.” Gayon din naman na may magaganap na paglalahad sa ilang sitas ng lumang tipan - sa layuning pagtibayin ang mga salita (Evangelio ng kaharian) bilang pagsang-ayon ng katotohanan.

Martes, Oktubre 2, 2012

MASYAK (Cristo)


Ang salitang Hebreo na tumtukoy sa “מָשִׁיחַ (mashiyach)” ay “anointed (pinahiran)” ang pinakamalapit at maituturing na pinakahustong kahulugan sa wikang Ingles. Kung lilinawin ay isang rituwal pangkabanalan ng Dios na kumikilala sa sinoman, o sa anomang bagay bilang isang tunay na banal. Sa paglipas ng mga kapanahunan ay naisalin ang salitang iyan sa wikang Griego, na kapag binasa ay,  “Μεσσίας, (Messias)” at ang kahulugan naman ng titulong “Mashiyach (pinahiran)” sa wika nila ay, Χριστός (Khristós).”

(Paalala: Ang letrang “s” sa hulihan ng Messia[s] at Kristo[s] ay pagsasalarawan sa maskulinidad (masculinity) ng salita, titulo, o pangalan.)

Ang salitang “messiah” ay titulong hinango ng mga Ingles sa wikang “Μεσσίας, (Messias)” ng mga Griego. Gayon din ang titulong “Christ” ay mula naman sa “Χριστός (Khristós)”sa wika ding ito. Gayon man sa tagalog ay “pinahiran” lamang ang nag-iisang kahulugan ng mga salitang salin na nabanggit sa itaas.

(Sa Septuagint ng mga Griego na bersiyon nila ng Lumang Tipan (OT) ay tatlongpu’t siyam (39) na ulit binanggit ang salitang “pinahiran” bilang Χριστός (Khristós). Sa Bagong Tipan (NT) sa saling Griego ay dalawang (2) ulit na binanggit ang salitang Messias  [Juan 1:41 at Juan 4:25.])

Lunes, Oktubre 1, 2012

MGA CRISTO AT CRISTIANO NG LUMANG TIPAN


Ang salitang Ingles na “Messianic" ay nagmula sa titulong “Messiah” na tumutukoy sa mga tagasunod nitong “Mashiyach (מָשִׁיחַ)” ng Israel. Sila ay sumasamba kay YHVH (YEHOVAH) bilang kaisaisang Dios at Ama ng lahat ng kaluluwa, at namamalagi sa Kaniyang salita - ang Torah.

Ang katagang "Notzrim" ay makabagong salitang Hebreo na siyang tawag sa mga tagasunod ng Cristo, nguni't ito'y hindi tumutukoy sa mga Mashiyach (pinahiran) ng Torah, kundi sa Mashiyach lamang na si Jesus ng Bagong Tipan. Ang Cristianismo na ipinakilala ni Pablo sa aklat na iyan ay naging bias, o may malabis na pagkiling sa iisang Cristo lamang na si Jesus.

Alam nyo ba na noon pa mang unang panahon - libong taon pa bago isilang ang panginoong Jesucristo ay masigla ng umiiral ang kalipunan ng mga Cristiano sa kalakhang Israel at sa mga karatig na bansa nito?

Linggo, Setyembre 2, 2012

CRISTIANO NG DIOS


Jesus preaching the Gospel of the Kingdom
Ang usapin bang tumutukoy dito ay kailangan pang pag-aksayahan ng ating panahon, gayong talastas ng marami na ang katawagang Cristiano ay inaari ng hindi kakaunting samahang pangrelihiyon sa apat (4) na direksiyon ng ating mundo. Gayon pa man ay ilan kaya sa lubhang karamihan ang nakaka-unawa sa tunay na kahulugan ng salitang iyon, at gaano karami ang bilang ng mga may ganap na pagkabatid sa tunay na aral at katuruang nilalaman ng Cristianismo?

Mashiyach sa wikang Hebreo ang katagang Cristo. Christ o Messiah sa Ingles, Christus sa Italya, Khristos sa Griego, at Cristo sa ating wika. Ang nag-iisang ibig sabihin nito ay “pinahiran,” at katagang nagpapahayag ng banal na kalagayang lubos na kinikilala ng Dios. Mabibigyang diin na ito’y isang katawagan na naglalahad ng pagiging masunurin ng isang tao sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng kaisaisa nating Ama na nasa langit.

Ang sinoman sa makatuwid na masigla at bukal sa puso na nagsasabuhay ng kabanalan na masusumpungan sa isang itinuturing na Cristo ay maaaring matawag na isang Cristiano. Ginagawa niya ang mga bagay na isinasabuhay ng nagtataglay ng gayong natatanging sagradong kalagayan. Ang pagkilala sa estado niyang iyan ay naaayon sa mga katunayan na binibigyang diin ng sina-unang (Masoteric Texts) balumbon ng mga banal na kasulatan.

Huwebes, Agosto 16, 2012

Sabi ng "Panginoon" sa aking "panginoon"

King David

Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway (Awit 110:1).

A
ng Lumang Tipan ng Biblia ay hindi maikakaila na kinikilala sa apat (4) na direksiyon ng mundo bilang isang kongretong patibayang aral sa larangan ng totoong kabanalan. Isang balumbon ng mga sagradong kasulatan, na nagpapahayag ng mga katuruang sinalita nitong Espiritu ng Dios, sa pamamagitan ng mga nangabuhay na banal (propeta) sa iba’t ibang lubhang malayong kapanahunan. Gayon ma’y isang katotohanan din naman na nararapat tanggapin ng lahat, na iilan lamang sa dinamidami ng tao sa ating daigdig ang lubos na nakatatanaw sa tunay na anyo ng nabanggit na kasulatan.

Bunga nito’y laganap sa kalupaan ang kamangmangan at kawalang malay ng marami sa katuwiran ng Dios na binibigyang diin sa iba’t ibang aklat pangkabanalan na nilalaman nito. Ito’y isa sa pangunahing dahilan, kung bakit hindi kakaunti ang mga tao na lihis sa matuwid na landas ng buhay sa kalupaan.

Lunes, Agosto 13, 2012

EVANGELIO NG KAHARIAN (Part 1 of 2)

Narito, at kung nais ng sinoman na pumalaot sa larangan ng tunay na kabanalan ay matuwid sa kaniya bilang unang hakban, na ariing katotohanan ang mga salita ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula mismo sa bibig nitong si Jesus. Gaya ng mga aral (evangelio ng kaharian) ng tunay na kabanalan na masiglang sinalita ng kaniyang dila sa buong sangbahayan ni Israel. Ano pa’t kung ang sinoma’y nagsasabing siya’y kay Jesus, gayon ma’y aral ng iba (evangelio ng di pagtutuli) ang isinasabuhay ay maipasisiyang sinungaling at magdaraya ang taong iyon. Siya sa makatuwid ay hindi kinaroroonan ng Dios, sapagka’t tungkol sa bagay na ito’y mariing winika,

2 JUAN 1 :
9  ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.

Gayon ngang napakaliwanag na siyang hindi nananahan sa aral (evangelio ng kaharian) na mismong iniluwal ng sariling bibig ni Jesus ay walang alinlangan na hindi kinaroroonan ng Dios. Siya rin naman na nagsasabing nakikilala niya ang Dios, nguni’t hindi tumutupad sa mga kautusan (sampung utos), ayon sa kasulatan ay isang sinungaling at ang katotohanan ay wala sa taong iyon. Na sinasabi,