Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang tahimik ngunit matibay na patotoo sa Katuruang Cristo—nakatuon sa Christology, katarungan, at hantungan ng tao. Hindi ito umaasa sa ingay o debate, kundi sa linaw, kaayusan, at paninindigan ayon sa Espiritu ng Diyos na kumilos kay Jesus.
Sabado, Abril 23, 2022
AMA NAMIN UNFOLD
Labels:
Ama Namin meaning,
daily bread,
deliver us from evil,
forgiveness,
God’s will be done,
kingdom of God revealed,
Lord’s Prayer explained,
Matthew 6:9–13,
Spirit of Truth,
true prayer to the Father
Miyerkules, Abril 6, 2022
AYUNO AYON SA UTOS NG DIOS Part 1 of 2
Labels:
Abstain from food and Water.,
Ayuno,
Ayuno ayon sa Utos ng Dios,
Ayuno na Utos ng Tao,
Ayuno ng mga Banal,
Fasting,
Huwad na Ayuno
Martes, Abril 5, 2022
ANYO AT WANGIS NG KATOTOHANAN
Labels:
Anyo ng Katotohanan,
Katotohanan,
Kautusan ng Dios.,
Salita ng Katotohanan,
Verbo ng Dios,
Wangis ng Dios,
Wangis ng Katotohanan
Linggo, Setyembre 16, 2018
THE APOSTLE'S CREED (Sumasampalataya) Part 3 of 3
He descended into hell; on the third day He rose again from the dead;
(Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.)
Ang kalakarang umiiral sa kaluluwa ng tao ay pumapaloob lamang sa dalawang (2) masigla at estriktong hanay. Iyan ay ang buhay at ang kamatayan.
Ang kalakarang umiiral sa kaluluwa ng tao ay pumapaloob lamang sa dalawang (2) masigla at estriktong hanay. Iyan ay ang buhay at ang kamatayan.
Ano pa't kung gayong mayroong Dako ng kamatayan, ay maliwanag din naman na mayroon itong mahigpit na karibal sa kaniyang sarili, na kung tawagin ay ang Dako ng buhay.
Ang salitang Hebreo na, SHAMAYIM, sa saling Griego ay "OURANOS," Ang maliwanag na kahulugan nito sa wikang Ingles ay "HEAVEN." Na kung saan ay kumakatawan sa "BUHAY NA WALANG HANGGAN" o "DAKO NG WALANG HANGGANG BUHAY.
Labels:
Apostle's Creed,
Sumasampalataya Ako
Sabado, Setyembre 1, 2018
THE APOSTLE'S CREED (Sumasampalataya) Part 2 of 3
(Sumasampalataya)
PART 2 OF 3
PANGALAWA (2ND) NA MAHALAGANG PAKSA
Who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary,
(Nagkatawang tao Siya LALANG ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.)
Ito ngang si Jesus ayon sa bahaging iyan ng kredo ng simbahang katolika ay ipinanukala at NILALANG ng Dios mula sa sinapupunan ni Maria.
Ano pa't mula sa kawalan ng kaalaman at unawa ng marami sa natatanging kaparaanan ng Dios sa paglikha. Ang mga nilalang na gaya natin ay pinagkamaliang sumamba sa kapuwa nila nilalang.
Subali't ang karaniwang kadahilanan bang iyan kung gayon ay sapat na, upang si Jesus na NILALANG lamang ng Dios sa bahay bata ng isang ina na gaya natin, ay kikilalanin na ngang Dios. Sa gayo'y sasambahin na ba siya, na gaya ng pagsamba sa kaisaisang Dios ng langit.
Hinggil sa usapin na tumutukoy sa paglalang ng Dios sa sinapupunan ng isang ina, ay napakaliwanag ang hustong katotohanan sa bahaging ito ng artikulo na dapat at matuwid na maunawaan ng lahat.
Labels:
Apostle's Creed,
Sumasampalataya Ako
Huwebes, Agosto 16, 2018
THE APOSTLE'S CREED (Sumasampalataya) Part 1 of 3
PART 1 OF 3
Ayon sa malawakang kaalaman na tinitindigang matibay ng marami, na nagmula sa mga nakaraang yugto ng mga kapanahunan. Itinuturing na isang katotohanan, na ang Dios ay taglay ang likas nitong kalagayang Espiritu. Ayon pa, Siya ay may walang hanggang eksistensiya na hindi kailan man maaaring mapansin ni maunawaan man ng limang (5) pangdama ng tao (panglasa, pang-amoy, pandinig, paningin, pakiramdam).
Iyan ay dahil sa ang kabanalbanalang pag-iral nito'y hindi gaya ng sa atin na may taglay na katawang pisikal (physical body). Sa madaling salita ay walang anomang kakayanan ang mga nabanggit na mga pangdamang pisikal na makita, madinig, malasahan, maamoy, at maramdaman ang Espiritu, mabuti man o masama.
Dahil sa hindi mapapasinungalingang realidad na may ganap na kinalaman sa materiya at Espiritu. Gayon ngang hindi kailan man papasok sa anomang eksistensiya ng katotohanan, na ang materiya ay gaganap, o aakto na gaya ng likas na kalagayang Espiritu. Na kung lilinawin ay hindi kailan man mangyayari, na ang tao sa likas na estadong materiya ay maging Dios, upang siya'y kilalanin sa kalagayang tao na ay Dios pa rin.
Ang langis sa madaling salita ay hindi kailan man maaaring maging tubig, at gaya din naman na ang tubig ay hindi maaaring maging langis, kahi man sila'y magkatulad sa partikular na kondisyong likido. Ang tao sa makatuwid ay hindi kailan man maaaring maging Dios, at ang Dios ay hinding hindi kailan man lalapat sa likas na kalagayan ng NILALANG, sapagka't Siya sa Kaniyang kabuoan ay isang MANLALALANG.
Bago matapos ang ika-anim (6th) na siglo, o sa simula ng ika-pitong (7) siglo, ang Apostles Creed (Sumasampalataya Ako) ay dumating sa finalidad ng pagtanggap, hanggang sa ganap na kilalanin ng pamunuan ng Simbahang Katolika, na opisyal at matibay nilang "Pahayag ng Pananampalataya".
Bago matapos ang ika-anim (6th) na siglo, o sa simula ng ika-pitong (7) siglo, ang Apostles Creed (Sumasampalataya Ako) ay dumating sa finalidad ng pagtanggap, hanggang sa ganap na kilalanin ng pamunuan ng Simbahang Katolika, na opisyal at matibay nilang "Pahayag ng Pananampalataya".
Narito, at sa akdang ito ay masusi nating sisiyasatin, at isa-isang hihimayin ang buong nilalaman ng nabanggit na Kredo.
Labels:
Aking mga Kapatid,
Ama mo,
Ama namin,
Apostle's Creed,
Inyong Ama,
Iyong Ama,
Sumasampalataya Ako
Lunes, Hulyo 16, 2018
ANAK NG DIOS
Sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) nitong sangbahayan
ni Israel ay hindi kakaunting ulit na tinukoy ang tungkol sa mga anak
ng Dios. Bagay na maaaring gawing matibay na katunayan sa pagpapatotoo sa mga tema na may kinalaman sa usaping ito. Gayon ngang maliwanag na
binibigyang diin ng mga nabanggit na kasulatan, na ang lahat ng tao ay anak.
Dangan nga lamang ay mayroong anak ng pagsunod (tupa) at anak
ng pagsuway (kambing).
Sa dalawang hanay nga lamang na iyan maaaring kilalanin ang anak. Kaugnay niyan, tiyak ngang anak ng Dios ang sinomang tao sa mundo, nguni’t ang tanong ay ito. Siya ba’y masiglang dumadako sa pagsunod, o nahuhumaling sa karumaldumal na pagsuway sa natatanging kalooban (kautusan) ng sarili niyang Ama na nasa langit?
Sa dalawang hanay nga lamang na iyan maaaring kilalanin ang anak. Kaugnay niyan, tiyak ngang anak ng Dios ang sinomang tao sa mundo, nguni’t ang tanong ay ito. Siya ba’y masiglang dumadako sa pagsunod, o nahuhumaling sa karumaldumal na pagsuway sa natatanging kalooban (kautusan) ng sarili niyang Ama na nasa langit?
Sa pagpalaot natin sa kalawakan ng usaping ito’y sulyapan nga muna natin ang ilang patotoong
biblikal, hinggil sa pagbibigay diin ng mga lumang kasulatan (Torah), na sa simula pa nga lamang ay masigla ng umiiral ang eksistensiya ng mga anak ng Dios.
Location:
Philippines
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)



