Lunes, Hunyo 27, 2011

ANG KATOTOHANAN

   
S
tao ay likas ang maghanap ng katotohanan, palibhasa’y maliwanag na ito ay wala sa kaniya. Sapagka’t kung ito’y taglay na ng kaniyang kamalayan ay wala na ngang kabuluhan pa ang maghanap nito. Bagay na kapag hindi nabigyan ng kaukulang liwanag ay tulad sa isang malaking batong katitisuran. Kaya’t bayaan ninyong ito’y lapatan namin ng katuwirang ayon sa evangelio ng kaharian, na siyang ginawang patibayang aral nilang mga naging tunay na banal ng ating Ama na nasa langit.

1 JUAN 2 : 
4 Ang nagsasabing nakikilala ko siya, at HINDI TUMUTUPAD NG KANIYANG MGA UTOS ay SINUNGALING, at ang KATOTOHANAN AY WALA SA KANIYA.

2 JUAN
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na NAGSISILAKAD SA KATOTOHANAN, ayon sa ating tinanggap na UTOS sa AMA.

5 At ngayo’y ipinamamanhik ko sa iyo, Ginang, na hindi waring sinulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo’y mangagibigan sa isa’t isa.


6 At ito ang pagibig, na tayo’y mangagsilakad ayon sa KANIYANG MGA UTOS, Ito ang UTOS, na tayo’y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.

Sabado, Hunyo 25, 2011

PANGALAN NG DIOS. HINDI MAHALAGA?


EXO 20 :
7 Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

EXO 9 :
16 Datapuwa’t totoong totoo, na dahil dito ay pinatatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang aking pangalan, at upang ang aking pangalan ay mahayag sa buong lupa.

BILANG 6 :
27 Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel, at aking pagpapalain sila.

Huwebes, Hunyo 23, 2011

WALANG HANGGANG KAUTUSAN

Everlasting Law

Huwebes, Hunyo 16, 2011

JESUCRISTO, DIOS NG MGA GENTIL

Ang Tagapagtayo ng Iglesia

Martes, Hunyo 14, 2011

JESUS, ALAY NG MGA GENTIL?


S
a Heb 8:3-5 ay sinasabing ang mga dakilang saserdote na ayon sa kautusan ay inilagay upang magsipag-alay ng mga handog at mga hain. Kinakailangan din naman ayon sa pahiwatig ng may akda, na itong si Jesus ay magkaroon ng anomang ihahandog. Datapuwa’t kung siya nga’y nasa lupa ay hindi siya maituturing na saserdote sa anomang paraan. Sapagka’t aniya’y mayroon ng mga saserdote na nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa mga kautusan, na  umano’y nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan.


Ang tanong namin hinggil dito, yamang itong si Jesus ay nasa lupa pa ng panahong yaon ay hindi baga maaaring mapabilang siya sa kanila na nagsisipaghandog ng mga kaloob at ng mga hain? Kung hindi nga maaari ay bakit isinaysay ng may akda ng sulat sa mga Hebreo at ni Pablo ang mga sumusunod na pahayag?

Linggo, Hunyo 12, 2011

ANG KAUKULANG PANANAMPALATAYA KAY JESUS

JUAN 14 :
10  HINDI KA BAGA NANANAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

11  MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN: o kundi kaya’y MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN DAHIL SA MGA GAWA RIN.

12  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYA ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.