(Sumasampalataya)
PART 2 OF 3
PANGALAWA (2ND) NA MAHALAGANG PAKSA
Who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary,
(Nagkatawang tao Siya LALANG ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.)
Ito ngang si Jesus ayon sa bahaging iyan ng kredo ng simbahang katolika ay ipinanukala at NILALANG ng Dios mula sa sinapupunan ni Maria.
Ano pa't mula sa kawalan ng kaalaman at unawa ng marami sa natatanging kaparaanan ng Dios sa paglikha. Ang mga nilalang na gaya natin ay pinagkamaliang sumamba sa kapuwa nila nilalang.
Subali't ang karaniwang kadahilanan bang iyan kung gayon ay sapat na, upang si Jesus na NILALANG lamang ng Dios sa bahay bata ng isang ina na gaya natin, ay kikilalanin na ngang Dios. Sa gayo'y sasambahin na ba siya, na gaya ng pagsamba sa kaisaisang Dios ng langit.
Hinggil sa usapin na tumutukoy sa paglalang ng Dios sa sinapupunan ng isang ina, ay napakaliwanag ang hustong katotohanan sa bahaging ito ng artikulo na dapat at matuwid na maunawaan ng lahat.






