Ang sinoman nga’y
ipinanganganak sa pamamagitan ng tubig na lumalagaslas mula sa
sinapupunan ng isang ina. Sa gayo’y nagaganap ang pagsilang ng isang sanggol sa
maliwanag, upang siya’y lumaki at maging isang anak na kalugodlugod sa paningin
ng kaniyang ama at ina. Iyan sa makatuwid ang kung tawagin ay unang pagsilang, o pisikal na pagsilang, na kung lilinawin ay ang pagsilang sa tubig.
Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang tahimik ngunit matibay na patotoo sa Katuruang Cristo—nakatuon sa Christology, katarungan, at hantungan ng tao. Hindi ito umaasa sa ingay o debate, kundi sa linaw, kaayusan, at paninindigan ayon sa Espiritu ng Diyos na kumilos kay Jesus.
Miyerkules, Pebrero 4, 2015
MULING PAGSILANG (Born Again)
Labels:
Born again,
Katuruang Cristo,
Masyanismo,
Masyano,
Pagsilang na muli,
Pagsilang sa Espiritu,
Pagsilang sa tubig,
Rayos ng Liwanag
Biyernes, Enero 16, 2015
ANG DALAWANG KATURUAN SA BAGONG TIPAN
Mula sa kabuoan ng tinatawag na bagong tipan ng bibliya ay kinukuha ng mga mangangaral ng salita ang kani-kanilang
patibayang aral. Iyan ay sa layuning mapatotohanan ang minamatuwid nilang
katuruang pangkabanalan.
Nakakapagtaka, na kahi man iisang aklat ang pinagkukunan ng mga katunayang pangkabanalan ay hindi kailan man nagkaroon ng pagkaka-isa ang marami sa kanila. Nagkani-kaniya sila ng ipinangaral na katuruang pangkabanalan na nagpapahayag ng di pagsang-ayon sa tinitindigang biblikal na aral ng bawa’t isa.

Gayon ngang mula sa nag-iisang aklat
(bibliya) ay hindi na yata halos mabilang ang naitatag na samahang
pangrelihiyon na nagututuro ng iba’t ibang katuruang pangkabanalan. Dahil diyan,
mula noon at hanggang sa ngayon ay hindi kakaunting tao sa kalupaan ang
nakaranas ng malabis na pagkalito. Tanong nga ng iba,
“Sa
dinamidami ng mga relihiyon na gumagamit ng bibliya ay alin ba sa kanila ang
kasusumpungan ng katuruang pangkabanalan, na makapaglalahad sa sino man ng
katotohanan na sinasang-ayunan ng kaisaisang Dios ng langit.”
Tiyak na may maling unawa ang karamihan na
sukat ikatisod, at bunga niyan ay hindi sinasadyang makapagpahayag ng mga aral, na hindi umaayon sa katuwiran na
binibigyang diin ng banal na kasulatan. O kaya naman ay may malaking kakulangan
ang marami sa hinihinging masusing pagsasaliksik sa mga antigo at banal na kasulatan (Tanakh). Ano pa’t iyon
ay naging kadahilanan upang ganap na ikatisod ng hindi kakaunting tao sa
kalupaan.
May nag-iisa ngang dahilan, kung bakit
saan man at kailan man ay hindi kinasumpungan ng pagkaka-isa ang mga
mangangaral ng salita. Mula sa hindi matapostapos na tuligsaan at maaanghan ng
palitan ng mga pilipit na pahayag, ay gaya nila ang mga mababangis na pangil sa
parang, na sa araw at gabi ay nagsasakmalan sa isa’t isa.
Marami ang hindi nakaka-alam, na sa
kabuoan ng Bagong Tipan ng bibliya ay may dalawang (2) dako ng kamalayan, o
katuruan na nagpapahayag ng kanikaniyang matuwid. Iyan ang tampok na usapin sa artikulong ito na lalapatan namin ng kaukulang paglilinaw. Ano nga ba ang dalawang katuruan na nararapat maunawaan ng lahat sa bagong tipan ng bibliya?
Labels:
Evangelio ng di-pagtutuli,
Evangelio ng Kaharian,
Gospel of the Kingdom,
Gospel of the Uncircumcise,
Katuruang Cristo,
Katuruang Gentil
Huwebes, Enero 1, 2015
ANG KAUTUSAN NI MOSES (Torah)
![]() |
| Torah (Five books of Moses) |
ANG KAUTUSAN NI MOSES (Torah)
AYON SA ABOT SABI NG BANAL NA ESPIRITU
Sa
Tanakh na siyang balumbon ng mga banal na kasulatan ay mababasa ang mga
kautusan ni Moises, na sa kapanahunan niyang iyon at hanggang sa kasalukuyang
panahon ay masigla at may galak sa puso na tinatalima, itinataguyod,
tinatangkilik, at ipinagtatanggol ng mga tunay na banal. Iyan ay dahil sa
napakaliwanag na katotohanang naglalahad ng mga pangako ng Dios, na sa katuparan
ay maluwalhating nakapaghatid ng hindi kakaunting kaluluwa sa buhay na walang
hanggan.
![]() |
| Scrolls of Tanakh |
Sa King
James na bersiyon ng Tanakh – ang Torah ay isinalin sa tawag na “kautusan (instructions/law),” samantalang
ang Nevi’im ay mababasa sa salin na “Propeta (Prophet),” at ang Ketuvin ay tumutukoy ng ganap sa “Kasulatan (scripture).”
Ang tinutukoy sa itaas ay ang pamagat ng mga aklat ng Tanakh na mababasa sa ibaba,
TANAKH BOOKS
Torah (Kautusan) - Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy.
Nevi’im
(Propeta) - Major: Isiah, Jeremiah, Ezekeil.
Minor: Hosea, Joel, Amos, Obadiah, Jonah, Micah, Nahum, Habakuk, Zephaniah, Haggai,
Zachariah, Malachi
Former: Joshua, Judges, Samuel, Kings
Former: Joshua, Judges, Samuel, Kings
Ketuvim(Kasulatan) - Wisdom
: Psalm, Proverbs, Job.
Scrolls : Song of Songs, Ruth, Lamentations, Ecclesiastes, Esther
Histories: Daniel, Ezra, Nehemiah, Chronicles.
Sa mga bumalangkas
at nagsigawa nitong tinatawag na Bagong Tipan (New Testament) ay naging isang
kalihiman ang tungkol sa usaping ito, na may kinalaman sa Torah, Nevi’im at Ketuvim. Sapagka’t iyan ay isinalin
nila sa katawagang Kautusan, Propeta, at Kasulatan.
Dahil diyan ay hindi naging malinaw sa bumabasa ng nabanggit na aklat ang mga
mahahalagang usapin na may ganap na kilaman sa mga iyon.
Labels:
5 Books of Moses,
Books of Propehts,
Books of Writings.,
Ketuvim,
Nevi'im,
Torah
Lunes, Disyembre 15, 2014
AMANG MAKALUPA AT AMANG MAKALANGIT
![]() |
| Proclaim His Holy Name Bible |
Mula sa mga balumbon ng hindi kakaunting
banal na kasulatan (Tanakh) ay
napakaraming ulit (6,519) na mababasa ang pangalan ng kaisaisang Dios ng langit. Ano
pa’t upang ang pangalang iyon ay hindi mabanggit sa walang kapararakang
kadahilanan ay hinalinhan ng kataastaasang
pamimitagang panawag (adonay [Lord]).
Gayon ma’y minsang nabanggit sa aklat ng
propeta Isaias ang salitang Ama, na
tumutukoy sa Dios, na Siya’y tinawag niyang
manunubos.
Gaya ng nasusulat,
ISA
63 :
16 Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami
kilala ng Israel: ikaw, Oh Yehovah, ay aming
Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.
(Doubtless
thou art our father, though Abraham
be ignorant of us, and Israel acknowledge us not: thou, O Yehovah, art our father,
our redeemer; thy name is from everlasting.)
Gayon din mula sa bibig ni propeta Malakias ay namutawi ang mga sumusunod na katuwiran ng Dios. Na sinasabi,
MAL 2 :
10 Wala baga tayong lahat na isang AMA? hindi baga isang DIOS ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang?
(Have we not all one father? hath not one God created us? why do we deal treacherously every man against his brother, by profaning the covenant of our fathers?)

Ang salitang Ama ay maituturing na isang
pangkalahatang pamimitagang panawag.
Ito’y dahil sa ginagamit ng sinoman patungkol sa biyolohikal niyang tatay. Ang
ibig sabihin ay maaaring ipatungkol sa amang makalupa at sa Amang makalangit.
Alinsunod sa kadahilanang nasa itaas ay hindi katanggaptanggap na sabihing iyan (Ama) ang karapatdapat na panawag sa kaisaisang Dios (YHVH) ng langit. Hindi gaya ng “adonay” na kataastaasang pamimitagang panawag, na kapag binanggit ninoman ay direktang tumutukoy sa kaisaisang pangalan lamang na pag-aari ng kaisaisang Dios ng langit.

Amang makalangit,
Amang makalupa,
Pangalan ng Dios,
Yehovah
Huwebes, Nobyembre 27, 2014
LORD, Lord, lord
Ang bahagi niyan
sa katotohanan ng Dios ay napakahalagang umabot sa kamalayan
at pang-unawa ng lahat, sa dahilang iyan ay kinatamaran, o nakaligtaan na
siyasatin at alamin ng marami. Dulo niyan ay hindi kakaunti ang mga
nakapangaral ng katuruang pangkabanalan na kaakibat ang pagpapawalang halaga sa
hindi kakaunting panimulang kaalamang biblikal,
Gaano man
kalinis sa kaniyang akala ang hangarin ninoman, kung ang kaalaman na ipinapaabot niya sa
marami ay lihis sa katotohanan - tunay ngang siya'y hindi nakakatulong, bagkus
ay nakakaladkad niya ang kaniyang kapuwa sa kapahamakan ng sarili nitong
kaluluwa.
Ang mga payak na salita (LORD, Lord, lord) na nabanggit ay tila naging isang napakalabong tanawin sa lubhang nakakarami. Sapagka't sa kawalang malay sa tunay na kahulugang biblikal ng mga iyan ay mahihirapan na tayong bilangin pa ang mga tao na nangalihis sa totoong landas ng kabanalan sa kalupaan. Simple nga lamang ang mga salitang iyan, gayon may gumaganap ng lubhang napakahalagang layunin sa kabuoan nitong balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh).

Lunes, Nobyembre 17, 2014
AKING AMA, INYONG AMA, ATING AMA
Gayon ngang hindi maikakaila na ang katuruang iyan ay tila binibigyang diin ng ilang katunayang biblikal. Gaya halimbawa ng sumusunod na pahayag ng kagalangalang na San Juan hinggil sa usaping ito, na sinasabi,
JUAN
3 :
18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi
hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya
SUMAMPALATAYA SA PANGALAN NG BUGTONG NA
ANAK NG DIOS. (Juan 1:18,
1Juan 4:9)
(He
that believeth on him is not condemned: but he that believeth not is condemned
already, because he hath not believed in the name of the only begotten Son of God.)
Sa talata ay hindi mahirap mapag-unawa
na ang nagsasalita ay walang iba, kundi ang kagalanggalang na San Juan.
Winika niya, na may bugtong, o nag-iisang Anak ang Dios
na nararapat sampalatayanan, upang ang sinoman gumawa ng gayon ay hindi pumasok
sa paghatol.
Yamang ang pahayag na nilalaman ng Juan 3:18 ay mula lamang sa sariling pagmamatuwid ng kagalanggalang na San
Juan. Maipasisiya na iyan ay matapat na opinyon lamang niya, na naglalahad ng
mga bagay na ayon lamang sa abot ng kaniyang kamalayan, o pagka-unawa.
Gayon ma’y hindi maituturing na ang nabanggit na pahayag ay sinasang-ayunan ng katotohanan, hanggang hindi iyan napapatotohanan sa pamamagitan ng mga katunayan na mismo ay sinalita ng sariling bibig ng Cristo.

Sa usapin ngang ito ay makikita ang
panig ng ganap na kinauukulan laban sa panig ng isang saksi. Na ang ibig
sabihin ay ang tuwirang testimoniya ng isa
(Jesus) hinggil sa likas niyang kalagayan, laban sa pahayag ng isa (Juan) na kilala sa pagiging isang katiwatiwalang
saksi.
Narito, at kung ang Cristo mismo ang ating kukunan ng pahayag hinggil sa tunay niyang
likas na kalagayan ay ano kaya ang matuwid na maisasagot niya sa atin?
Gaya nga ng katotohanang nasusulat ay kaniyang sinabi,
AKING AMA
38 Sinasalita ko ang mga bagay na aking nakita
sa AKING AMA: ....
(I
speak that which I have seen with my Father:)
Sa talata ay madiing winika ng
panginoong Jesucristo, na sinasalita lamang niya ang mga bagay na kaniyang
nakita mula sa KANIYANG AMA.
At sinabi pa,
MATEO 16 :
17 At sumagot si Jesus at sa kaniya'y
sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng
laman at ng dugo, kundi ng AKING AMA NA
NASA LANGIT.
(And
Jesus answered and said unto him, Blessed art thou, Simon Barjona: for flesh
and blood hath not revealed it
unto thee, but my Father which is in
heaven.)
MATEO 18 :
10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang
halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang
kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng AKING AMA NA NASA LANGIT.
(Take
heed that ye despise not one of these little ones; for I say unto you, That in
heaven their angels do always behold the face of my Father which is in heaven.)
MATEO 18 :
19 Muling sinasabi ko sa inyo, na kung
pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang
hihingin, ay gagawin sa kanila ng AKING
AMA NA NASA LANGIT.
(Again
I say unto you, That if two of you shall agree on earth as touching any thing
that they shall ask, it shall be done for them of my Father which is in heaven.)
Ang mga iyan ay patotoo mula sa sarili
niyang bibig na nagsasabing, siya nga ay walang alinlangan na Anak ng kaisaisang Dios na nasa langit. Gayon ma'y napakaliwanag na hindi kailan man niya inari na siya lamang ang nag-iisa, o ang bugtong na anak ng Dios.
Karagdagang referensiya:
Mateo 20:23, 24:36, 25:34, 26:39, 26:53.
Juan 5:17, 6:32, 6:65, 8:19, 8:28, 8:38, 8:49,
8:54, 10:17, 10:18, 10:29, 10:30, 10:32, 10:37, 12:26, 14:7, 14:12, 14:20,
14:21, 14:23, 14:28, 15:1, 15:8, 15:15, 15:23, 15:24, 16:10, 18:11, 20:17,
20:21, 20:27.
Ano pa’t sa kabila ng pahayag ni San Juan, hinggil sa pagiging bugtong na
anak ng Dios nitong si Jesus ay mababasa sa sumusunod na
patibayang aral, na hindi gaya ng kaniyang minamatuwid ang inilahad ng Cristo hinggil sa usaping ito.
Mababasa sa ibaba ang hindi kakaunting
talata ng kasulatan (bibliya) na
nagbibigay diin sa katotohanang hindi lamang siya ang Anak ng Dios,
kundi,
INYONG AMA
16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap
ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang
luwalhatiin ang inyong Ama na nasa
langit.
(Let
your light so shine before men, that they may see your good works, and glorify your Father which is in heaven.)
Mat
5 :
45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't
pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan
sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
(That
ye may be the children of your Father
which is in heaven: for he maketh his sun to rise on the evil and on the good,
and sendeth rain on the just and on the unjust.)
Mat
5 :
48 Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.
(Be
ye therefore perfect, even as your
Father which is in heaven is perfect.)
Karagdagang referensiya:
Isang
katotohanan na matuwid nating panghawakang matibay, na may diing sinalita ng
sariling bibig ng Cristo, na ang
kausap niyang mga alagad sa mga sandaling iyon ay pawang mga anak ng Dios din naman. Dahil kaniyang sinabi sa
kanilang lahat,
“Inyong Ama.”
Sa katunayang biblikal ngang iyan, na mismo ay iniluwal ng sariling bibig ng panginoong Jesus ay sukat, o sapat na, upang mapatotohanang hindi lamang siya ang anak ng Dios, kundi pati na rin ang lahat ng mga kausap niyang alagad.
Sa madaling salita ay hindi sinasang-ayunan ng mga salitang ipinangaral ng panginoong Jesucristo ang pangsariling opinyon ng kagalanggalang na San Juan na inilahad niya sa Juan 3:18.
Kung gayon, saan man at kailan man ay hindi lumapat sa katotohanan na inaayunan ng ating Ama ang salitang “Bugtong na Anak ng Dios,” na ipinatutungkol sa pangionoong Jesus.
Sa
pagpapatuloy ay kinakailangan ngang susugan pa ng ilang patibayang katuruan na
nagbibigay diin, na hindi lamang ang panginoong
Jesus ang Anak ng Dios, kundi ikaw, ako, at tayong lahat na nananahan sa munting
bahagi ng dimensiyong ito ng materiya.
Gaya ng
nasusulat ay sinabi,
AMING AMA
16 Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami
kilala ng Israel: ikaw, Oh Yahovah, ay aming
Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.
(Doubtless
thou art our father, though Abraham
be ignorant of us, and Israel acknowledge us not: thou, O Yahovah, art our father,
our redeemer; thy name is from everlasting.)
Sa talata ngang
iyan na sinalita ng sariling bibig nitong si Propeta Isaias ay napakaliwanag na
ang tinutukoy niyang anak ng Dios ay
hindi lamang tumutukoy sa iisa, kundi sa lahat ng tao sa kalupaan.
Gayon nga rin
na madiing iniutos nitong Espiritu ng
Dios na nasa kalooban ng panginoong Jesus
ang mga sumusunod,
MAT
6 :
9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit
ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
(After
this manner therefore pray ye: Our
Father which art in heaven, Hallowed
be thy name.)
Diyan nga ay
higit pang maliwanag sa katanghaliang tapat na tayo ay kailangang manalangin sa
AMA NATING NASA LANGIT. Na ang
ibig sabihin ay hindi lumalapat sa iisa ang salitang anak, o Anak man, kundi
iyan ay ganap na tumutukoy sa sangkatauhan.
Sa nilalaman nga ng talatang iyan (Mat 6:9) ay iniuutos ng Espiritu sa kalooban ng panginoong Jesus, na ang lahat ng tao sa kalupaan ay matutong manalangin ng direkta sa ating Ama na nasa langit.
Sa nilalaman nga ng talatang iyan (Mat 6:9) ay iniuutos ng Espiritu sa kalooban ng panginoong Jesus, na ang lahat ng tao sa kalupaan ay matutong manalangin ng direkta sa ating Ama na nasa langit.
Sa pagwawakas
ng akdang ito ay narito, at mismong ang panginoong
Jesus sa kaniyang sarili ang nagsabi, gaya ng nasusulat,
JUAN
20 :
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong
hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking
mga kapatid, at sabihin mo sa
kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.
(Jesus
saith unto her, Touch me not; for I am not yet ascended to my Father: but go to
my brethren, and say unto them, I ascend unto my Father, and your Father;
and to my God, and your God.)
Kung
pakikinggan nga natin ang katotohanang binibigyang diin ng panginoong Jesucristo sa talatang (Juan 20:17) iyan, na sinasabing,
“Ama
natin ang kaniyang Ama, at Dios natin ang kaniyang Dios”
Sukat na nga
iyan, upang panindiganan natin ng lubhang matibay ang katotohanan, na SIYA (Jesus), AKO, IKAW, at TAYONG
LAHAT na nananahan sa kalupaang ito ay pawang mga anak ng Dios.
Kaya nga ang
kagalanggalang na San Juan ay
nagsabi,
1 JUAN 5 :
2 Dito’y ating nakikilala na tayo’y
nagsisiibig sa MGA ANAK NG DIOS, pagka tayo’y nagsisiibig sa DIOS at TINUTUPAD NATIN ANG KANIYANG MGA UTOS.
(By this we know that we love the children
of God, when we love God, and keep his commandments.)
Ang salita
ngang iyan ay sinalita din ng kagalanggalang na San Juan, na kung uunawaing mabuti ay hayagang sinasalungat ang
sarili niyang pahayag sa Juan 3:18. Gayon
ma’y isang madiing patotoo naman sa kapahayagan hinggil sa likas na kalagayan
ng Cristo, na nagsasabing,
“Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.”
Kaya nga matuwid sa lahat na saliksikin
at pag-aralan ang mga balumbon ng mga banal na kasulatan, upang ang malabong
usapin na gaya niyan ay mapagtuonan ng kaukulang tanglaw ng kaliwanagan.
Ang opinyon ay palapalagay lamang, at gaano man ang paglapat nito sa kinauukulan. Higit pa ring sumasang-ayon sa katotohanan ang mismong pahayag ng sinomang pinatutungkulan ng alin mang akala.
Anomang akala na ipinatutungkol sa sinoman ay hindi kailan man sinasang-ayunan ng katotohanan, at ito'y napapawalang kabuluhan sa sandaling ang taong (Jesus) tinutukoy ay magpahayag ng totoo na hindi pagsang-ayon sa akalang iyon.

Hinggil naman sa paglalahad ng
katotohanan na sinalita mismo ng sariling bibig ng Cristo. Sa ibang dako, huwag nga rin nating bigyang katuwiran ang inilahad na
pagmamatuwid (evangelio ng di-pagtutuli)
ng sinoman. Dahil sa ibang evangelio ay napipilipit ang Katuruang Cristo, bunga nito ay nakakaladkad ang kaluluwa ng marami sa tiyak na
kapahamakan.
Tungkol nga sa nararapat at matuwid na ganaping katuruang pangkabanalan (Katuruang Cristo) sa kalupaan ay iniutos ng kaisaisang Dios, na ang lahat ay makinig
at sumunod sa iisa lamang, gaya ng nasusulat,
Na sinasabi,
MAT
17 :
5 ...... Ito ang sinisinta kong anak, na siya
kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
(.....This is my beloved Son, in whom I am well
pleased; HEAR YE HIM.)
Narito, at sa
tanggapin man, o hindi ng sinoman ay tungkulin ng lahat na sundin at isabuhay ang
mga salita (katuruang Cristo) na
siyang ipinangaral ng sarili niyang bibig sa akdang ito. Na ang katawagang “ANAK,”
ay katotohanang sangkatauhan
ang ganap na kinatutuparan. Isang malaking kamalian sa makatuwid na sabihing,
Doon nga tayo sa salita ng sariling bibig ng panginoon Jesus na nagsasabing siya ay hindi gayon, kundi siya’y isa lamang sa mga naging banal na anak ng Dios na minsan ay umiral ang eksistensiya sa kalupaan.
Ang kagalangalang na San Juan ay naglahad nga ng matapat niyang opinyon, hinggil sa likas na kalagayan ng panginoong Jesucristo bilang "Bugtong na Anak ng Dios". Nangyaring ang pahayag niyang iyon ay hindi sinang-ayunan ng mga patotoo na mismo ay sinalita ng Cristo.
Magkagayon man ay hindi maituturing na isang kasinungalingan ang kay San Juan, bagkus iyon ay isang hindi sinasadyang pagkakamali lamang. Iyan ay dahil sa kakapusan niya ng kaalaman sa mga patotoo ng banal na Espiritu na nasa kabuoan ng panginoong Jesus hinggil sa tunay niyang likas na kalagayan.
Ang mahigpit na kautusan ng Ama nating nasa langit na mababasa sa Mateo 17:5 ay sa salita ng sariling bibig ni Jesus lamang tayo dapat makinig. Kaya kung katuwiran din lang naman ng Dios ang ating pagbabatayan, ay wala kaming nakikitang anomang balidong kadahilanan, upang paniwalaan na si Jesus ay "bugtong na anak ng Dios." Sapagka't madiing ipinahayag ng sariling bibig ni Jesus sa Juan 20:17,
Tungkol sa usaping ito, kung ang pakikinggan natin ay ang mismong pinatotohanan (Juan 20:17) ni Jesus sa likas niyang kalagayan bilang tao, ay masiglang umaayon at may galak sa puso na sumusunod nga tayo kay Jesucristo sa pamamagitan ng pakikinig sa KATURUANG CRISTO.
Datapuwa't kung ang bibigyan ng halaga ninoman ay ang kalagayang ayon lamang sa opinyon ni Juan, Lucas, Marcos, o maging si Pablo man, na tumutukoy sa di umano ay pagiging "bugtong na anak ng Dios ni Jesus." Ang kalalabasan niyan ay magiging laban na nga iyan sa KATURUANG CRISTO, at ang sinomang hindi sumasang-ayon diyan ay wala ngang alinlangang ang taong iyon ay maliwanag na dumadako sa kasuklamsuklam na kalagayan ng mga ANTICRISTO.
“Si Jesus ay bugtong na anak ng Dios.”

"Na siya ay may mga kapatid, at ang kaniyang Ama ay Ama din natin, at ang kaniyang Dios ay Dios din naman natin."
Tungkol sa usaping ito, kung ang pakikinggan natin ay ang mismong pinatotohanan (Juan 20:17) ni Jesus sa likas niyang kalagayan bilang tao, ay masiglang umaayon at may galak sa puso na sumusunod nga tayo kay Jesucristo sa pamamagitan ng pakikinig sa KATURUANG CRISTO.
Datapuwa't kung ang bibigyan ng halaga ninoman ay ang kalagayang ayon lamang sa opinyon ni Juan, Lucas, Marcos, o maging si Pablo man, na tumutukoy sa di umano ay pagiging "bugtong na anak ng Dios ni Jesus." Ang kalalabasan niyan ay magiging laban na nga iyan sa KATURUANG CRISTO, at ang sinomang hindi sumasang-ayon diyan ay wala ngang alinlangang ang taong iyon ay maliwanag na dumadako sa kasuklamsuklam na kalagayan ng mga ANTICRISTO.
2JUAN 1 :
9 ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
Sa pagtatapos ng akdang ito, gaya ng nasusulat sa 2Juan 1:9 ay KATURUANG CRISTO pa rin ang dapat paniwalaan at tindigan ng lahat bilang katotohanan na sumasa Dios. Ang nasasaad sa Juan 1:1-2, 14, at sa Juan 3:18, etc, kung gayon ay personal na pananaw lamang ng apostol na si Juan.
Dahil diyan, maging si Lucas, o si Marcos, at si Pablo man, na nagpapahayag ng pangsarili nilang pananaw na hindi sinasang-ayunan ng KATURUANG CRISTO ay hindi nararapat pakinggan.
Patuloy nawang tamuhin ng bawa’t isa ang masaganang bugso ng biyaya at pagpapala ng langit, na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unwa, at sagad na buhay sa kalupaan tungo sa buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng Ama nating nasa langit.

Hanggang sa
muli, paalam.
Miyerkules, Oktubre 15, 2014
PAG-IBIG SA DIOS
Mula
sa maningning na alapaap ay sinalita ng Dios ang mga sumusunod,
MAT 17 :
5 .... ITO
ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
Isang napakaliwanag na katotohanan, na ang pagpapayahayag ng pag-ibig sa Dios ay ang maluwalhating pakikinig sa mga turo at utos na nagmula mismo sa sariling bibig ng Cristo. Palibhasa'y sa Espiritu ng Dios ang salita (turo at utos), samantalang ang tinig ay mula sa sariling bibig ng kaniyang mga banal.
Sa ikapagtatamo ng matuwid hinggil sa larangan ng tunay na kabanalan ay walang anomang nararapat na gawin ang sinoman, kundi ang pakikinig at pagsasabuhay sa mga UTOS at KATURUANG PANGKABANALAN, na sa natatanging kapanahunan ay may katapangang ipinangaral ng sariling bibig ni Jesucristo.

Gayon ma’y hindi
maaari na makasunod ang marami sa utos at turo ng Dios na isinatinig ng Cristo,
sapagka’t hindi kakaunti ang mga tao na walang nadaramang pag-ibig sa Dios.
Kahi man sila’y nagsasabing mga alagad at mangangaral ni Jesus ay hindi naman
nakikita sa kanila ang mga tanda ng pag-ibig na nararapat nilang iukol sa Dios. Lumalabas ngang sila’y mga sinungaling at palalo, dahil sa taliwas ang
kanilang ginagawa sa kanilang ipinangangaral na salita.
Sa gayo’y anu-ano
nga ba ang maaring gawin ng sinoman, upang sa kaniya ay masumpungan ang pag-ibig
na nararapat ituon ng sinoman sa Panginoong Dios.
Hinggil sa usaping
ito ay madiing sinabi, gaya ng nasusulat,
JUAN 14 :
21 ANG
MAYROON NG AKING MGA UTOS, AT
TINUTUPAD ANG MGA YAON, AY SIYANG UMIIBIG SA AKIN: at ANG
UMIIBIG SA AKIN AY IIBIGIN NG AKING AMA, at siya'y
iibigin ko, at ako'y
magpapakahayag sa kaniya.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)

.jpg)

.jpg)
.jpg)