Narito, at sa natatanging kapanahunan nitong
si Jesus ay mariing isinatinig ng sarili
niyang bibig, na ikaw, ako, at tayong lahat na mga tao mula sa apat (4) na direksiyon ng daigdig ay pawang
mga anak ng Dios (Juan 20:17). Ito’y isang katotohanan
na nararapat panghawakan ng lahat, palibhasa’y katuwiran na sinalita nitong Espiritu ng Dios na sa panahong yao’y
masiglang namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban. Gayon ma’y higit na
marami ang sumasalungat sa bagay na ito, dahil iisa lamang ang kinikilala
nilang anak ng Dios at siya’y walang
iba kundi si Jesucristo. Ito'y nang ipikit nila ang kanilang mga mata sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal na naghahayag ng tunay na
kaugnayan ng mga tao sa Dios.
Sa balumbon ng mga kasulatan na isinatitik ng
mga totoong banal ay may sinalita hinggil sa Espiritu ng Dios na umano’y gumagawa ng kaniyang mga gawa, gamit
ang katawang pisikal nitong si Jesus, at tungkol dito ay masiglang
winika ang mga sumusunod na katuwiran.






