Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang tahimik ngunit matibay na patotoo sa Katuruang Cristo—nakatuon sa Christology, katarungan, at hantungan ng tao. Hindi ito umaasa sa ingay o debate, kundi sa linaw, kaayusan, at paninindigan ayon sa Espiritu ng Diyos na kumilos kay Jesus.
Huwebes, Hunyo 16, 2011
JESUCRISTO, DIOS NG MGA GENTIL
Labels:
Ang tagapagtayo ng Iglesia,
Aral ni Jesus,
Buhay,
Ilaw,
Kapangyarihan,
Karunungan,
Katotohanan,
Likas na kalagayan ni Jesus,
Pag-ibig,
Paglikha,
Propeta
Martes, Hunyo 14, 2011
JESUS, ALAY NG MGA GENTIL?
S
|
a Heb 8:3-5 ay sinasabing ang mga dakilang saserdote na ayon sa kautusan ay inilagay upang magsipag-alay ng mga handog at mga hain. Kinakailangan din naman ayon sa pahiwatig ng may akda, na itong si Jesus ay magkaroon ng anomang ihahandog. Datapuwa’t kung siya nga’y nasa lupa ay hindi siya maituturing na saserdote sa anomang paraan. Sapagka’t aniya’y mayroon ng mga saserdote na nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa mga kautusan, na umano’y nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan.Ang tanong namin hinggil dito, yamang itong si Jesus ay nasa lupa pa ng panahong yaon ay hindi baga maaaring mapabilang siya sa kanila na nagsisipaghandog ng mga kaloob at ng mga hain? Kung hindi nga maaari ay bakit isinaysay ng may akda ng sulat sa mga Hebreo at ni Pablo ang mga sumusunod na pahayag?
Linggo, Hunyo 12, 2011
ANG KAUKULANG PANANAMPALATAYA KAY JESUS
10 HINDI KA BAGA NANANAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
11 MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN: o kundi kaya’y MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN DAHIL SA MGA GAWA RIN.
12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYA ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.
Labels:
Aral ni Jesus,
Katotohanan,
Religion
Miyerkules, Hunyo 8, 2011
KARUMALDUMAL NG MGA EGIPCIO at (Pag-asa ng masama sa kaligtasan)
Ang tanging layunin ng ating Ama ay ilagay sa wastong pamumuhay ang lahat niyang mga anak, kaya nga nang alisin niya sa pagkaalipin ng Egipto ang boong sangbahayan ni Israel ay nagbigay siya ng mga kautusan, at mga palatuntunan. Sapagka’t sila’y nangahawang lahat sa hindi kakaunting karumaldumal na kinawiwilihan ng mga Egipcio, na sa kanila’y umalipin ng lubhang mahabang mga panahon.
Na kung iisaisahin ay ayon sa mga sumusunod,
1. Ang pagkakaroon ng ibang mga dios.
1. Ang pagkakaroon ng ibang mga dios.
2. Ang pagsamba sa mga likhang larawan (idulo/rebulto) ng mga diosdiosan.
3. Ang pagbanggit sa pangalan ng Dios sa walang kapararakan.
4. Ang pagpapawalang kabuluhan sa mga kapanahunan ng Sabbath.
5. Ang paglapastangan sa Ama at Ina.
6. Ang pagpaslang (pagpatay) ng kapuwa.
7. Ang pangangalunya (pakikiapid).
8. Ang pagnanakaw.
9. Ang pagsaksi ng kasinungalingan laban sa kapuwa.
10. Ang pagiimbot sa asawa ng iba at anomang pagaari ng kapuwa.
Martes, Hunyo 7, 2011
ANG VERBO
S
|
i Jesus gaya ng iba pang banal na nabuhay sa kanikanilang kapanahunan, palibhasa’y pinamahayan at pinagharian ng Espiritu ng Dios sa kaniyang kalooban at kabuoan ay lumarawan sa kaniyang mga salita at gawa ang wangis at anyo ng ating Ama. Ang katotohanan, ilaw, pagibig, kapangyarihan, paglikha, karunugang may unawa, at buhay na walang hanggan, na siyang kaanyuan ng Dios sa bawa’t banal na nabuhay sa kalupaan.Nang pasimula nga ay ang verbo (salita), at ang verbo ay sumasa Dios at ang verbo ay Dios. Gayon nga na nang pasimula ay salita na siyang katotohanan, ilaw, pagibig, kapangyarihan (lakas), paglikha (paggawa), karunungan, at buhay.
Ang salita ngang lumalapat sa mga ito’y sumasa Dios, at Dios sa kaniyang anyo at likas na kalagayan. Sa gayo’y nagkatawang tao ang verbo (salita) at tumahan sa gitna ng mga tao. Sa makatuwid baga ay ang taong si Jesus?
Hindi nga ang gayon, kundi ito’y nagkatawang tao o namahay at naghari sa kalooban at kabuoan ng sinomang kinilala ng ating Ama sa larangan ng tunay na kabanalan.
Hindi nga ang gayon, kundi ito’y nagkatawang tao o namahay at naghari sa kalooban at kabuoan ng sinomang kinilala ng ating Ama sa larangan ng tunay na kabanalan.
Labels:
Aral ni Jesus,
New Testament,
Religion,
Verbo
Lunes, Hunyo 6, 2011
AKO’Y ALIPIN AT APOSTOL NI JESUCRISTO
1 Si Pablo na ALIPIN NI JESUCRISTO, na TINAWAG NA MAGING APOSTOL, ibinukod sa EVANGELIO NG DIOS,
1 Cor 1 :
1 Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid.
2 Cor 1 :
1 Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa bayan ng Acaya.
Gal 1 :
Gal 1 :
1 Si PABLO, na APOSTOL (hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na siyang sa kaniya’y muling bumuhay),
Labels:
Aral ni Jesus,
Katotohanan,
Religion
Linggo, Hunyo 5, 2011
SIMBOLISMO NG TUPA AT NG KAMBING Kilalanin ang mga Anti-Cristo?
ng tupa ayon sa banal na kasulatan ay tumutukoy ng maliwanag sa mga tao na nakikinig sa tinig (kautusan) ng Dios na siya nilang Pastor. Pinagpala ang mga tupa palibhasa’y nakikilala Niya sila at sa kanila’y inilalaan ang walang hanggang buhay sa kaharian ng langit, at yao'y sumisimbulo sa gawing kanan ng Dios, gaya mg nasusulat,
EZE 34
31 At kayong mga TUPA ko, na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.
JUAN 10 :
27 Dinidinig ng aking mga TUPA ang aking TINIG, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin.
Labels:
Aral ni Jesus,
Katotohanan,
Religion
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)



