Sinabi nga sa Juan 1:1, na sa simula ay Siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Iyan ay isang napakaliwanag na pahayag, dangan nga lamang ay hindi naging malinaw kung sino ang tinutukoy na "Siya" sa talata (Juan 1:1). Diyan ay hindi mahirap unawain na ang tinutukoy na panahon ay yaong "simula", at may tinutukoy na personalidad (Siya) na kumakatawan sa Verbo. Kasunod nito'y ipinahayag, na ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang tahimik ngunit matibay na patotoo sa Katuruang Cristo—nakatuon sa Christology, katarungan, at hantungan ng tao. Hindi ito umaasa sa ingay o debate, kundi sa linaw, kaayusan, at paninindigan ayon sa Espiritu ng Diyos na kumilos kay Jesus.
Huwebes, Disyembre 1, 2016
Miyerkules, Nobyembre 16, 2016
EMMANUEL (Isa 9:6)
Mula sa nauna at nakaraang artikulo (Emmanuel [Isa 7:14]) ay naging isang nakakagulat na katotohanan ang tanawin na iniluwal ng bukang liwayway. Na sa pagsikat ng haring araw ay nahayag sa ganap na liwanag ang mahahalagang dako na kay laon ng nakukubli sa sukdulan ng kadiliman.
Gayon din naman sa akdang ito ay kasamang malalahad sa pagkaayon sa matuwid ng Dios ang isa pang usapin, na umano'y naging eksaktong kaganapan ng propesiya, o hula ni Propeta Isaias hinggil sa batang ipinanganak sa katawagang Immanuel.
Gayon din naman sa akdang ito ay kasamang malalahad sa pagkaayon sa matuwid ng Dios ang isa pang usapin, na umano'y naging eksaktong kaganapan ng propesiya, o hula ni Propeta Isaias hinggil sa batang ipinanganak sa katawagang Immanuel.
Martes, Nobyembre 1, 2016
EMMANUEL Isa 7:10-16
Mula sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay masusumpungan ang ilang talata ng hula ni propeta Isaias hinggil umano sa pagsilang ng isang sanggol na lalake bilang tanda ng buong sambahayan ni David. Pinaniniwalaan ng marami na iyon ay naganap halos pitong daang (700) taon matapos na masiglang ipahayag ng nabanggit na propeta.
Kaugnay niyan ay matuwid siyasatin na may masusing pag-aanalisa ang pahayag sa aklat ni Propeta Isaias, na umano ay mga hula na tanging kay Yehoshua (Jesus) ng Nazaret lamang tumutukoy. Siya nga kaya ang katotohanan na kinatuparan ng nabanggit na hula?
Kaugnay niyan ay matuwid siyasatin na may masusing pag-aanalisa ang pahayag sa aklat ni Propeta Isaias, na umano ay mga hula na tanging kay Yehoshua (Jesus) ng Nazaret lamang tumutukoy. Siya nga kaya ang katotohanan na kinatuparan ng nabanggit na hula?
Sabado, Oktubre 15, 2016
ANG TANDA NG DIOS AT ANG TATAK NG HAYOP
Isang napakaliwanag
na tanawin sa munting bahaging ito ng dimensiyong materiya ang pag-iral ng
dalawang puwersa, na kung tawagin ay mabuti at masama. Anomang gawa na lubos
ang pagsang-ayon sa natatanging kalooban ng kaisaisang Dios ng langit ay
nabibilang sa dako ng mabuti. Kabaligtaran nito ay sa masama, palibhasa’y may
kalakip na pagpapawalang kabuluhan, pagsuway at paghihimagsik sa mga batas ng
Dios na matuwid sundin ng sangkatauhan.
Ang unang panig na kinatutuparan ng mabuti ay kilala sa tawag na
mga anak ng pagsunod, na tumatayo bilang kawan ng Dios. Ang pangalawa ay
dumadako naman sa hanay ng masama, na tanyag sa pagiging anak ng pagsuway(nadaya
ng masama), at nabibilang sa malaking kalipunan nitong kawan ng diyablo.
Gayon pa man ay
higit pa ring napakalaki ang bilang ng mga tao na nadadaya ng pangalawang
panig. Iyan ay dahil sa sila’y mahilig magpakunwari at magbalatkayo, na siya
nilang kadalubhasaan upang makalinlang ng marami at kaladkarin ang kaluluwa ng
sinoman sa tiyak na kapahamakan.
Kaugnay niyan,
lingid sa kaalaman ng marami ay may kanikaniyang pagkakakilanlan ang nabanggit
na dalawaang hanay, at iyan ay ang tanda ng Dios(mark of God), at ang tatak o
selyo ng hayop(seal of he beast). Ano pa’t mula sa husto at tamang pagkakilala
sa mga nabanggit na tanda at tatak, ay hindi magiging mahirap na mapag-unawa
kung saang hanay ang kinabibilangan ng sinoman sa kalupaan.
Huwebes, Setyembre 29, 2016
NR 005 SAN PABLO: PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?
![]() |
| Courtesy of Google Images |
PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, sirain, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din naman na nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.
Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios (katuruang Cristo) na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal.
Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios (katuruang Cristo) na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal.
Sa mga balumbon ng Tanakh, na tanyag sa katawagang Lumang Tipan ng Bibliya (OT). Isang napakahigpit na kautusan ng kaisa-isang Dios, na ang sinoman ay huwag masumpungan na nagdadagdag at nagbabawas ng Kaniyang mga salita, na isinatinig ng mga kinikilala Niyang tunay na banal.
Ang sinoman ngang masumpungan sa gayong
di makatotohanan at kasuklamsuklam na mga gawa ay tinatawag ng Dios na “SINUNGALING.” Sila’y
nagkakatipon na lahat sa dako ng mga nangaghihimagsik at nagpapawalang
kabuluhan sa natatanging katuwiran ng Ama
nating nasa langit. Sila kung gayon ay maipasisiya na nabibilang sa mga labis Niyang kinapopootan at pinatutungkulan
ng Kaniyang mga matutuwid na
kahatulan at masasaklap na kaparusahan.
![]() |
| Courtesy of Google Images |
Labels:
Dagdag/bawas,
Evangelio ng Kaharian,
Kasinungalingan,
Katotohanan,
Katuruang Cristo,
Katuruang Pablo
Sabado, Setyembre 3, 2016
BUHAY NA WALANG HANGGAN
Ang lahat ay
walang alinlangang naghahangad ng magandang pamumuhay hindi lamang sa kalupaang ito, kundi
higit sa lahat ay sa tinatawag nating kabilang buhay, na kung saan ay kasusumpungan ng kawalang katapusan ang pag-iral.
Ang mithiing
iyan, kadalasan ang kinahihinatnan ay hindi tulad ng inaasam na kabuhayang walang hanggan.
Sapagka’t marami ang nagkakamali ng daang tinatahak na sa kanila'y naglulunsad sa kabiguan, at nagiging
mapait na sanhi sa kapahamakan ng kanikanilang kaluluwa.
Sa usaping iyan,
ang karaniwang kinukunan ng balidong batayan ay ang mga matatandang kasulatan,
na siyang pinaniniwalang nagbibigay ng kaukulang kaparaanan, kung paano
makakamit ng sinoman ang inaasam-asam niyang buhay, na hindi nakakakilala ng
anomang katapusan, ni ng hangganan man.
Kaugnay niyan ay
malugod sa puso na ipinahayag ng Cristo ang lihim na kumakanlong sa buhay na
walang hanggan na maaaring matamo ng kaluluwa ninoman. Dangan nga lamang ay
higit pang pinaniwalaan ng marami ang kathang turo ng tao, kay sa mga leksiyon
(evangelio ng kaharian) na mismo ay sinalita at ipinangaral ng sariling bibig
ng Cristo. Bagay na ngayo’y lalapatan ng may kahustuhang paglilinaw at ng kaukulang
paglalahad nitong mga sagradong aral ng Katuruang Cristo.
Labels:
Buhay na Walang Hanggan,
Everlasting Life
Miyerkules, Agosto 17, 2016
TULAD SA DAMI NG BUHANGIN
Sa pagdaraan ng mga kapanahunan ay patuloy na dumadami ang populasyon ng sangkatauhan, gaya ng isang masiglang kaganapan na tila hindi na magkakaroon pa ng takdang katapusan. Sa una nga ay isang tao lamang, na sinundan pa ng isa at nagsimulang magpakarami na maihahalintulad sa bilang ng buhangin sa baybayin ng dagat.
Narito at ating tunghayan,
Narito at ating tunghayan,
ANG TATLONG MAGKAKAIBANG KAPARAANAN NG DIOS SA PAGLALANG NG TAO
1. Mula sa unang paglalang ng kaisaisang Dios ng langit ay naitala ang kasaysayan, na Siya ay kumapal ng alabok upang anyuan ang unang lalake na tinawag niyang Adan.
Gen 2 :
7 At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.
7 At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.
Labels:
Lumalang mula sa Lupa,
Lumalang mula sa Sinapupunan,
Lumalang mula sa Tadyang,
Singdami ng Buhangin
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)






