Lunes, Mayo 1, 2017

HINDI NABAGO KAILAN MAN ANG KAUTUSAN

Mula sa sali't saling sabi, o nitong tradisyonal na doktrinang pangrelihiyon ay tahasang winiwika ng marami, na ang sampung (10) utos ng Dios ay binago na ni Jesus ng Nazaret. Bagay na naging bukang bibig ng karamihan, na tila baga isang may kahustohang paglalahad na lubos ang pagsang-ayon ng katotohanan na sumasa Dios.

Totoo nga kaya ang nakasanayan ng paglalahad na iyan ng marami? Na ang kautusan, kahi man ang mga iyon ay madiing winika ng kaisaisang Dios na nangatatatag magpakailankailan man ay nangyaring nabago at nahalinhan ng dalawang (2) utos na lamang?


Sa akdang ito ay lalapatan ang usaping iyan ng mga nagtutumibay na katunayang biblikal, na saan man at kailan man ay hindi maaaring itanggi, ni pasinungalingan man ng kahit sino sa kalupaan. Mula sa mga katunayang biblikal na iyan ay tatanglawan ang mga dako na kay laon ng nalalambungan ng sukdulang kadiliman. Sa gayo'y lalabas ang tanawin, na binibigyang diin ng katuwirang sumasa Dios. Na ang usaping may kinalaman sa pagbabago ng kautusan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh).

Linggo, Abril 16, 2017

Pablo, Apostol nga ba ng Cristo?

May madiing pahayag ang karamihan hinggil sa mga salita na nasusulat sa bibliya. Ang lahat anila ng nilalaman nito ay inspirado ng Espiritu Santo. Dahil diyan ay pinaniniwalaan ng marami, na ang buong nilalaman ng aklat na iyan ay lumalapat sa katotohanan at tinitindigan ng marami na pawang mga aral ng Dios. Iyan sa makatuwid anila ay tagapaglunsad ng sinoman sa dakilang larangan na tumutukoy ng ganap sa tunay na kabanalan.

Datapuwa't ang pananaw na iyan ay ayon lamang sa mga sali't saling sabi ng mga tao, na kailan man ay hindi napatotohanan ng nakakarami. Kahi man nandiyan  ang presensiya ng banal na kasulatan (bibliya) ay iilan lamang ang matiyagang gumugol ng mahalaga nilang panahon, upang saliksikin sa aklat na iyan ang katotohanan hinggil sa makontrobersiyal na usaping ito.

Totoo nga kaya na katotohanan at pawang katotohanan lamang ang nasusulat sa bibliya, partikular ang tinatawag na bagong tipan nito. Palibhasa'y pinaniniwalaan na ang laman nito ay pawang mga salita ng Dios.

Kaugnay niyan ay simulan nating saliksikin ang kasulatan (bagong tipan) at ating patunayan bilang isang katanggaptanggap na halimbawa, kung ito bagang si Pablo ay totoo nga kaya na Apostol ng Cristo, o hindi. Talaga naman kasing nakakapagduda ang turo ng taong ito. Iyan ay dahil walang sinoman sa kasulatan na sa kaniya ay tumawag na "Apostol,"  kundi ang kaniyang sarili lamang. 

Linggo, Abril 2, 2017

SAAN NANGGALING ANG PISTA NG “EASTER”


Lighting of Easter Candles
Taun-taon, tuwing panahon ng tagsibul (Spring) ay ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang Mahal na Araw (Holy Week, Holy Days) at ito'y binubuo ng pitong (7) magkakasunod na araw mula Lunes hanggang Linggo. Ang huling araw nito'y tinatawag na Linggo ng muling pagkabuhay ni Jesucristo (Easter Sunday). Ang pistang nabanggit ay karaniwang tumatapat sa buwan ng Marso, kundi nama'y sa buwan ng Abril. Palibhasa, ang mga buwang ito'y sinasakop ng tagsibul (Spring) sa mga bansang may apat (4) na taunang yugto ng panahon. Ang Linggo na siyang huling araw ng kapistahan ay nakaugailang tawagin ng mga Ingles na 'Easter Sunday,' at kung saan nag-ugat ang salitang ito'y siya naming sa inyo ngayo'y liliwanagin.

Ang salitang “Easter” (Paskua ng Pagkabuhay) ay nag-ugat sa sinaunang relihiyong politeyismo (pagsamba sa maraming dios ng mga pagano), na sinasang-ayunang lubos at binibigyang diin  ng lahat ng mga iskolar. Ang salitang nabanggit ay hindi kailan man ginamit sa orihinal na kasulatan (Scriptures), at saan ma’y hindi nagkaroon ng kaugnayan sa anomang minamatuwid ng mga balumbon ng banal na kasulatan (biblia). Dahil dito ay tama lamang na gamitin ang terminong “Resurrection Sunday” (Linggo ng muling pagkabuhay) kay sa “Easter” (Paskua ng pagkabuhay), kung tinutukoy ang taunang pag-aalaala ng mga Kristiano sa pagkabuhay na muli ng Cristo.

Miyerkules, Marso 15, 2017

TANUNGIN NATIN SI PABLO

Narito, at mula mismo sa mga ipinangaral na mga salita nitong si Pablo ay maliwanag niyang tutugunin ng walang pag-aalinlangan ang ating mga katanungan sa kaniya. Malaking tulong sa sinoman ang ilang bagay na maliwanag niyang bibigyan ng kaukulang diin sa ating lahat. Dahil diyan ay lubos nating makikilala kung sino talaga ang personalidad na nakakanlong sa pangalan at katauhan niyang iyan.

Dito ay magiging isang matuwid na pamantayan ang sumusunod na kasabihan, gaya ng maliwanag na mababasa sa ibaba.

"Ang isda ay sa sariling bibig lamang nito nahuhuli ng kawil." 

Ngayon nga'y simulan natin ang pangangawil ng isda sa pamamagitan ng ilang katanungan na masigla at may pagmamapuri na nilapatan ni Pablo ng kasagutan, na ayon sa pangsarili lamang niyang pagmamatuwid. Masdan natin kung paano mahuhuli ng kawil ang sarili niyang bibig. 

Miyerkules, Marso 1, 2017

ESPIRITISMO SA ANYO NG DIYABLO

PAALALA:


Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang lumalapat sa kalagayan ng mga tunay na banal. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang simulain ng sinoman. 
Nawa, sana, bago kami husgahan ay paka-unawain nyo munang mabuti ang buong nilalaman ng artikulong ito.

Ang banal na Tanakh ng Dios (Old Testament) ay pinalalakas ang loob ng mga tagasunod ng Cristo, na labanan ang anomang pandaraya ng demonyo (satanas) at ng kaniyang mga kampon (diyablo). Mula sa mga pinagtagnitagni na mga kabulaanan ay pinaniniwala niya ang marami, na ang kaniyang mga kasuklamsuklam na sugo ay mga aktuwal na manggagawa ng kaisaisang Dios ng langit.

Ang demonyo ay naipapahamak ang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang mga hinirang na talaytayan (medium), na mga nagpapakilalang sisidlang hirang ng Espiritu ng Dios. Ang may kadayaan nilang aral ang siyang nagliligaw sa marami upang sila’y hindi magsisunod sa mga dakilang aral (Katuruang Cristo) pangkabanalan nitong balumbon ng mga banal na kasulatan (bibliya). Sila kung gayon ang isang kalipunan sa malaking bilang ng mga tao na malabis ang paghihimagsik sa natatanging kalooban (kautusan) ng Ama nating nasa luwalhati ng kalangitan.

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat ay tuwirang ipinag-uutos ng kaisaisang Dios ng langit ang mga sumusunod na mahihigpit niyang kabawalan.

Huwebes, Pebrero 16, 2017

PATOTOO NI JESUS, HINDI KATOTOHANAN (Juan 5:31)

Mula pa sa kapanahunan ng mga totoong saksi ng Cristo ay isang napakatibay na paninindigan ng marami ang ganap nilang paniniwala sa mga salitang ipinangaral mismo ng sariling bibig ni Jesus ng Nazaret. Gayon man ay hindi maikakaila, na ang mga salitang iyon ay may pangangailangan ng kaukulan at presisyong unawa, upang makita ng maliwanag ang husto at makatotohanang konteksto ng mga iyon.

Una sa lahat ay matuwid na maging isang malinaw na kaunawaan sa lahat, na ang Cristo ng Nazaret ay nasa likas na kalagayang tao. Na sa natatanging panahon niyang iyon, sa kabuoan niyang pagkatao ay masigla at makapangyarihang pinamahayan at pinaghaharian ng Espiritu ng Dios (Espiritu Santo). Mula sa kaluwalhatian ng langit, ang nabanggit na Espiritu ay bumaba at lumukob sa kaniya matapos na ang bautismo sa pagsisisi ng kasalanan sa ilog ng Jordan ay matamo niya  mula kay Juan Bautista.

Isang bagay na hindi napag-unawa ng marami mula noong una at hanggang sa kasalukuyan nating kapanahunan. Ang personal nilang palagay ay kay Jesus mismo ang mga salita na namutawi mula sa sarili niyang bibig. Dahil diyan ay sa kaniya nila ibinaling ang lubos na tiwala at pananampalataya, na ang ganap na kaukulan ay tanging sa tunay na Dios lamang. Gayon ngang siya’y ganap na kinilala at lubos na sinampalatayanan ng higit na nakakarami hindi sa likas na kalagayang tao, kundi sa pinakamatayog na pagkilala bilang isang tunay na Dios.

Miyerkules, Pebrero 1, 2017

AYUNO, KAILANGAN BA NATIN ITO?


AYUNO, KAILANGAN BA NATIN ITO?
Sa larangan ng tunay na kabanalan ay isa sa mga bagay ng Dios na nararapat bigyan ng kaukulang pansin ay ang pag-aayuno. Ang gawaing tumutukoy diyan ay lubos na sinasang-ayunan ng mga balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh). Diyan ay makikita na ang AYUNO ay isang kautusan sa sinomang TAO na nagnanais na makipag-isa sa natatanging kalooban ng Dios.

Sa panahon nating ito, kung masusing sisiyasatin ang kaalaman ng marami ay makikita ng napakaliwanag na ang pagka-unawa sa gawaing iyan ay wala sa kahustuhan. Dahil diyan ay niloob ng Espiritu ang maalab na pagnanais na bigyan ng kaukulang tanglaw ang usaping may ganap na kinalaman sa salitang iyan.