Biyernes, Enero 25, 2013

ROBIN HOOD SYNDROME


Paunang salita
Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin kailan man hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.

Sa alamat ng mga Ingles ng Inglatiera ay may ipinakilalang magaling at mapagkawang-gawang lalake, na umano'y nagkakanlong at naninirahan sa Sherwood Forest ng Nottinghamshire. Ang taong iyon ayon sa kuwento ay tanyag sa pagiging isang mamamana at eskrimador. Nitong unang bahagi ng ika-19 na siglo ay kinilala siya bilang isang “tulisan na dumadambong sa mayayaman at ipinamamahagi sa mahihirap ang mga kinulimbat niyang yaman.” Ito’y sa tulong ng pinamumunuan niyang pangkat ng mga bandido, na sikat sa tawag na Merry Men. Ang pulutong na iyon ay inilalarawan na taglay sa kanilang katawan ang Lincoln green na kasuotan.

Siya ay walang iba, kundi si Robin Hood (Robyn Hode sa mga lumang manuskrito),  na malabis ang pakikidalamhati sa kaawa-awang kalagayan ng mga kapos palad niyang kababayan. Sukat upang siya’y itulak ng damdaming iyon sa isang gawain na kailan ma’y hindi sinang-ayunan ng matuwid. Palibhasa, mula sa sampu (10) ay paglabag iyon sa pangwalong (8) kautusan ng Dios na may kahigpitan Niyang ipinatutupad sa lahat ng tao sa kalupaan.

Huwebes, Enero 10, 2013

ANG NAGLILINIS NG KASALANAN



Si Juan ay nangaral ng mga katuwiran ng Dios sa ilang. Ang marami sa nangakarinig ng salita ay napagkilala ang mga nagawa nilang paghihimagsik sa kalooban ng kaisaisang Dios. Sapat upang sila’y taos pusong magsipagsisi ng kanilang mga kasalanan. Dahil dito ay iginawad ni Juan sa kanila ang simbulo ng pagsisising iyon, na dili iba kundi ang saglit na paglulubog ng kanilang buong katawan at ulo sa tubig ng ilog Jordan.

Tubig ang elemento na naglilinis sa dungis ng mga nilalang sa mumunting bahaging ito ng demensiyong materiya. Ano pa’t ang masigla at may galak sa pusong pagtalima sa natatanging kalooban ng Dios (kautusan) ang siyang naglilinis ng mga kasalanan. Ang tubig pagdating sa kasalanan ay isang simbulo lamang at katotohanan na hindi ito ang lumilinis sa dungis ninoman, kundi ang pakikipag-isa sa mga salita (kautusan) ng kaisaisa nating Ama na nasa langit.

Tinawag ni Juan na bautismo sa pagsisisi ng kasalanan ang gawaing nabanggit sa kapanahunan niyang iyon. Bagaman ang buong katawan at ulo ang inilubog sa tubig ay hindi nito nilinis ang kasalanan, bagkus ay ang labas ng katawan lamang. Gayon man, ito’y nagpakita ng isang napakatibay na tanda, na ang kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi ay nahugasan at nalinis ng mga salita ng Dios na tumimo sa puso at tumatak sa kaisipan ninoman. Bakit? Sapagka’t pinatatawad ng ating Ama ang sinoman na taos sa puso ang pagsisisi sa kaniyang kasalanan.

Huwebes, Disyembre 27, 2012

ANG LIMANG (5) AKLAT NI MOSES

Paunang salita

Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.


Mula sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh or Miqra) na ipinagkatiwala ng kaisaisang Dios sa mga anak ni Israel ay masusumpungan ang mga dalisay na aral pangkabanalan. Lakip nito ang mga sagradong katuruang pangkaluluwa na naglalahad ng mga pamamaraan at ilang alituntunin sa ikapagtatamo ng kaligtasan. 

Ang Miqra (Tanakh) ay binubuo ng tatlong (3) dibisyon, ang Torah na Limang [5] Aklat ni Moses, Nevi'im (prophets), at Ketuvin (writings). Ayon na rin sa kasaysayang lakip ng Torah ay talaan iyan ng personal niyang karanasan sa pakikipag-ugnayang sa Espiritu ng Dios. 


Tampok sa mga nabanggit na aklat (Tanakh) ang masiglang pagpapakilala ng lumikha sa kalagayan ng kaisaisang Dios at Ama ng lahat ng kaluluwa. Gayon din ang tungkol sa pagsasabuhay ng kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Ang lahat ng kaluluwa na sumasa katawan (tao) sa makatuwid ay may tungkulin na tumupad, o gumanap sa natatangi niyang kalooban na binabanggit dito. Madiin ang pagkawika na ang ganting-pala sa sinomang maluwalhating magtatagumpay na makaganap ay ang pagtatamo ng buhay na walang hanggan ng sariling niyang kaluluwa. Sa Limang (5) Aklat ni Moses ay iyan ang mga itinalagang pangunahing gampanin na nararapat isabuhay ng sinoman sa kalupaan.

May mga gawang ikabubuhay ng kaluluwa, at iyan ang pagtalima sa nabanggit na kalooban ng Dios. Maliwanag kung gayon, na ang pagsalungat sa mga iyan ay nangangahulugan ng pagkapahamak, o kamatayan ng kaluluwa ninoman. Hindi lamang sa mga aklat ni Moses na iyan binibigyang halaga at diin ang tungkol sa mga gawaing nabanggit, kundi pati na rin sa hindi kakaunting banal na kasulatan (Ketuvim), gayon din sa mga isinatitik na pahayag (Nevi'im) ng mga totoong banal (propeta) ng Dios.

Kaugnay nito, ang kaisaisang layuning ng mga nabanggit na kasulatang pangkabanalan ay ituro lamang sa mga tao ang husto at wastong pagtalima sa mga natatanging kalooban ng Dios (kautusan, palatuntunan, at kahatulan) Gayon nga lamang kapayak (kasimple) ang ninanais ng ating Ama sa langit na gawin ng kaniyang mga anak sa kalupaan. Sa pagsunod sa kalooban (kautusan) niya ay may ilang bagay lamang na nararapat iwaksi ang bawa’t isa. Iyan ang kasinungalingan, dilim ng kaisipan, galit at panibugho, kahinaan, katamaran, kamangmangan, na naglulunsad sa kanino mang kaluluwa sa tiyak at masaklap na kamatayan.

Sa hindi lubhang kalaunan ay lumabas ang di umano ay ika-6 hanggang ika-10 aklat ni Moises, subali’t ang maliwanag na inilahad ng mga di kilalang kasulatang iyan ay ang hayagang pagsalungat sa kalooban ng Dios na masiglang ipinakilala ng Limang (5) Aklat ni Moses.

Lunes, Disyembre 3, 2012

BIRHENG MARIA



Paunang salita
Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.

Ang isa sa pangunahing layunin ng kababaihan ay dalhin sa kanilang sinapupunan ang binhi ng buhay alinsunod sa kalooban ng Dios. Ito’y maluwalhating kinakalinga at pinagpapala ng kaniyang kabuoan sa loob ng siyam (9) na buwan – hanggang sa ang punlang iyon ay lumaki at isilang sa maliwanag. Ang babae sa gayong kapamaraanan ng lumikha ay nagiging ganap na “ina” at ang isinilang niyang sanggol – lalake man o babae ay kikilalanin at tatawagin niyang “anak.”

Bilang babae, gaya nga rin ng birheng Maria, ayon sa kalooban ng Dios ay dinala ng kaniyang sinapupunan ang sanggol na pinangalanang Jesus. Ang batang nabanggit ay gumanap bilang isa sa pinakamahalagang tauhan ng lumipas na lubhang malayong kapanahunan. Siya ay kinilala ng marami bilang isang matapat na lingkod ng Dios (propeta). Ang iba naman ay higit pa kay sa roon ang ginawang pagkilala at pagtanggap sa kaniya, dahil sa siya’y inari nilang bugtong na anak ng Dios (Dios Anak) at Dios na totoo.

Linggo, Nobyembre 25, 2012

BAUTISMO SA TATLONG (3) PANGALAN


BAUTISMO SA TATLONG (3) PANGALAN


Ang Espiritu ng Dios na nasa kalooban at kabuoan ng Cristong si Jesus ay nagsaad ng kautusan sa mga apostol. Wika ng kaniyang bibig ay bautismuhan ang lahat ng mga bansa sa pangalan ng Ama, at ng anak, at ng Espiritu Santo. Bagay na hanggang sa kasalukuyang panahon ay may kasiglahan at galak sa puso na tinatalima ng mga nagsihalili (apostolic succession) sa kanila na mga alagad. Sa panahon ngang iyon ay maipasisiya na ang pangalan ng Ama at ng kaniyang Espiritu Santo ay naipaabot na ng tinig ni Jesus sa kanilang kaalaman. Ito’y dahil nga sa sila’y inutusan na ngang bautismuhan ang sangkatauhan sa tatlong (3) pangalan.

Kaugnay nito, gaya ng maliwanag na nasusulat ay sinabi,

JUAN 17:
6  IPINAHAYAG KO ANG IYONG PANGALAN SA MGA TAO na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at TINUPAD NILA ANG IYONG SALITA.

Bilang sugo ng Dios sa mga nangaligaw na tupa sa sangbahayan ni Israel (Mat 15:24)May diin ang wika ni Jesus sa nilalaman nitong Juan 17:6, na nagsasabing ang pangalan ng Ama nating nasa langit ay ipinahayag ng bibig niya sa mga tao na kinauukulan ng kaniyang layunin. 

Sa gayo’y ano ang pangalan ng Ama? Sino at ano ang pangalan ng Anak, at ano ang pangalan ng Espiritu Santo? 

Martes, Nobyembre 13, 2012

Adonai (LORD, GOD)


Sa mga balumbon ng Tanakh, ang YHVH (Yod, Hey, Vav, at Hey) ay ang walang hanggang pangalan (Exo 3:15) ng kaisaisang Dios na Ama nating nasa langit. Nang Kaniyang atasan si Moises bilang sugo ng pagpapalaya sa sangbahayan ni Israel mula sa pagka-alipin nitong Paraon ng Egipto – niliwanag at tiniyak ni YEHOVAH (YHVH) na siya na nga at wala ng iba pa ang sa kaniya (Moises) ay nakikipag-usap. Ito ay sa pamamagitan ng mga katagang, “ehyeh-asher-ehyeh” (I am who I am). Ang kahulugan nito sa atin ay “Ako yaong Ako nga,” na tuwirang nagsasabing Siya, na kausap ni Moises ay walang iba, kundi si YEHOVAH (YHVH).

Ang salitang “ehyeh-asher-ehye” ay napakaliwanag na hindi kailan man tumukoy sa pangalan ng Dios at katotohanan na iyan ay hindi pangalan, kundi mga salita na mariing nagsasabing si YEHOVAH ang kausap ni Moises sa mga sandaling iyon sa taluktok ng bundok Sinai. Ito’y para na rin niyang sinabi “Moises, Ako yaong Ako nga, Ako nga si YEHOVAH na ngayo’y nakikipag-usap sa iyo, na Dios ng iyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob.” Sa makatuwid ay lubos niyang ipina-uunawa na, "Ang pangalan ko (YEHOVAH) ay katunayan na ako ay umiiral (My name [YEHOVAH] is the fact that I exist.)"

Huwebes, Nobyembre 8, 2012

TETRAGRAMATON (YHVH)


Hayag sa balumbon ng mga banal na kasulatan ang likas na kalagayan ng Dios, at doo’y mapapag-unawa ang lubos na pagkakakilanlan sa kaniya bilang Ama ng lahat ng kaluluwa. Kabilang diyan ang mga kautusan na ayon sa Kaniya ay umiiral na magpasa walang hanggan. Gayon din ang Kaniyang pangalan na higit sa anim na libong (6,000) ulit binanggit ng mga banal ng Dios (Mashiyach) na nabibilang sa buong sangbahayan ng mga anak ni Israel.

Masoretic Texts ang mapapagkatiwalaang (authoritative) matandang manuskrito na siyang ginamit na mapapanghawakang batayan ng mga Israelita sa paggawa nila ng Bibliyang Hebreo. Gayon ma’y hindi nailahad sa nabanggit na aklat, kahi man dalawa o isang ulit ang tama at hustong pangalan ng Dios na natatala sa orihinal na teksto. Ang dahilan ay ang pangamba ng mga nagsipagsalin na malabag ang pangatlong (3) utos ng Dios, na sinasabi,

DEU 5 :
11  HUWAG MONG BABANGGITIN ANG PANGALAN NG PANGINOON MONG DIOS SA WALANG KABULUHAN; sapagka't hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

Katuwiran nila’y mabuti ng malihim sa kaalaman ng marami ang pangalan ng Dios, kaysa naman ito’y magamit lamang ng mga hangal sa walang kabuluhang bagay. Sa gayong kalakaran, ito nga'y totoong nalingid sa kaalaman ng marami, subali’t nagbunga naman ng kaawa-awang kalagayan sa kaluluwa ng mga tao. Dahil sa hindi naging malinaw ang tama at wastong pangalan ng Dios na nararapat bigkasin, kapag ang sinoma’y idinadalangin sa Kaniya ang mga hinaing ng kanilang kaisipan at damdamin.