Sabado, Marso 3, 2018

SAN PABLO: TALAYTAYAN (MEDIUM) DAW NG ESPIRITU NI JESUS

Laganap sa buong kapuluan at maging sa ibayong dagat ang kalakaran ng espiritismo.  Ito’y kinikilala na ng marami noon pa mang lubhang malayong nakaraan na tila isang komprehensibong gawain, na umano’y tumutukoy sa larangan ng tunay na kabanalan. Ang katuruang iyan ay may kinalaman sa paniniwala hinggil sa pakikipag-ugnayan ng mga tao, o ng mga buhay sa espiritu ng mga karaniwan at  banal. Sila'y kinabibilangan ng mga namatay na karaniwang tao, ng mga santo, at ng mga anghel.  Pinaniniwalaan din naman ng mga espiritista na sa pamamagitan ng katuruang iyan, maging ang espiritu ng Dios ay kanilang nakaka-ugnayan. 

Gayon ngang sa sariling pahayag ni Pablo ay madiin niyang winika, na ang aral (evangelio ng di-pagtutuli) na kaniyang itinuturo sa mga Judio at sa mga Gentil ay pawang mula sa Espiritu ni Jesucristo na sa kapanahunang iyon aniya ay namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoan.

Gaya ng napakaliwanag na nasusualat,

GAL 1 :
11  Sapagka’t aking ipinatatalastas sa inyo, mga KAPATID, tungkol sa EVANGELIO NA AKING IPINANGARAL, na  ITO’Y HINDI AYON SA TAO.

12  Sapagka’t HINDI KO TINANGGAP ITO SA TAO, ni itinuro man sa akin, kundi AKING TINANGGAP SA PAMAMAGITAN NG PAHAYAG NI JESUCRISTO.

GAL 2 :
20  Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi SI CRISTO ANG NABUBUHAY SA AKIN: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

Sa mga nagsasabing sila’y mga espiritista ay hindi magiging mahirap sa kanila na maunawaan ang nilalaman ng tatlong (3) talata na nabanggit sa itaas. Sapagka’t diyan ay napakaliwanag na kung hindi galing sa tao ang aral na itinuturo nitong si Pablo, ay walang duda, na ang mga iyon ay bunga ng pakikipag-ugnayan niya sa nabanggit niyang espiritu.

Kaugnay niyan ay maliwanag at madiin niyang ideneklara, na alin man sa mga aral na nilalaman ng itinuturo niyang evangelio ng di-pagtutuli ay hindi kailan man nanggaling sa labingdalawang (12) apostol, na sinasabi,

GAL 2 :
6  Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman) SILANG MAY DANGAL, SINASABI KO, AY HINDI NAGBAHAGI SA AKIN NG ANOMAN:

Ang talatang iyan kung gayon ay ang maliwanag na pagdidiin ni Pablo, na ang labingdalawang (12) apostol ay hindi kailan man nagbahagi sa kaniya ng mga dakilang aral pangkabanalan na nilalaman nitong evangelio ng kaharian (katuruang Cristo). Sa madaling salita ay wala siyang anomang kamalayan at kaalaman sa mga aral pangkabanalan (katuruang Cristo) na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo, noong panahon na siya ay nasa sangbahayan pa ni Israel.

Bagay na ibinunyag nitong si Pablo, na ang aral (evangelio ng di-pagtutuli) na kaniyang itinuturo ay naglalaman ng kabaligtarang aral na masusumpungan sa evangelio ng kaharian (katuruang Cristo). Sa makatuwid ay hindi kailan man naging magkatulad, ni magkahawig man sa kalikasan ang nilalaman nitong evangelio ng kaharian at ng evangelio ng di-pagtutuli. Ang dalawang nabanggit na aral kung gayon ay gaya ng langit at lupa ang kaibahan, kung ang mga ito’y sisiyasatin, uunawain at paghahambingin o pag-aagapayanin.

Bago nga tayo pumalaot sa usaping minamatuwid ng taong si Pablo sa mga sumusunod na talata ay atin munang alamin ang nilalaman ng sinasabi niyang evangelio, na kaniyang ipinangaral sa mga taga Galacia. Sa gayo’y atin namang ihambing sa evangelio ng Espiritu ng Dios (evangelio ng kaharian) na naghari sa kalooban ni Jesus

Iyan ay upang mapagunawa natin sa ating mga sarili, kung alin baga ang lalabas na tunay na evangelio at ibang evangelio na tumutukoy sa huwad at lihis na aral pangkabanalan. Gayon na nga ring makikita ng maliwanag, ang pagiging langit at lupa na pagkaka-iba ng nabanggit na dalawang (2) katuruang ng bibliya (NT).

1. TUNGKOL SA KAUTUSAN

Evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesus)
Evangelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
 MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN;  ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
ROMA 3 :
20  Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.

ROMA 4 :
15  Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAG- SALANGSANG.

ROMA 7 :
6  Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAG- LINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat.

GAL 5 :
18  Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN.


Mula sa magkasalungat na turo sa itaas ay hindi mahirap makita ang napakaliwanag na paghihimagsik ng pangalawa sa una. Diyan nga’y walang alinlangan na itong si Pablo ay hindi kailan man kinilala, ni sinunod man ang turo ng Cristo hinggil sa pagpapatupad ng mga kautusan ng Dios sa sangkatauhan. Sapagka’t aniya’y walang laman ang kautusan, na kung lilinawin ay wala itong anomang kakayahan na pagtamuhin ang sinoman kaluluwa nitong kapatawaran ng kasalanan at buhay na walang hanggan.

Kailangan ngang pawalang kabuluhan niya ang kautusan, sapagka’t siya’y naniniwala na kung ito’y mawawala ay wala nang anomang maaaring pagbatayan pa ng kasalanan. Kaya’t sa pilipit at hidwang unawa ng taong si Pablo ay ang paggiba lamang sa kautusan ang tanging kaparaanan, upang ang lahat ay maligtas sa anomang kasalanan. Ano pa’t kung wala nga namang kautusan ay wala rin namang maaaring magawang pagsalangsang ang sinoman sa kalupaan.

2. TUNGKOL SA PANANAMPALATAYA

Evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesus)
Evangelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
 SANT 2 :
Gayon man kung inyong GANAPIN ANG KAUTUSANG HARI, ayon sa kasulatan, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay NAGSISIGAWA KAYO NG MABUTI.

14  Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya’y may PANANAMPALATAYA, nguni’t WALANG MGA GAWA? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?

17  Gayon din naman ang PANANAM- PALATAYA NA WALANG MGA GAWA, ay patay sa kaniyang sarili.

18  Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong PANANAMPALATAYA, at ako’y mayroong mga GAWA: ipakita mo sa akin ang iyong PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA MGA GAWA (Kautusan), at ako sa pamamagitan ng aking mga GAWA ay ipakita sa iyo ang aking PANANAMPALATAYA.
GAL 2 :
16 Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMAN.

GAWA 13 :
39  At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP sa pamamagitan ng KAU- TUSAN NI MOISES.

GAL 3 :
11  Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa KAUTUSAN sa harapan ng Dios; sapagka’t ang GANAP AY MABUBUHAY SA PANANAMPALATAYA.

Narito, at maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat, na ang turo (katuruang Cristo) ng sariling bibig ni Jesucristo ay ang “PANANAMPALATAYA NA MAY GAWA NG KAUTUSAN.” Datapuwa’t sa evangelio ng di-pagtutuli nitong si Pablo ay mahigpit niyang turo ang “PANANAMPALATAYA NA WALANG ANOMANG GAWA NG KAUTUSAN.”



3.  TUNGKOL SA BAUTISMO

Evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesus)
Evangelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
 Mateo 3 :
11  Sa katotohanan ay BINABAUTISMUHAN KO KAYO SA PAGSISISI: datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay LALONG MAKAPANGHARIHAN kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: SIYA ANG SA INYONG MAGBABAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY.

MATEO 28 :
19  Dahil dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong BAUTISMUHAN sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.

20  Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.

ROMA 6 :
O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga NABAUTISMUHAN KAY   CRISTO JESUS AY NANGABAUTISMUHAN SA KANIYANG KAMATAYAN?

4  Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay ga- yon din naman tayo’y makala- lakad sa panibagong buhay.

GAWA 19 :
At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa PANGALAN ng Panginoong Jesus.


Hinggil naman sa bautismo ay walang alinlangan na imbis turo ng sariling bibig ng Cristo na tumutukoy sa “BAUTISMO SA PANGALAN NG AMA, AT NG ANAK, AT NG ESPIRITU SANTO” (bautismo sa tatlong [3] pangalan) ang tangkilikin, itaguyod, ipangaral, ipagtanggol, at sundin nitong si Pablo. Maliwanag na hindi gayon ang kaniyang ginawa - bagkus, ay ang “BAUTISMO SA KAMATAYAN NI JESUS (BAUTISMO SA ISANG PANGALAN)” ang kaniyang itinuro sa mga tao.

Bautismo sa kamatayan, o yaong bautismo sa isang (1) pangalan lamang ang minatuwid at itinanyag nitong si Pablo, sa halip na itong bautismo sa tatlong (3) pangalan. Madali nga lamang unawain, na ang turo ng Cristo hinggil sa matuwid at makalangit na bautismong iyan ay itinuring lang ng taong ito, na tila sukal sa lansangan na ang kaukulang kalalagyan ay tanging sa basurahan lamang. Hindi niya sinunod ang utos, bagkus ay ang imbento niyang bautismo sa kamatayan ni Jesus ang itinuro niya sa kaniyang mga kampon, na gawin nilang palagiang rituwal ng bautismo.


4. TUNGKOL SA NAGTATAG AT ULO NG KOMUNIDAD (Kawan, o mga tinawag ng Dios)

Evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesus)
Evangelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
 JUAN 5 :
30  HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghaha- nap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.

JUAN 12 :
29  Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSA- SALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG  SALITAIN.

MATEO 16 :
18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
EFE 5 :
23  Sapagka’t ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni CRISTO NA PANGULO NG IGLESIA, na siya rin ang TAGAPAGLIGTAS NG KATAWAN.

24  Datapuwa’t kung paanong ang IGLESIA AY NASASAKOP NI CRITO, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

COL 2 :
Na nangauunat at NANGATATAYO SA KANIYA, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.

ROMA 16 :
16  Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng IGLESIA NI CRISTO.

Isang napakaliwanag na katotohanan, nang madiing wikain ng sariling bibig ng Cristo, na hindi siya gumagawa ng anoman sa kaniyang sarili, ni nagsasalita man na mula sa kaniyang sarili. Kundi aniya’y ang Ama (Espiritu Santo) na sa kaniya ay nagsugo ang siyang nagbibigay sa kaniya ng mga utos, kung ano ang dapat niyang sabihin, at kung ano ang dapat niyang salitain sa buong sangbahayan ni Israel.

Samantala, sa turo nitong si Pablo ay walang iba, kundi ang Cristo ng Nazaret na nagngangalang Jesus ang ipinagdidiinan niyang nagtayo at siyang ulo ng komunidad, o ng tinatawag na iglesia. Ano pa’t kung itong si Jesus ay tumatanggap lamang ng utos sa Ama, kung ano ang kaniyang sasalitain at gagawin. Napakaliwanag kung gayon, na hindi si Jesus sa kaniyang sarili ang nagtatag o nagtayo ng iglesia, kundi ang kaisaisang Ama nitong dimensiyon ng Espiritu at ng Materiya, na siyang nag-uutos kung ano ang kaniyang sasabihin at gagawin. 

Ang iglesia kung gayon na nagngangalang “Iglesia ni Cristo” ay isang katawagan na saan man at kailan man ay hindi sinang-ayunan nitong katotohanan ng kaisaisang Dios ng langit. Sapagka’t katotohanan na hindi si Jesus sa kaniyang sarili ang nagtayo ng iglesia, o nitong komunidad ng Dios. Siya kung gayon ay walang iba, kundi ang Espiritu nitong kaisaisang Dios ng langit, na siyang kabuoang Espiritu na namamahay at naghahari sa buong pagkatao ng mga banal ng Dios. Siya ang sa kanila ang nag-uutos kung ano ang kanilang sasabihin at kung ano ang kanilang gagawin.

Sa pinaghambing na mga talata sa itaas na tumatalakay sa usaping ito ay malinaw pa sa dilang malinaw ang katotohanan, na itong si Jesus ay ginawa lamang kasangkapan (talaytayan [medium]) ng nabanggit na Espiritu ng Dios, upang maisakatuparan Niya sa kapanahunang iyon ang mga dakila niyang layunin sa buong sangbahayan ni Israel. Isa na nga sa mga iyon ay ang pagtatatag ng isang komunidad, o KAWAN (mga tinawag) ng kaniyang pastulan. Natatag sa pamamagitan ng mga salita na mismo ay sinalita ng Dios, na masigla namang isinatinig ng sariling bibig ng Cristo sa buong sambahayan ni Israel.

Ang maliwanag na katawagan, o pangalan na maaaring itawag sa nabanggit na kalipunan ay hindi “IGLESIA NI CRISTO,” kundi “KOMUNIDAD NG DIOS,” MGA TINAWAG NG DIOS, o kaya naman ay “KAWAN NG DIOS.” Kung magkagayon ay maliwanag din na ang sinoman na nagsasabing siya ay isa sa mga tinawag ng Dios,  Kawan ng  Dios, o nabibilang sa kalipunan nitong Komunidad ng Dios. Matuwid lamang sa kaniya na ang isinasabuhay niyang turo na pangkabanalan ay hindi ang hidwang evangelio ng di-patutuli nitong si Pablo, kundi ang dakilang evangelio ng kaharian, na mismo ay tinangkilik, itinaguyod, ipinagtanggol, ipinangaral, at sinunod nitong Cristo ng Nazaret.


5. ANG EVANGELIO NA IPINANGARAL NG CRISTO

Evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesus)
Evangelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
JUAN 14 :
10  HINDI KA BAGA NANA- NAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

JUAN 18 :
37  Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga’y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibu- tan, UPANG BIGYANG PATOTO ANG KATOTOHANAN. Ang bawa’t isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.

JUAN 5 :
24  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo,  Ang dumirinig ng aking salita, at SUMASAMPALATAYA SA KANIYA NA NAGSUGO SA AKIN, ay may buhay na walang hanggan, at HINDI PAPASOK SA PAGHATOL, KUNDI LUMIPAT NA SA KABUHAYAN MULA SA KAMATAYAN.

HEB 6 :
Kaya nga TAYO’Y TUMIGIL NA NG MGA UNANG SIMULAIN NG ARAL NI CRISTO, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasa- ligan ng pagsisisi sa mga PATAY NA GAWA, at ng pananampalataya sa Dios.

Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ang pagka- buhay na maguli ng mga patay, at ng pahuhukom na walang hanggan.


Pinatutunayan ng talata sa itaas na dapat sampalatayanan ng lahat, na itong si Jesus ay sumasa Ama at ang Ama ay sumasa kaniya. Aniya’y hindi niya sinasalita sa kaniyang sarili ang mga kataga na sinalita niya sa sanglibutan, kundi sa pamamagitan niya ay gumagawa ng Kaniyang mga gawa ang kaisaisang Dios ng langit. Iyan ay sa layunin na bigyang patotoo ang katotohanan na tumutukoy ng ganap sa kautusan, at dahil diyan ay ipinanganak siya.

Ano pa’t ang sinomang ayon sa katotohanan ay nakikinig sa mga salita (evangelio ng kaharian [kauturuang Cristo]) na sinalita ng Dios mula sa sarili niyang bibig. At ang sinomang dumidinig nito at sumasampalataya sa Ama ay pinagkakalooban ng buhay na walang hanggan, at dahil doo’y walang matatamong hatol, kundi mula sa kamatayan ng kaluluwa ay lumipat na sa kabuhayan na walang hanggan.

Maituturing nga na ang mga iyan ay mga panimulang aral ng Dios na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Datapuwa’t sa kasamaang palad ito’y nilapastangan, hindi binigyang halaga, at hindi sinunod nitong si Pablo. Ito'y nang tahasan niyang iutos, na ang mga aral (katuruang Cristo) na nabanggit ay ITIGIL NA ang pagsasabuhay. Palibhasa aniya’y mga patay na gawa lamang ang lahat ng tinutukoy niyang mga unang simulaing aral (katuruang Cristo) ng Dios, na isinatinig ng sariling bibig ng Cristo.

Isalansan nga natin sa ibaba ng isa-isa ang ilang aral (Katuruang Cristo) sa itaas na walang anomang niwalang kabuluhan nitong si Pablo aka Saul ng Tarsus.

1.   TUNGKOL SA KAUTUSAN
2.   TUNGKOL SA PANANAMPALATAYA
3.   TUNGKOL SA BAUTISMO
4.   TUNGKOL SA NAGTATAG AT ULO NG KOMUNIDAD (iglesia)
5.   ANG EVANGELIO NA IPINANGARAL NG CRISTO

Sa limang (5) ARAL na iyan ng katuruang Cristo (evangelio ng kaharian), kung gayon ay hindi sana naging mapanghimagsik at kontra ang turo ni Pablo, nang sa gayon ay naging higit na kapanipaniwala at katiwatiwala ang mga nilalamang aral ng likha niyang evangelio ng di-pagtutuli.

Maaaring tuwirang tanggapin ng lahat, na itong si Pablo ay isa ngang kasangkapan o talaytayan (medium) ng espiritu. Nguni’t ang isang hindi kailan man maaaring ariin ng katotohanan ay ang pakikipag-ugnayan niya bilang isang talaytayan sa Espiritu nitong si Jesus. Sapagka’t isa man sa mga mahahalagang aral pangkabanalan na masiglang tinangkilik, itinaguyod, ipinagtanggol, ipinangaral, at sinunod ni Jesus ng Nazaret ay hindi umayon munti man sa buong nilalaman ng kaniyang evangelio ng di-pagtutuli
Ang itinuro niyang aral sa makatuwid ay hindi turo nitong Espiritu ng Cristo, kundi ang napakaliwanag hinggil sa talakaying ito ay espiritu ng diyablo ang naka-ugnayan niya, at siya’y tinuruan ng mga aral na pawang kabaligtaran sa buong nilalaman ng Katuruang Cristo, o nitong Evangelio ng Kaharian.

Hinggil sa may kaselanan na usaping ito ay bayaan nga natin na si Pablo mismo ang magbunyag at umamin, na siya’y may panibago ng espiritu na tinatangkilik, itinataguyod, ipinagtatanggol, ipinangangaral, at higit sa lahat ay masigla at bukal sa puso niyang sinusunod.

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,

ROMA 7 :
6  Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat.


ROMA 4 :
Datapuwa’t sa kaniya (Gentil) na hindi GUMAGAWA, nguni’t sumasampalataya sa kaniya (Satanas) na umaaring ganap sa MASAMA, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.

2 COR 12:
7 At nang ako’y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, ng isang SUGO NI SATANAS, UPANG AKO’Y TAMPALIN, NANG AKO’Y HUWAG MAGPALALO NG LABIS.

ROMA 7 :
18  Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay HINDI TUMITIRA ANG ANOMANG BAGAY NA MABUTI: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang PAGGAWA NG MABUTI AY WALA.


1 Cor 16 :
7 Sapagka’t  hindi ko ibig na kayo’y makita ngayon sa paglalakbay; sapagka’t inaasahan kong ako’y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.

1 TESA 2 :
18  Sapagka’t nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas.

1 TIM 1:
20 Na sa mga ito’y si Himeneo at si Alejandro; na sila’y AKING IBINIGAY KAY SATANAS, UPANG SILA’Y MATURUANG  HUWAG MAMUSONG.

Gaya ng pagkapahayag nitong si Pablo, na sila’y hindi na napapasakop pa sa kautusan ng Dios, at bilang kahalili nito ay nagsisipaglingkod na aniya sila sa panibagong espiritu. Sapagka’t ang nabanggit niyang espiritu (Satatans) ay umaaring ganap sa masama.

Narito, at ang nagpadala sa kaniya ng sugo upang siya’y tampalin sa kaniyang bibig ay walang iba kundi si Satanas. Sapagka’t sa kaniyang kabuoang pagkatao ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti. Kaya naman ang kasuklamsuklam na pagnanasa ay nasa kaniya, at ang paggawa ng anomang mabuti ay wala.

Gayon nga ani Pablo, na kung ipahihintulot ng panginoon niyang si Satanas ay makapaglalakbay siya tungo sa mga dako ng kaniyang mga kapanalig. Datapuwa’t sa ibang mga pagkakataon ay hinahadlangan sila ni Satanas. Gayon din na ang mga masuwayin sa itinuturo niyang aral ng demonyo (evangelio ng di-pagtutuli) ay ibinibigay niya kay Satanas, sa layuning maturuan silang huwag mamusong sa bago niyang kinikilalang panginoon (Satanas).


KONKLUSYON
Mula mismo sa sariling bibig nitong si Pablo ay lumabas ang katotohanan hinggil sa natatago niyang pakikipag-ugnayan sa karumaldumal na espiritu nitong si Satanas. Si Pablo aka Saulo ng Tarsus kung gayon ay isang kasangkapan o talaytayan (medium) na ang lumuluklok o lumulukob sa kaniyang kabuoan ay walang iba, kundi si Satanas. 

Dahil diyan ay hindi na nakapagtataka pa, kung bakit ang nilikhang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ni Satanas sa pamamagitan niya ay pawang mga pinaglubidlubid at pinagtagnitagni na mga kasinungalingan lamang. Si Pablo kung gayon ay isang medium (talaytayan) na isinugo ni Satanas sa sangkatauhan, upang sa pamamagitan nitong evangelio ng di-pagtutuli ay ilihis at iligaw sa KATOTOHANAN NG DIOS (KATURUANG CRISTO) ang sangkatauhan.

ITO ANG KATURUANG CRISTO

Kamtin ng bawa’t isa ang walang patid na buhos ng mga biyaya na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, kapangyarihan, paglikha, karunungan, at buhay.

Hanggang sa muli, paalam.





Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento