Sabado, Pebrero 17, 2018

PABLO: ULIRAN NA LINGKOD NI SATANAS

Noon pa man sa lubhang napakalayong nakaraan ay laganap na ang mga aral na malabis ang paghihimagsik sa natatanging kalooban (kautusan) ng kaisaisang Dios ng langit. Bagay na kumaladkad sa lubhang maraming tao sa pagkapahamak, na naglunsad sa kanila sa kamatayan (desolusyon) ng kanikanilang kaluluwa.

Kaugnay niyan, sa artikulong ito ay bibigyan ng husto at wastong unawa ang mga hidwang aral (evangelio ng di-pagtutuli), na ang pinag-ugatan, o pinanggalingan ay mula sa kasinungalingan at mapanglinlang na aral nitong entidad ng kasamaan, na walang iba kundi si Satanas.

Biyernes, Pebrero 2, 2018

DIOS ANG GUMAGAWA DIOS ANG NAGSASALITA

Maraming bagay ang hindi maunawaan ng sangkatauhan sa mga nilalaman ng bibliya. Kahi man silang tinatawag na mga pastor, mga pari, at mga nagpapakilalang tagapangaral ng salita ay nagsisunod at nagsi-ayon na lamang sa sina-unang tradisyong pangrelihiyon.

Dahil diyan ay nabuo ang hindi kakaunting doktrinang pangrelihiyon na naging dahilan, upang patuloy na lumayo sa katotohanan ng Dios ang lubhang malaking bilang ng mga tao sa kalupaan.

Sa akdang ito ay bibigyan ng husto at kaukulang unawa ang ilang bagay na hanggang sa ngayon ay isa pa ring madilim na dako na lumalambong sa katotohanan na hindi napapag-usapan man lang. Palibhasa’y nakakahon na sa isang hidwa na tradisyong pangrelihiyon ang marami. Dahil diyan ay sunod-agos na lamang ang mga tao sa kung ano ang nakagisnang sali’t saling sabi. Ito'y tila ba naging domino effect, na sa pagkabuwal ng una sa kaniyang katabi ay tutumba ang lahat ng sunodsunod hanggang sa hulihang nakatayong pitsa.

Martes, Enero 2, 2018

KAUTUSAN NG KATUBUSAN AT KALIGTASAN

Sa pagsisimula pa lamang ng pangwalong (8th) kabanata ng Roma ay binigyan na agad ng diin ni Pablo ang ilang bagay sa talata 1 at 2 na gaya ng nasusulat sa ibaba. 

ROMA 8 :
1  Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. 

Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. 

Hinggil dito’y wala na di umanong hatol pa sa mga na kay Cristo. Sapagka’t ang kautusan ng espiritu na nasa kaniya’y pinalaya siya aniya sa kautusan ng Dios na ang laman ay kasalanan at kamatayan.

Sa himig ng pananalita sa mga talatang ito’y tiniyak niya sa mga taga Roma na itinuring na sa wala ang kanilang mga kasalanan. Kaya’t sila’y hindi na maaaring hatulan pa ng Dios, sa kadahilanang sila’y kalas na sa bigkis ng kautusan ng kasalanan at kamatayan

Sabado, Disyembre 16, 2017

PAANO NALALABAG ANG PANGALAWANG UTOS


Una sa lahat ay hindi kailan man namin nilayon na sirain ang kredibilidad ng sinoman sa aming mga kapatid, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus, ang sa amin ay paglalahad lamang ng mga sumusunod na pahayag, kung paano nalalabag ng mga tao ang pangalawang (2) utos ng Ama nating nasa langit. Yamang mayroon mga nangaral hinggil sa kinikilala nilang doktrinang pangrelihiyon. Matuwid nila’y walang masama sa paggamit ng mga larawang inanyuan. 

Taliwas sa paniniwalang ito’y bayaan ninyong saliwan namin ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal ang mga sumusunod na paliwanag.

Ang kaisaisang Dios na siyang Ama nating lahat ay nagbaba ng mga kautusan (10 utos) sa kaniyang mga anak sa kalupaan. Ito’y sa layuning itaas ang kalagayan nila mula sa pagiging karaniwan (ordinary) hanggang sa masiglang antas ng tunay na kabanalan (holy). Ano pa’t may mga anak na sadyang ang nalalaman ay paghimagsikan ang sarili nilang Ama, at sa gayo’y pinipilipit nila ang lubhang maliwanag Niyang mga salita na tumutukoy sa kautusan.

Tampok na usapin sa atin ngayo’y ang tungkol sa pangalawang (2) kautusan, gaya ng nasusulat,

Biyernes, Disyembre 1, 2017

REPORMA SA TRADISYONG ESPIRITISTA

Taun-taon ay ginugunita natin ang mapait na pagkamatay at maluwalhating pagkabuhay ni Jesus. Iyan ay binubuo ng pitong (7) araw na pag-aalaala sa kaganapang iyon. Sa saliw ng pag-aayuno ng bawa’t isa ay naitutuon ng karamihan sa ating mga sarili ang sagradong kalagayan sa mga araw na iyan. Ito'y natataon kadalasan sa huling mga araw ng Marso hanggang ikalawang linggo ng Abril. Tinatawag natin ang mahalagang kaganapang iyan na, “Mahal na araw.”

Nakaugalin na ng kapatiran, na sa panahong nabanggit ay umakyat sa kabundukan. Iyan ay sa layuning ipangaral ang tinatawag natin na evangelio sa mga pinaniniwalaang engkanto, na umano’y nangangailangan ng mabuting balita

Gayon ma’y tila ang salitang iyan ay hindi ganap na napapag-unawa ng higit na nakakarami sa kapatirang Espiritista. Sapagka’t ang nakaugalian nating ipinangangaral na evangelio ay hindi ang evangelio ng kaharian, kundi ang likhang katuruan ni Pablo, na kung tawagin ay “evangelio ng di pagtutuli".

Hinggil diyan ay bayaan ninyo na sa inyo ay linawin namin ng may kahustuhan ang lehitimong evangelio na karapatdapat na ipangaral sa mga buhay, at maging sa kaugalian (sali't-saling sabi ng mga tao) ay mga tinatamwag na Espiritu ng kabundukan (Engkanto).

Huwebes, Nobyembre 16, 2017

ESPIRITISMO NG KATURUANG CRISTO

Layunin ng artikulong ito, na ipakita ng maliwanag ang Espiritismo alinsunod sa mga balumbon nitong Tanakh ng kaisaisang Dios ng langit. Iyan ay upang maunawaan ang lubhang malaking kaibahan nito sa espiritismo, o espiritualismo na nakalapat sa samo’t saring lokal na kaugalian at personal na interpretasyon ni Allan Kardec. 


Hindi upang gibain, o lansagin ang matibay na paninindigan ng sinoman na naniniwala sa kaniya. Kundi sa layuning ipakita ng maliwanag sa lahat ang kaisaisang dako, na kung saan ay masusumpungan ang perpektong kaayusan at dakilang balanse ng Dios, iyan sa makatuwid ang ESPIRITISMO NG KATURUANG CRISTO.

Mula sa sariling bibig ng Cristo ay masigla niyang ipinahayag ang mga sumusunod na salita, na sinasabi,

Miyerkules, Nobyembre 1, 2017

BUGTONG NA ANAK NG DIOS

Mula sa tradisyonal, o yaong nakaugaliang laganap na katuruan hinggil sa tinatawag na “Bugtong na Anak ng Dios.” Iyan ay hindi pinag-aalinlangan ng sinoman na direktang tukuyin sa gayong kabanal na kalagayan itong si Jesus ng Nazaret. Siya nga ang ayon sa nakasanayang aral pangkabanalan ay ang kaisaisang Anak ng Dios.

Sa tila katiwatiwalang pahayag at personal na turo ng sariling bibig ni apostol Juan.  Walang pag-aalinlangan, na ang kaisa-isang itinuturo ng kaniyang daliri, ay ito ngang si Jesus na nagtataglay ng titulong Cristo ang siyang bugtong na Anak ng Dios. Bagay na maliwanag ang pagkakatala ni apostol Juan sa tinatawag na sagradong kasulatan (NT)

Alinsunod sa maliwanag niyang pahayag hinggil sa paksang ito ay gaya ng mababasa sa ilang talata sa ibaba ang madiin niyang wika,

JUAN 1 :
18  Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang BUGTONG NA ANAK, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

JUAN 3 :
16  Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang BUGTONG NA ANAK, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

JUAN 3 :
18  Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng BUGTONG NA ANAK NG DIOS.

1JUAN 4 :
Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang BUGTONG NA ANAK sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

Mula sa ilang talatang iyan sa itaas ay tiyakan na tutukuyin ng sinoman, na ang bugtong na Anak ng Dios ay wala na ngang iba pa, kundi ang Cristo Jesus. Kaugnay niyan, sa pagsusuri ng kasulatan ay makikita din ng napakaliwanag, na ang pahayag na iyon ay hindi nagmula sa sariling bibig ng Cristo, kundi galing lamang sa matibay na paniniwala ni apostol Juan sa likas na kalagayan ni Jesus.