Sabado, Setyembre 3, 2016

BUHAY NA WALANG HANGGAN

Ang lahat ay walang alinlangang naghahangad ng magandang pamumuhay hindi lamang sa kalupaang ito, kundi higit sa lahat ay sa tinatawag nating kabilang buhay, na kung saan ay kasusumpungan ng kawalang katapusan ang pag-iral.

Ang mithiing iyan, kadalasan ang kinahihinatnan ay hindi tulad ng inaasam na kabuhayang walang hanggan. Sapagka’t marami ang nagkakamali ng daang tinatahak na sa kanila'y naglulunsad sa kabiguan, at nagiging mapait na sanhi sa kapahamakan ng kanikanilang kaluluwa.

Sa usaping iyan, ang karaniwang kinukunan ng balidong batayan ay ang mga matatandang kasulatan, na siyang pinaniniwalang nagbibigay ng kaukulang kaparaanan, kung paano makakamit ng sinoman ang inaasam-asam niyang buhay, na hindi nakakakilala ng anomang katapusan, ni ng hangganan man.

Kaugnay niyan ay malugod sa puso na ipinahayag ng Cristo ang lihim na kumakanlong sa buhay na walang hanggan na maaaring matamo ng kaluluwa ninoman. Dangan nga lamang ay higit pang pinaniwalaan ng marami ang kathang turo ng tao, kay sa mga leksiyon (evangelio ng kaharian) na mismo ay sinalita at ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Bagay na ngayo’y lalapatan ng may kahustuhang paglilinaw at ng kaukulang paglalahad nitong mga sagradong aral ng Katuruang Cristo.

Miyerkules, Agosto 17, 2016

TULAD SA DAMI NG BUHANGIN

Dimensiyon ng Materiya sa mga kamay ng Lumikha
Ayon sa abot-sabi ng Banal na Espiritu.

Sa pagdaraan ng mga kapanahunan ay patuloy na dumadami ang populasyon ng sangkatauhan, gaya ng isang masiglang kaganapan na tila hindi na magkakaroon pa ng takdang katapusan. Sa una nga ay isang tao lamang, na sinundan pa ng isa at nagsimulang magpakarami na maihahalintulad sa bilang ng buhangin sa baybayin ng dagat.

Narito at ating tunghayan,



ANG TATLONG MAGKAKAIBANG KAPARAANAN NG DIOS SA PAGLALANG NG TAO

1. Mula sa unang paglalang ng kaisaisang Dios ng langit ay naitala ang kasaysayan, na Siya ay kumapal ng alabok upang anyuan ang unang lalake na tinawag niyang Adan. 

Gen 2 :
7  At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.

Lunes, Agosto 8, 2016

Elohim (God, gods, god)

Katotohanan na noon pa mang una, hanggang sa panahon nating ito ay lubhang marami ang may malaking kakulangan ng kaalaman hinggil sa orihinal na salita ng teksto (Tanakh). Mula sa kadahilanang iyan ay hindi sinasadyang silay makalikha ng mga hidwang katuruang pangrelihiyon. Ang mga iyon sa makatuwid ay malabis ang paghihimagsik sa katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga nabanggit na kasulatan (Tanakh). Mayroon din namang ilan, na kahi man nalalaman ang matuwid hinggil sa usaping may kinalaman sa nabanggit na balumbon ng mga banal na kasulatan, sila'y nagpatuloy pa rin sa pagpapairal ng mga likha nilang pilipit na katuruang pangrelihiyon.

Halimbawa niyan ay ang tungkol sa aral ng Trinidad, na ang salitang Hebreo na tumutukoy sa אלהים ('ĕlôhîym) di umano ang isa sa pinakamatibay na katunayang biblikal, na nagpapatotoo sa maraming persona ng Dios. Iyan nga ang itinuturing ng marami na kongkreto nilang katibayan, na nagbibigay diin sa tatlong (3) persona, na ayon sa kanila ay kalagayang nilalapatan ng Dios.

Giit ng ilan, ang salitang אֱלוֹהַּ ('ĕlôahh) ay ang anyong pang-isahan (singular form) ng Dios, at kung may gayon Siyang anyo ay matuwid lamang na wikaing mayroon ding anyong pangmaramihan (plural form) ang Dios. Iyan ay wala ngang iba, kundi ang salitang אלהים ('ĕlôhîym). Sa kanila ay naging sapat na nga ang katibayang iyan, upang mapatunayan mula sa salita mismo ng Dios, na ang Kaniyang persona ay higit sa bilang na isa.

Gayon ma’y hindi nagpabaya ang mga tunay na tagapagtaguyod at tagapagtanggol nitong balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh). Sapagka’t sa artikulong ito ay gaya ng kadiliman na sinikatan ng liwanag ng araw ang usaping ganap na may kanalaman sa salitang  אלהים ('ĕlôhîym). Ang gabi sa makatuwid ay hinalinhan ng araw, upang ang ultimo kailiit-liitan bahagi ng mga bagay at kasuluksulukan ng mga dako ay hindi makubli sa paningin at pang-unawa ng mga kinauukulan.

Hinggil sa napakahalagang usapin na may ganap na kinalaman sa salitang iyan ay gaya nga ng mga sumusunod na paliwanag.

Sabado, Agosto 6, 2016

SABBATH NG CRISTIANO, PAGLABAG SA PANG-APAT (4) NA KAUTUSAN

Napakaliwanag at hindi maaaring pasinungalingan ng sinoman, na ang Ama (Dios) na umano'y sinasamba ng mga Judio at ng mga Cristiano ni Pablo ay iisa. Sa pahayag na ito'y dito lamang ang dalawa (2) nagkakaroon ng pagkakaunawaan, na hindi pinagsimulan ng anomang pagtatalo. Gayon man, sa isa't isa ay lubhang malaki ang pagkakaiba ng katuruan na tumutukoy sa larangan ng tunay na kabanalan. Halimbawa ay ang usapin na sa inyo ngayo'y bibigyan ng kaukulang tanglaw.

Hinggil nga dito ay nalalaman ng lahat na ang unang araw ng isang linggo ay linggo (Sunday), gayon din naman ang ikapitong-araw ay sabado (Saturday). Kaugnay nito'y malinaw na nasasaad sa balumbon ng mga banal na kasulatan ng mga anak ni Israel ang tungkol sa banal na araw (Sabbath) sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.

Lunes, Agosto 1, 2016

PERSONAL NA TAGAPAGLIGTAS


Una sa lahat, ang marami ay laging inaala-ala ang pangsarili nilang kaligtasan mula sa iba't ibang nakaakmang kaganapan na nakapagdudulot ng sarisaring kapahamakan. Dahil diyan ay kanikaniya ang ginagawang kaparaanan ng pag-iingat, maiwasan lamang ang mga bagay na kadalasan ay nagiging sanhi ng kasawian.

Gayon din naman sa personal na kaligtasan ng ating kaluluwa, ang marami ay inilalagak ang kanilang lubos na tiwala sa Dios, na kung saan ay pinaniniwalaan na may ganap at hustong kakayahan na pangalagaan at ipagsanggalang ang sinoman sa anomang uri ng masamang kapalaran.

Kaugnay niyan ay isa ng relihiyosong kaugalian, na palagiang itinuturo ng hindi kakaunting tagapangaral ang pagkakaloob ng hindi matatawarang tiwala kay Jesucristo bilang personal na tagapagligtas ng lahat. Anila, iyan ay mula sa kadahilanang siya ayon sa kasulatan ang nag-iisang tagapaglitas ng kaluluwa at tagapagpatawad ng kasalanan.

May katotohanan nga kaya ang nakaugaliang aral na iyan na natutunan ng marami, o baka naman mula sa personal na opinion lamang nila ang gayong katuruan. Hinggil sa mga kapanipaniwala at katiwatiwalang katunayang biblikal ay malugod naming tatanglawan ng kaukulang rayos ng liwanag ang may kalabuan na usaping iyan.

Sabado, Hulyo 2, 2016

KATURUANG CRISTO: ANYO NG KATOTOHANAN

AYON SA ABOT-SABI NG BANAL NA ESPIRITU.

Mula pa sa panahon ng lubhang malayong nakaraan at hanggang sa kasalukuyan nating henerayon ay isa pa ring napakalaking usapin sa maraming tao ng sanglibutan ang eksaktong biblikal na kahulugan ng salitang,
“katotohanan.” Gayon man, kung ang mga sinulat ng mga tunay na apostol ng Cristo ang siyang bibigyan ng kaukulang higit na pag-susuri at pag-aaral, ay hindi mahirap mapag-unawa ng may kaganapan ang tila baga walang katapusan na paksang iyan.

Hinggil diyan, ang marami ay may kani-kaniyang pagpapahayag ng mga opinyon, na ayon lamang sa minamabuti at hinahaka nilang tama. Ang mga iyon ay batay lamang sa iba’t ibang antas ng karunungan na naabot ng sinoman sa kalupaang ito. Subali’t ang mga iyon ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katuwirang sumasa Dios, na direktang ipinangaral ng mga tunay na banal (apostol) sa iba’t ibang nangagsilipas na kapanahunan, ni malayo man o malapit. Hanggang sa ngayon nga sa panahon nating ito ay tila walang ipinagbago ang napakababaw na unawa at pakahulugan ng marami sa nabanggit na salita (katotohanan).

Bunsod niyan ay masiglang pasiya ng katuwiran na tanglawan ng kaukulang ilaw ang usaping iyan, upang mula sa hustong liwanag nito ay masaksihan ng may ganap na linaw ang dako, na kung saan ay masusumpungan ang payak na kahulugang biblikal ng salitang iyan.

Mula sa evangelio ng ating mga saksing totoo sa buhay nitong Cristo ng Nazaret, ay itutuon natin ang mga rayos ng liwanag sa mga bahagi ng usapin na nakakanlungan ng malalabong unawa, na siyang nagpapanatili ng pilipit na pangangatuwiran ng higit na nakakarami.

Hinggil sa katotohanan, gaya ng napakaliwanag na nasusulat ay madiing winika nitong banal na Espiritu mula sa sariling bibig ng Cristo.

Biyernes, Hunyo 17, 2016

KAWAN NG DIOS

Mula sa madamong salansan ng mga burol sa kaparangan, gayon din sa kapatagan ng pastulan ay karaniwan ng masusumpungan ang pulutong ng iba’t ibang uri ng domestikado at maiilap na hayop. Kadalasan ang mga tupa, kambing, baka at iba pa ay ginagabayan ng tagapag-alaga, na kung tawagin ay pastol. Kawan ang tawag niya sa kabuoang bilang ng kaniyang mga alagang hayop at sila’y kaniyang binabantayan at inaaruga araw at gabi.

Ang pastol ay ginugugol ang buo niyang panahon sa pag-aalaga at pagtataguyod ng kaniyang kawan. Nakikita ng matatalas niyang mga mata ang anomang akma, o banta ng kapahamakan sa tinatangkilik niyang kawan. Kaagad ay naitataboy niya ang mga umaali-aligid na mga maninila at mula sa pagkatakot ay madali niyang nailalagay sa kapanatagan ng kalooban ang buo niyang kawan. Nalalaman nila na mula sa pag-aaruga ng kanilang pastol, saan man at kailan man ay hindi sila maaagaw ng sinoman at ng anoman sa kaniyang mga kamay.

Lubos ang pagkakakilala ng kawan sa kaniyang pastol at sa gayo’y masigla at may galak na sila’y tumatalima sa bahagyang kumpas ng kaniyang mga kamay at nauunawaan nila ang piling salita at ilang sipol ng kaniyang bibig.  Sa madaling salita ay tumatayong ulo ang pastol, na siyang pinagmumulan ng anomang galaw ng kaniyang katawan (kawan).