Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang kaalaman ng sinoman.
Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik man sa mga panulat nitong si Allan Kardec.
Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang ilan sa mga itinuro niyang aral ay may pangangailangan ng pagtutuwid mula sa mga dalisay at dakilang aral ng Katuruang Cristo. Hinihingi namin sa pagkakataong ito ang lawak ng inyong unawa.

Hindi maikakala sa panahong ito na laganap sa buong kapuluan at sa ibayong dagat ang mga tao na tumatangkilik, naninindigan, nagtatanggol, at tumatalima sa Katuruang Kardec na may kinalaman sa espiritistmo. Ang bilang nila ay masasabing higit na marami sa ating inaakala.
Sa pagpapatuloy ng pambungad na mga salita ay unahin nga muna nating bigyan ng katanggaptanggap na
depinisyon ang pangunahing salita, na kung saan ay pagtutuonan natin ngayon ng
kaukulang paglilinaw. Ito ay ang salitang “Espiritismo.” Palibhasa’y Katuruang
Kardec ang talakayin sa akdang ito ay bayaan nating siya sa sarili
niyang pananalita ay lapatan ng inaakala niyang husto at wastong kahulugan ang salitan iyan.