Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, sirain, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.
Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal.

Narito, at sa artikulo bilang 002 ay sinulatan ni Pablo ang mga taga Efeso, na sa kanila ay binibigyan niya ng diin ang pagiging isang mapagpalang Dios nitong si Jesus. Na nang siya (Jesus) aniya’y umakyat sa kaitaasan ng langit ay dinala niyang gayon ang mga bihag.
Kasunod nito’y NAGBIGAY aniya siya ng mga kaloob sa mga tao. Pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y ebangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro. Si Jesus nga ayon sa nabanggit na sulat ay hindi TUMANGGAP, mana pa ay NAGKALOOB ng biyaya sa mga tao.
Sa biglang tingin ay tila isang napaka
sagradong pahayag ang sinalitang iyon nitong si Pablo
sa mga taga Efeso, nguni’t ang
katotohanan diyan ay pinitas lamang niya ang pahayag na iyan sa Awit 68:18.

.jpg)