Linggo, Marso 1, 2015

PAGSUBOK NG DIOS

Karaniwan sa marami ang paniniwala na ang mga tao ay tunay na pinagdadaanan, o sumasa ilalim sa pagsubok ng Dios. Umano’y sa kadahilanan na nais Niyang (Dios) patunayan ang katatagan nila ng pananampalataya at mahigpit na kapit sa katuruang pangkabanalan (doktrinang pangrelihiyon), na sa paniniwala nila ay siyang tunay na daan ng pagpapakabuti at pagpapakabanal sa kalupaan. Ang ganyang kalakaran sa kalaunan ay naging masiglang kaugalian na nagpasalinsalin sa hindi kakaunting henerasyon ng mga tao sa nasasakupan ng apat (4) na direksiyong ng ating mundo.

Ang sali’t saling sabi na tumutukoy sa “pagsubok ng Dios” ay gayon pa ring matibay na nananatili sa pagtanggap ng lubhang nakakarami, at ang ganyang tradisyon ay siya ngang kadalasa’y masigasig na umiiral hanggang sa kasalukuyan nating panahon. Nguni’t kung paano nagsimula ang ganyang uri ng kaugalian noong una hanggang sa ngayon ay walang sinoman na makapagsabi. Gayon ma’y nagtutumibay mula sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ang katotohanan hinggil sa komplikadong usapin na may kinalaman diyan.

Huwebes, Pebrero 5, 2015

MGA HARI, PRINSIPE, AT PASTOR NG ISRAEL

Hari ng Israel
Mula sa malawakang pagkakawatakwatak ng mga lahing kabilang sa labingdalawang (12) lipi ng Israel ay minabuti at ipinasya ng kaisaisang Dios, na sila’y pagkalooban ng isang makapangyarihang hari na sa kanila ay makapagbubuklod na muli. Gaya ng isang kawan na walang pastor ang Israel sa kapanahunang iyon, at dahil diyan ay marami ang nahihiwalay sa kanilang pastulan tungo sa di kailan man nila ninais na kapahamakan.

Ang kalakarang iyan ay hindi pinayagan ng ating Ama na tuluyang lumawig at patuloy na maghatid ng maraming kaluluwa sa malabis na kapighatian. Kaya sa sangbahayan ni Israel ay naghalal Siya at nagtalaga ng mga hari mula sa kanikanilang natatanging kapanahunan. Ito’y sa layuning bawiin ang marami sa iba’t ibang dako na kanilang kinaligawan, at sila’y pamunuan na tulad sa isang pastor na masiglang kinakalinga at inaaruga na gaya ng sa mga anak ang pag-aari niyang kawan ng mga tupa. Sila’y mga hari na itinalaga ng kaisaisang Dios bilang tagapagligtas ng buong sangbahayan ng Israel.


ANG UNA SA KANILA AY SI SAUL

SI SAUL AY PINAHIRAN NG LANGIS (ANOINTED, MASYACH, MESSIAH, CHRIST)

1 SAM 10 :
1  Nang magkagayo'y KINUHA NI SAMUEL ANG SISIDLAN NG LANGIS, AT IBINUHOS SA ULO NIYA, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging PRINSIPE ka sa kaniyang mana?
(Then Samuel took a vial of oil, and poured it upon his head, and kissed him, and said, Is it not because the Lord hath anointed thee to be captain over his inheritance?)

1 SAM 15 :
17  At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At PINAHIRAN KA NG LANGIS NG PANGINOON NA MAGING HARI SA ISRAEL;
(And Samuel said, When thou wast little in thine own sight,wast thou not made the head of the tribes of Israel, and the LORD anointed thee king over Israel?)

Miyerkules, Pebrero 4, 2015

MULING PAGSILANG (Born Again)

Lahat tayo ay dumaan sa masiglang proseso ng paglikha sa pamamagitan ng siyam (9) na buwang pamamalagi sa bahay bata na punongpuno ng tubig. Iyan ang mapag-arugang sinapupunan ng ating ina, na kung saan ay sinisimbolo ang buhay, upang sa natatangi at takdang kapanahunan ay kamtin  ng sinoman ang maluwalhating pagsilang sa daigdig nating ito.

Ang sinoman nga’y ipinanganganak sa pamamagitan ng tubig na lumalagaslas mula sa sinapupunan ng isang ina. Sa gayo’y nagaganap ang pagsilang ng isang sanggol sa maliwanag, upang siya’y lumaki at maging isang anak na kalugodlugod sa paningin ng kaniyang ama at ina. Iyan sa makatuwid ang kung tawagin ay unang pagsilang, o pisikal na pagsilang, na kung lilinawin ay ang pagsilang sa tubig.

Biyernes, Enero 16, 2015

ANG DALAWANG KATURUAN SA BAGONG TIPAN

Mula sa kabuoan ng tinatawag na bagong tipan ng bibliya ay kinukuha ng mga mangangaral ng salita ang kani-kanilang patibayang aral. Iyan ay sa layuning mapatotohanan ang minamatuwid nilang katuruang pangkabanalan. 

Nakakapagtaka, na kahi man iisang aklat ang pinagkukunan ng mga katunayang pangkabanalan ay hindi kailan man nagkaroon ng pagkaka-isa ang marami sa kanila. Nagkani-kaniya sila ng ipinangaral na katuruang pangkabanalan na nagpapahayag ng di pagsang-ayon sa tinitindigang biblikal na aral ng bawa’t isa.

Gayon ngang mula sa nag-iisang aklat (bibliya) ay hindi na yata halos mabilang ang naitatag na samahang pangrelihiyon na nagututuro ng iba’t ibang katuruang pangkabanalan. Dahil diyan, mula noon at hanggang sa ngayon ay hindi kakaunting tao sa kalupaan ang nakaranas ng malabis na pagkalito. Tanong nga ng iba,

“Sa dinamidami ng mga relihiyon na gumagamit ng bibliya ay alin ba sa kanila ang kasusumpungan ng katuruang pangkabanalan, na makapaglalahad sa sino man ng katotohanan na sinasang-ayunan ng kaisaisang Dios ng langit.”

Tiyak na may maling unawa ang karamihan na sukat ikatisod, at bunga niyan ay hindi sinasadyang makapagpahayag ng mga aral, na hindi umaayon sa katuwiran na binibigyang diin ng banal na kasulatan. O kaya naman ay may malaking kakulangan ang marami sa hinihinging masusing pagsasaliksik sa mga antigo at banal na kasulatan (Tanakh). Ano pa’t iyon ay naging kadahilanan upang ganap na ikatisod ng hindi kakaunting tao sa kalupaan.

May nag-iisa ngang dahilan, kung bakit saan man at kailan man ay hindi kinasumpungan ng pagkaka-isa ang mga mangangaral ng salita. Mula sa hindi matapostapos na tuligsaan at maaanghan ng palitan ng mga pilipit na pahayag, ay gaya nila ang mga mababangis na pangil sa parang, na sa araw at gabi ay nagsasakmalan sa isa’t isa.

Marami ang hindi nakaka-alam, na sa kabuoan ng Bagong Tipan ng bibliya ay may dalawang (2) dako ng kamalayan, o katuruan na nagpapahayag ng kanikaniyang matuwid. Iyan ang tampok na usapin sa artikulong ito na lalapatan namin ng kaukulang paglilinaw. Ano nga ba ang dalawang katuruan na nararapat maunawaan ng lahat sa bagong tipan ng bibliya?

Huwebes, Enero 1, 2015

ANG KAUTUSAN NI MOSES (Torah)

Torah (Five books of Moses)
ANG KAUTUSAN NI MOSES (Torah)

AYON SA ABOT SABI NG BANAL NA ESPIRITU

Sa Tanakh na siyang balumbon ng mga banal na kasulatan ay mababasa ang mga kautusan ni Moises, na sa kapanahunan niyang iyon at hanggang sa kasalukuyang panahon ay masigla at may galak sa puso na tinatalima, itinataguyod, tinatangkilik, at ipinagtatanggol ng mga tunay na banal. Iyan ay dahil sa napakaliwanag na katotohanang naglalahad ng mga pangako ng Dios, na sa katuparan ay maluwalhating nakapaghatid ng hindi kakaunting kaluluwa sa buhay na walang hanggan.

Scrolls of Tanakh
Ang salitang TaNaKh ay isang acronym, na kumakatawan sa tatlong unang letrang katinig (consonant) nito – na tumutukoy sa  Torah (Kautusan, na kilala din bilang limang [5] aklat ni Moses), Nevi’im (Mga Propeta), at Ketuvin (Kasulatan). Ang mga iyan ay ang tatlong dibisyon ng Masoretic text, at iyan ay kilala din sa katawagang Miqra.At sa canon ng bibliyang Hebreo ay tinawag naman itong Tanakh

Sa King James na bersiyon ng Tanakh – ang Torah ay isinalin sa tawag na “kautusan (instructions/law),” samantalang ang Nevi’im ay mababasa sa salin na “Propeta (Prophet),” at ang Ketuvin ay tumutukoy ng ganap sa “Kasulatan (scripture).”

Ang tinutukoy sa itaas ay ang pamagat ng mga aklat ng Tanakh na mababasa sa ibaba,

     TANAKH                                                   BOOKS
Torah (Kautusan)          -    Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy.

Nevi’im (Propeta)         -     Major: Isiah, Jeremiah, Ezekeil.
Minor: Hosea, Joel, Amos, Obadiah, Jonah, Micah,   Nahum, Habakuk, Zephaniah, Haggai, Zachariah, Malachi
Former: Joshua, Judges, Samuel, Kings
Ketuvim(Kasulatan)      -   Wisdom : Psalm, Proverbs, Job.
Scrolls : Song of Songs, Ruth, Lamentations, Ecclesiastes, Esther 
Histories: Daniel, Ezra, Nehemiah, Chronicles.

Sa mga bumalangkas at nagsigawa nitong tinatawag na Bagong Tipan (New Testament) ay naging isang kalihiman ang tungkol sa usaping ito, na may kinalaman sa Torah, Nevi’im at Ketuvim. Sapagka’t iyan ay isinalin nila sa katawagang Kautusan, Propeta, at Kasulatan. Dahil diyan ay hindi naging malinaw sa bumabasa ng nabanggit na aklat ang mga mahahalagang usapin na may ganap na kilaman sa mga iyon.

Lunes, Disyembre 15, 2014

AMANG MAKALUPA AT AMANG MAKALANGIT

Proclaim His Holy Name Bible
Mula sa mga balumbon ng hindi kakaunting banal na kasulatan (Tanakh) ay napakaraming ulit (6,519) na mababasa ang pangalan ng kaisaisang Dios ng langit. Ano pa’t upang ang pangalang iyon ay hindi mabanggit sa walang kapararakang kadahilanan ay hinalinhan ng kataastaasang pamimitagang panawag (adonay [Lord]).

Gayon ma’y minsang nabanggit sa aklat ng propeta Isaias ang salitang Ama, na tumutukoy sa Dios, na Siya’y tinawag niyang manunubos.

Gaya ng nasusulat,

ISA 63 :
16  Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Yehovah, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.
(Doubtless thou art our father, though Abraham be ignorant of us, and Israel acknowledge us not: thou, O Yehovah, art our father, our redeemer; thy name is from everlasting.)

Gayon din mula sa bibig ni propeta Malakias ay namutawi ang mga sumusunod na katuwiran ng Dios. Na sinasabi, 

MAL 2 :
10  Wala baga tayong lahat na isang AMA? hindi baga isang DIOS ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang? 
(Have we not all one father? hath not one God created us? why do we deal treacherously every man against his brother, by profaning the covenant of our fathers?)

Ang salitang Ama ay maituturing na isang pangkalahatang pamimitagang panawag. Ito’y dahil sa ginagamit ng sinoman patungkol sa biyolohikal niyang tatay. Ang ibig sabihin ay maaaring ipatungkol sa amang makalupa at sa Amang makalangit. 

Alinsunod sa kadahilanang nasa itaas ay hindi katanggaptanggap na sabihing iyan (Ama) ang karapatdapat na panawag sa kaisaisang Dios (YHVH) ng langit. Hindi gaya ng “adonay” na kataastaasang pamimitagang panawag, na kapag binanggit ninoman ay direktang tumutukoy sa kaisaisang pangalan lamang na pag-aari ng kaisaisang Dios ng langit.

Huwebes, Nobyembre 27, 2014

LORD, Lord, lord

Sa larangan ng tunay na kabanalan ay higit na mahalaga ang maunawaan muna ng mabuti ang mga pangunahing kaalaman (basic knowledge), bago ang sinoman ay pumalaot sa masusi at matiyagang pagnanaliksik sa mga aral na tumutukoy ng ganap sa katotohanan na sumasa Dios. Sa kakulangan ng kamalayan sa mga bagay na iyan ay nakakalungkot na sabihing, "marami ang nakabuo ng mga doktrinang pangrelihiyon na malabis ang pagsalungat sa mga panimulang kaalamang biblikal." Gaya nga nitong mga salitang, LORD, Lord, at lord ay napatunayan, na hindi pa rin nauunawaang lubos ang tunay na kahulugan ng lubhang malaking bilang ng mga tao hanggang sa panahon nating ito.

Ang bahagi niyan sa katotohanan ng Dios ay napakahalagang umabot sa kamalayan at pang-unawa ng lahat, sa dahilang iyan ay kinatamaran, o nakaligtaan na siyasatin at alamin ng marami. Dulo niyan ay hindi kakaunti ang mga nakapangaral ng katuruang pangkabanalan na kaakibat ang pagpapawalang halaga sa hindi kakaunting panimulang kaalamang biblikal, 

Gaano man kalinis sa kaniyang akala ang hangarin ninoman, kung ang kaalaman na ipinapaabot niya sa marami ay lihis sa katotohanan - tunay ngang siya'y hindi nakakatulong, bagkus ay nakakaladkad niya ang kaniyang kapuwa sa kapahamakan ng sarili nitong kaluluwa. 

Ang mga payak na salita (LORD, Lord, lord) na nabanggit ay tila naging isang napakalabong tanawin sa lubhang nakakarami. Sapagka't sa kawalang malay sa tunay na kahulugang biblikal ng mga iyan ay mahihirapan na tayong bilangin pa ang mga tao na nangalihis sa totoong landas ng kabanalan sa kalupaan. Simple nga lamang ang mga salitang iyan, gayon may gumaganap ng lubhang napakahalagang layunin sa kabuoan nitong balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh).