Sabado, Setyembre 28, 2013

ANG BAHAGHARI (Rainbow)

Ang perpektong arko ng bahaghari
Sa kahabaan ng maghapon tuwing babagsak ang ulan ay tila himala na nagpapakita sa marami ang bigkis ng iba’t ibang kulay na umaarko ng banayad sa hindi gaanong kalayuan. Gayon din naman sa kaiinitan ng araw ay lumilitaw ang ganyang kahanga-hangang tanawin sa paligid ng mga talon (falls) sa kabundukan. Iyan ay isang hindi pangkaraniwang tanawin na masiglang ipinamamalas ng inang kalikasan sa ating mga mata. Ang ganda nito’y hindi maihahambing sa kahit ano pa mang naggagandahang likas na panoorin sa kalupaan. Hatid nito ang trangkilidad, na nagpapahayag ng di maipaliwanag na kagalakan at kapayapaan sa sinoman.

Bahaghari (rainbow) ang naka-ugaliang itawag ng marami sa phenomenon na iyan. Sa kalaunan, at sa kasagsagan ng mga nakalipas na pagsasalin ng hindi kakaunting lahi ay nakasanayan na ng lahat sa buong kapuluan ang gayong katawagan sa kagilagilalas na panooring nabanggit. Bagay na nagbigay inspirasyon sa marami, upang lumikha ng samo’t saring kuwento (alamat), na naghahayag ng mga hakahaka tungkol sa pinagmulan nito na iniuugnay sa buhay ng mga tao, bagay, at kalikasan.

Sabado, Setyembre 21, 2013

HOMOSEXUALIDAD

May basbas ng Dios
Mga paunang salita:
Bago ang lahat ay ipina-uunawa namin na ang mga katuwiran na laman ng mga banal na kasulatan ang siyang humuhusga ng kamalian sa marami, at kailan man ay hindi naging kami. Ang kasulatan din naman ang madiing nagwiwika, na ang gawang taliwas sa kalooban ng kaisaisang Dios ay kasuklamsuklam at karumaldumal sa Kaniyang paningin. 

Matuwid na layunin naming ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng sariling bibig ng mga totoong banal ng Dios. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito. Hindi namin kailan man hinangad, o ninais na atakihin, ni husgahan man ang sinoman sa aming kapuwa. 

Hangad namin ang ibayo ninyong pang-unawa sa paksang usapin na nilalaman ng akdang ito, maraming salamat.

Sa aklat ng Genesis ay madiing winika, na ang lalake ay iiwanan ang kaniyang ama at ina, upang siya ay pumisan at makisama sa babae na kaniyang asawa (Gen2:24). Diyan ay lumalabas na ang nilalang lamang ng Dios sa kalupaan ay ang dalawang kasarian na kumakatawan sa lalake at babae. Bukod doon ay wala ng iba o karagdagang kasarian na inilakip ang lumikha sa nauna na niyang ipinahayag at ipinakilalang dalawang (2) uri ng tao sa kalupaan.

Nakikilala ang bawa’t isa mula sa taglay nilang kalikasang maskulino at femenine na pinagtitibay ng kanikaniyang kaariang seksuwal. Ito ay isang perpektong tambalan na masiglang umiiral noon pa mang unang kapanahunan. Taglay ng bawa’t isa ang banal na basbas (Gen5:2) ng sa kanila ay lumikha. Dahilan upang ang tao ay maluwalhating makasunod sa kautusan ng pagpaparami (Gen 1:28) na gaya ng buhangin sa dalampasigan. Ang mga hayop ayon sa padron ng dalawang kasariang nabanggit ay patuloy din namang dumami alinsunod sa kani-kanilang itinakdang layunin sa kalupaan.

Lunes, Setyembre 2, 2013

ANG MGA HUKOM

Noon pa mang una, sa kapanahunan pa lamang ng mga matatandang sibilisasyon ng mga tao ay hindi kailan man nawala sa bawa't panahon ang mga hukom. Layunin nito na pairalin ang patas na kahatulan, sa ikapagtatamo ng katarungan na sinasang-ayunan ng katotohanang maka-Dios. 

Sila sa madaling salita ang mga kinatawan ng katuwiran, na siyang emisaryo ng katarungan sa sangkatauhan. Diyan napapagkilala ang pagkakapantaypantay ng lahat sa paningin ng Ama nating nasa langit. Sapagka't ang lahat ay may pagkakataong makamit ang hustisya alinsunod sa batas ng Dios.

Huwebes, Agosto 15, 2013

ANG PANGANAY AY HALAL NG DIOS SA KABANALAN


Mula sa banal na Tanakh (Jewish Bible) ay may mahigpit na habilin ang kaisaisang Dios tungkol sa mga lalaki na nagsisipagbukas ng bahay bata, o ng sinapupunan. Sila ang tinatawag na mga unang anak, o panganay. Kung lilinawin pa ay ang unang supling (lalaki) na kinikilalang pinakamatanda sa magkakapatid.

Sa mga sagradong katuruan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay may kakaibang pagtingin, at pagkilala sa mga panganay (elect) ang kaisaisa nating Panginoon Dios na nasa langit. Sila ay Kaniyang hinirang sa kalagayang ganap na lumalapat sa tunay na kabanalan. Sa mga hayop man ay gayon din Niyang sinasabi, na ang mga unang lalaking supling nila, bilang panganay ay lubos Niyang inaari at lubhang pinabanal ng kaniyang pagkahirang.

Gaya nga ng aral na natatala sa kasulatan ng mga totoong banal ay winika,

Biyernes, Agosto 2, 2013

KATUWIRAN NG TANAKH



Mga paunang salita:
Matuwid na layunin naming ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng sariling bibig ng mga totoong banal ng Dios. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito. Hindi namin kailan man hinangad, o ninais man na atakihin, ni husgahan man ang alin mang doktrinang pangrelihiyon na tinitindigang matibay ng sinoman. Anomang komento mula sa amin na mababasa sa artikulong ito ay may lubhang matibay at kongkretong batayan. Dahil diyan ay maliwanag na ang aral pangkabanalan na ipinangaral ng Cristo (Mashiach) ang siyang humuhusga sa pilipit na pagka-unawa ng marami sa salitang “matuwid, at katotohanan.” Hindi namin kailan man hingangad na husgahan, ni ilagay man sa kahiyahiya at abang kalagayan ang aming kapuwa. Kundi sa pagnanais na maghayag lamang ng mga sagradong aralin na sinasang-ayunang lubos ng katuruang Cristo (Messianic teachings).

Ang panimulang salita sa isang artikulo ng Rayos ng Liwanag na pinamagatang "Hidwang Paniniwala (Heresy)" ay gaya ng mababasa sa sumusunod na talata.

Ang Tanakh ay katawagan na ginagamit ng Judaismo ukol sa batas kanonico (canon) ng Bibliyang Hebreo (Hebrew Bible). Kilala din ito sa taguring Masoretic Text, o Miqra. May tatlong (3) pinagkaugaliang dibisyon ang kasulatang nabanggit. Ang Torah (“Katuruan,” na kilala din sa tawag na Limang Aklat ni Moses), ang Nevi’im (“Mga Propeta”), at ang Ketuvim (“Katuruan”)Sa balumbon ng mga kasulatang iyan ay ipinakilala ang kaisaisang Dios at ang natatangi Niyang mga Kautusan, Palatuntunan, at Kahatulan. Diyan ay masigla at malugod na ipinahayag ng mga hari at ng mga propeta ang katuruang Cristo (Messianic Teachings).

Diyan ay natatala ang natatanging katuwiran ng kaisaisang Dios na siyang nag-iisang gabay ng sinoman, tungo sa uri ng pamumuhay na sinasang-ayunan ng larangang tumutukoy sa tunay na kabanalan. Ang pamantayang iyan ay sadyang itinalaga ng ating Ama, sa layuning pagkalooban ng nauukol na kaginhawahan at kapayapaan ang pagtahak ng Kaniyang mga anak sa matuwid na landas ng buhay sa kalupaan.

Hindi Niya kailan man ninais, ni inisip man na dumanas ang kaniyang mga anak ng anomang kahirapan at kapighatian sa itinataguyod nilang buhay dito sa lupa. Dahil diyan ay tiniyak niyang sa pamamagitan ng may galak sa puso at masiglang pagtalima sa Kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ay tatamuhin nila ang maluwalhating kalagayan, bilang mga Anak ng pagsunod (kawan ng Dios) sa munting bahaging ito ng sistemang solar.

Linggo, Hulyo 21, 2013

HUWAD NA PROPETA AT BULAANG MANGANGARAL

False Prophet
Mula sa lubhang malayong kapanahunan hanggang sa kasalukuyan nating henerasyon ay hindi pinagsawaan, ni nakaligtaan man ng Dios na magpadala ng Kaniyang mga lingkod na Propeta sa apat (4) na direksiyon ng ating mundo. Iyan ay sa kadahilanang patuloy din naman ang mga huwad na mangangaral sa pagtuturo ng mga doktrinang pangrelihiyon na malabis ang pagsalungat sa katuwiran ng kaisaisang Dios ng Tanakh.

Ang higit sa lahat na nararapat malaman at maunawaan ng sangkatauhan ay hindi kailan man lumipas, o nagwakas man ang salita ng Dios na nangagsilabas mula sa bibig ng mga tunay na propeta ng Tanakh. Gayon man, ang itinuturo ng mga bulaang mangangaral ay ang di-pagpapahalaga sa mga kautusan ng Ama nating nasa langit. Iyan anila’y hinalinhan na ng pananampalataya kay Jesucristo, na di umano ay siyang mandato ng panahong Cristiano (Christian Era). Datapuwa’t ang katotohanan hinggil sa usaping ito ay nananatili at patuloy na umiiral ang kautusan ng kaisaisang Dios sa pinakamalakas nitong bugso.

Gaya nga ng nasusulat ay madiing winika ng bibig nila haring David at propeta Isaias ang mga sumusunod,

Huwebes, Hulyo 4, 2013

ANG CRISTONG HARI AT ANG CORDERO



Jesus of Nazaret
Ang usapin na may ganap na kinalaman sa Cristong Hari at sa Cordero ay isang panoorin na kailan man ay hindi naging malinaw sa kaalaman at pang-unawa ng marami mula pa sa malayong kapanahunan. Hanggang sa henerasyon nating ito ay nananatili pa rin na iyan ay isang tanawin na nalalambungan ng isang lubhang maitim na kadiliman. Dahil ang ilan sa nakaraan ay ginamit ang pisikal nilang kapangyarihan sa sapilitang pagtuturo ng mga doktrinang pangrelihiyon (Evangelio ng di pagtutuli), na kailan man ay hindi sinang-ayunan ng mga sagradong katuruan (Evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng mga tunay na banal ng Dios.

Dahil diyan ay nakakalungkot na isiping marami sa ngayon ang matibay na tinitindigan ang ilang aral pangrelihiyon na sumasalungat at hayagang naghihimagsik sa natatanging kalooban ng kaisaisang Dios, na may katapangang ipinangral ng mga propeta ng Tanakh. Gayon man, sa udyok ng katuwiran na inaaring lubos ng katotohanan ay tatanglawan namin ng hustong liwanag sa artikulong ito ang mga tanawing pangkabanalan, na kay laon ng ikinukubli ng mga tampalasan sa pusikit na kadiliman.