Sa
1 Cor 16:9
ay may pagmamapuring inihayag ni Pablo na siya’y nakasumpong ng pintuang
malaki, na nabuksan sa kaniya at yao’y pakikinabangan niya, dangan nga lamang
doon aniya ay marami ang kaaway. Kung lilinawin ay ang malaking
pintuan ng pananampalataya kay Jesucristo na walang gawa ng kautusan
ang tinitukoy ng taong ito.
Ano
pa’t kung noong una’y may tungkulin ang lahat na gumanap sa mga kautusan
ng pagibig. Dahil sa maluwang na pintuang yao’y hindi na kailangan pang
gumanap ang sinoman sa mga nabanggit na kautusan, kundi imbis na gayon
ay pananampalataya na nga lamang kay Jesus
ang gagawin ng mga tao.
Alinsunod sa evangelio ng di pagutuli
na isinusulong ni Pablo ay malaki at maluwang na pintuan ang
kailangang pasukin ng mga Gentil. Samantalang sa evangelio ng
kaharian na nangagsilabas mula mismo sa bibig ni Jesucristo ay
sa makipot na pintuan ang lahat ay nararapat na pumasok.
Sa paghahambing ng dalawang magkasalungat na evangelio ay gaya nga ng nasusulat.
Sa paghahambing ng dalawang magkasalungat na evangelio ay gaya nga ng nasusulat.





