Ito’y katunayan lamang na ang pagiging isa
sa bilang ng Ama nating nasa langit noon pa mang simula ay napakaliwanag
na aral ng Dios. Sa gayo’y maituturing na isang napakalaking kasinungalingan, kung ang espiritu
na lumalangkap sa sinoma’y magpapakilala ng ibang Dios, maliban sa kaisaisang
Ama at Dios na nasa langit. Hindi na nga ito
maituturing na aral pa ng kabanalan, kundi maipasisiyang bunga ng mapanlinlang
na aral ng diyablo.
Ano pa’t sa lubhang malayong kapanahunan pa
lamang ay nagsilitawan na ang mga diosdiosan, mula sa likha ng mapaglarong
kaisipan ng mga tampalasan, at ang lahat ng mga yaon kailan ma’y hindi kinilala
ng Ama nating nasa langit. Palibhasa’y siya lamang ang kaisaisang
Dios na eksistido sa lahat ng kaluwalhatian. Dahil dito, kaya
tinawag na mga diosdiosan ay hindi inaari ng katotohanan, na mga likha
ng may kamangmangang kaisipan lamang.





