Lunes, Agosto 14, 2017

Ako Nga Siya (I Am He): Ano ang Tunay na Kahulugan Nito sa Kasulatan?

Isang pag-aaral sa paggamit ng “Ako nga siya” sa Tanakh at sa mga salita ni Jesus upang maunawaan kung kanino tunay na tumutukoy ang pahayag na ito.



Isang masusing pag-aaral sa kahulugan ng “Ako Nga Siya (I Am He)” sa Tanakh at sa mga salita ni Jesus upang maunawaan kung ito ba ay pangalan ng Diyos o isang pahayag lamang ng pagkakakilanlan sa loob ng kasulatan.

PAUNAWA: Ang artikulong ito ay inilipat at na-update na bersyon ay mababasa na sa opisyal na website ng Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry.

Basahin ang updated article dito: Ako Nga Siya (I Am He) – Updated Version

Maraming naniniwala na ang mga katagang “Ako nga” o “I am he” ay isang pangalan ng Diyos at tuwirang tumutukoy kay Jesus. Dahil dito, ang pahayag na ito ay madalas gamitin bilang patunay na si Jesus at ang Diyos Ama ay iisa sa kalagayang pagka-Diyos.

Ngunit upang maunawaan nang wasto ang usaping ito, kinakailangang balikan ang mismong paggamit ng mga katagang ito sa loob ng kasulatan—kung paano ito ginamit, sino ang nagsalita, at ano ang layunin ng pahayag. Sa ganitong paraan, ang kahulugan ay mauunawaan ayon sa konteksto ng Banal na Kasulatan.

Sa pamamagitan ng ganitong pagsusuri, layunin ng pag-aaral na ito na ipakita ang kahulugan ng mga salita ayon sa konteksto ng kasulatan at sa liwanag ng Katuruang Cristo.

Martes, Agosto 1, 2017

ANG PANGALAWANG PAGPARITO (The Second Coming)

Katotohanan nga kaya na itong si Jesus ng Nazaret ay nangako sa kaniyang mga alagad, na siya ay muling magbabalik, gaya ng maliwanag na nasasaad sa sumusunod na talata,

JUAN 14 :
2  Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.

3  At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay MULING PARIRITO AKO. at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon. 

Tila nga yata may matibay na katunayang biblikal ang marami, na madiing nagsasabi hinggil sa huling mga araw, na kung saan ay pinaniniwalaan ang naka-akmang pagparito nitong si Jesucristo sa pangalawang pagkakataon.