Tuesday, March 15, 2016

SAAN NANGGALING ANG PISTA NG “EASTER”


Lighting of Easter Candles
Taun-taon, tuwing panahon ng tagsibul (Spring) ay ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang Mahal na Araw (Holy Week, Holy Days) at ito'y binubuo ng pitong (7) magkakasunod na araw mula Lunes hanggang Linggo. Ang huling araw nito'y tinatawag na Linggo ng muling pagkabuhay ni Jesucristo (Easter Sunday). Ang pistang nabanggit ay karaniwang tumatapat sa buwan ng Marso, kundi nama'y sa buwan ng Abril. Palibhasa, ang mga buwang ito'y sinasakop ng tagsibul (Spring) sa mga bansang may apat (4) na taunang yugto ng panahon. Ang Linggo na siyang huling araw ng kapistahan ay nakaugailang tawagin ng mga Ingles na 'Easter Sunday,' at kung saan nag-ugat ang salitang ito'y siya naming sa inyo ngayo'y liliwanagin.

Ang salitang “Easter” (Paskua ng Pagkabuhay) ay nag-ugat sa sinaunang relihiyong politeyismo (pagsamba sa maraming dios ng mga pagano), na sinasang-ayunang lubos at binibigyang diin  ng lahat ng mga iskolar. Ang salitang nabanggit ay hindi kailan man ginamit sa orihinal na kasulatan (Scriptures), at saan ma’y hindi nagkaroon ng kaugnayan sa anomang minamatuwid ng mga balumbon ng banal na kasulatan (biblia). Dahil dito ay tama lamang na gamitin ang terminong “Resurrection Sunday” (Linggo ng muling pagkabuhay) kay sa “Easter” (Paskua ng pagkabuhay), kung tinutukoy ang taunang pag-aalaala ng mga Kristiano sa pagkabuhay na muli ng Cristo.
Eastre (Semiramis)
Binibigyang diin sa hindi kakaunting aklat na may kinalaman sa usaping ito, na ang salitang “Easter” ay nagmula sa salitang Eastre, na ang kahulugan ay isang diosa ng tagsibul (Goddess of Spring) ng Alemaniya, Iskandinavia, at Inglatiera. Sa katotohanan, ang pinagmulan ng pangalan ay mula sa lubhang malayong nakaraan, na panahon tumutukoy sa Tore ni Babel (Tower of Babel). Ang pinag-ugatan nito’y hindi kalaunan matapos ang malaking baha (Biblical Flood) na binabanggit sa biblia (Tanakh).

Ang bahang ito’y isang tuwirang kagalitan ng Dios na inihusga Niya sa sangkatauhan matapos na ang kasamaan ay mamayani sa kanila, at ang lahat ng tao ay kinasumpungan ng di pagsang-ayon at di pagtalima sa kalooban ng Dios. Binabanggit ng kasulatan (biblia) na ang kabuktutan ng mga tao ay lubhang lumaganap sa buong kalupaan, at lahat ng mithiin ng kanilang puso ay pawang sa patuloy na pagsasabuhay ng kasamaan lamang (Genesis 6:5, NKJV).  Dahil dito ay hindi mahirap isipin na ang buhay ay halos hindi kayang tiisin sa kasagsagan ng panahong ito ng kasaysayan. Gayon ma’y pinagkalooban ng Dios ang sangkatauhan ng isa pang pagkakataon, at ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay lingap sa isang matuwid na tao (Noah) at sa pito (7) niyang kaanak.

Nimrod
Matapos ang baha, itong si Noah ay nagkaroon ng isang matalino, nguni’t may kasamaang kaapo-apuhan sa ngalang Nimrod (Genesis 10:6-10) na kinakitaan ng malabis na paghihimagsik laban sa Dios. Wika ng kasulatan, ang taong ito ay lubhang malakas, makapangyarihan, at napakalupit na panginoon. Sukat upang mahikayat niya na ang lahat ay maging mapanghimagsik sa Dios. Hindi maikakaila mula sa kasaysayan na itong si Nimrod ay hindi lamang isang pangulong politiko, kundi isa ring punong saserdote (pari) sa isang uri ng pagsamba sa anyo ng okultismo.  Itinala ng biblia, na ang Babel, Asshur, Nineveh at ang Calah (Gen 10:10-12) ay mga malalaking siyudad na itinatag at inorganisa nitong si Nimrod.

Nang si Nimrod ay namatay, ang asawa niyang si Reyna Semiramis ay kaagad siyang ipinahayag na isang dios araw (sun god). Sa iba’t ibang kultura sa paglipas ng panahon ay naging kilala bilang si Baal, ang Dakilang Nagbibigay Buhay (the Great Life Giver), Dios ng Apoy (the god of fire), Baalim, Bel, Molech, at iba pa.

Tammuz
Nang lumaon, si Semiramis ay nagsilang ng isang di-lehitimong anak na lalake, at siya’y tinawag niyang Tammuz,  na di umano’y reinkarnasyon ni Nimrod. Ayon sa kaniya’y walang biyolohikal na ama ang kaniyang anak (Tammuz), palibhasa’y mula sa supernatural niyang paglilihi ang nabanggit na bata. Ito aniya’y pangakong binhi (promised seed), ang tagapagligtas  (savior) -  na pinaniwalaan niyang ipinangako ng dios sa Gen 3:15. Gayon ma’y hindi lamang ang bata (Tammuz) ang sinamba ng mga tao, kundi ang babae, na siyang ina na sinamba ng higit pa sa kaniyang anak. Itong si Nimrod ay kinilala naman bilang dios ng araw (god of the sun) at ama ng paglikha (father of creation). Samantalang itong si Semiramis ay nagpakilalang diosa ng buwan (goddess of the moon).

Sa mahihikling kuwento ng mga misteryosong kulto (mystery cults), ang kanilang tagapagligtas (savior) na si Tammuz, ay sinasamba bilang dios lakip ang iba’t ibang rituwal sa panahon ng tagsibul (spring season). Ayon pa, matapos na siya’y mapaslang ng baboy ramo ay naparoon sa daigdig ng mga patay (underworld). Nguni’t sa malabis na panaghoy ng nagdadalamhati niyang ina ay pinaniniwalaang nabuhay siyang muli kasabay ng muling pagtubo ng mga halaman sa tagsibul (Spring). Taun-taon, ang pista ng tagsibul (spring festival) ay masiglang nagsasalarawan ng umano’y resurrection ni Tammuz mula sa daigdig ng mga patay.

Mula sa lubhang malayong kapanahunan ay pinaniniwalaan ng mga nagsisipagtaguyod ng napaka mapanganib na larangan nitong kulto ng occult (lihim na karunungan), na itong si Jesus ay reinkarnasyon ni Tammuz. Ito'y dahil sa napakalapit na pagkakatulad sa likas na paraan ng kanilang kapanganakan, at ng pagiging dios araw (sun god) nilang dalawa - ang pagkabuhay na muli at iba pang mahalagang detalye ng layunin (tagapagligtas o savior) sa dinaanan nilang buhay. Ano pa't kung itong si Tammuz ang reinkarnasyon ni Nimrod, samantalang si Jesus ang reinkarnasyon ni Tamuz - sa makatuwid ay pinalalabas ng sina-unang kalipunang occult, na ang tatlo (Nimrod, Tamuz, at Jesus) ay iisang kaluluwa lamang na nagpalipat-lipat sa iba't ibang katawang pisikal. Gayon man ang pilipit na pananaw hinggil sa pag-iral ng reinkarnasyon ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan na masusupungan sa mga balumbon ng Tanakh (Canon of the Hebrew Bible).

Samantala, ang nakapangingilabot na huwad na relihiyon ng Babylon ay lumago lakip ang pagsasabuhay ng pagsamba sa araw at buwan, kaparian, astrologio, malademoniong pagsamba, pagsamba sa mga bituin na iniuugnay sa mga diosdiosan, idolatriya, misteryosong rituwal, human sacrifice at marami pang ibang karumaldumal na kaugalian.

Tower of Babel
Ang toreng istraktura ng Babel (siyudad ni Nimrod) ay unang itinayo tanda ng paghihimagsik sa Dios na bahagi ng kanilang Satanismong relihiyon. Ang arkeologikal na katibayan ay nagpapakita na ito ay kahangahangang pyramid-shape structure (ziggurat). Ang biblia ay binibigyang diin sa atin na sa natatanging panahong yaon ay mayroong isang wika (language) lamang sa mundo, at halos lahat sa populasyon nito ay nakatuon sa pook na ito at nakiki-isa sa nabanggit na relihiyon.

Hayag sa Dios na ang sangkatauhan sa madaling panahon ay lulunsad sa antas ng labis na kasamaan, na sa nakaraan ay siyang nagtulak sa Kaniya upang paratingin ang malaking baha sa buong mundo. Sa kapakanan ng sangkatauhan, kailangang ang Dios ay may magawang bagay para pabagalin at biguin ang kapisanan nitong mundo ng kasamaan, na isang lubhang malupit na pamahalaan.

Minarapat ng Dios na bigyan ng pagkalito ang kanilang wika, nang sa gayo’y hindi sila magkaunawaan sa isa’t isa (Gen11:7). Ito’y humantong sa pagkakabahabahagi ng dati ay kabuoan na nagsasalita ng iisang wika lamang, kasunod nito'y nilisan nila ang Tore ng Babel. Karamihan sa mga taong ito’y lumisang kalakip sa kanilang mga sarili ang relihiyon na nagtuturo ng pagsamba at paglilingkod sa dios–araw (Sun-god). Patuloy silang sumamba sa mga bituin at isinabuhay ang lahat ng di makadios na rituwal sa kanilang relihiyon. Marami din sa kanila ang nagsigawa ng mga pyramid na kawangis ng Tore ng Babel bilang bahagi ng misteryoso nilang relihiyon. Sa panahon nating ito ay matatagpuan pa rin ang labi ng mga ito sa Iraq, South America, Central America, Egypt, at Burma.

Tower of Babel
Ang Babel ay siyang pinag-ugatan ng sistemang idolatriya na unti-unting naglunsad sa mga bansa ng kahangalan, kahibangan at kaululan (Jer 51:7). Madalas na binabanggit ng biblia ang Satanismong relihiyon na nagmula sa kaniya. 

Si Herodotus na isang Griegong historian ay sinaksihan ang nabanggit na misteryosong relihiyon at ang hindi kakaunting mga rituwal nito sa iba’t ibang bansa, at binanggit niya kung papaano ang Babylon ang naging kaunaunahang pinagmulan nitong sistemang idolatriya.  Sa makatuwid ay sa lugarin ng Babylonia ang orihinal na pinanggalingan ng idolatriya, na noon at hanggang sa kasalukuyang panahon ay isang karumaldumal na sistema sa larangan ng relihiyon. Ang kasuklamsuklam na idolatriya ay maipasisiyang pinakauna sa mga sistemang relihiyon. Halos lahat ng di makadios na mga gawa gaya ng idolatriya ay nagsimula sa Babel, at ang mga ito’y mula sa kagagawan ni Reyna Semiramis (Queen Semiramis), na siyang umano’y Inang  diosa, o reyna ng langit (Jer 7:18, Jer 44:17-25) at ni Nimrod na kaniyang asawa.

Samantalang ang mga tao ng Babel sa kanikanilang wika ay patuloy na nagsisikalat sa maraming lupain ay ginamit ang iba’t ibang pangalan ni Nimrod (Tammuz) at Semiramis. Marami ang nagsisitawag sa Inang diosa “Ishtar” na sa una’y sinasambit na “Easter.” Sa ibang mga lupain ay tinatawag siyang Eostre, Astarte, Ostera, at Eastre. Ang ibang pangalan patungkol kay Semiramis, ang Inang diosa ay kabilang ang: Asawa ni Baal (Wife of Baal, Ashtaroth o Ashtoreth, at Reyna ng Langit (Queen of Heaven).

Ang Inang diosa (reyna ng langit) ng mga pagano ay kadalasang sinasamba bilang diosa ng fertilidad (Goddess of Fertility), o kaya nama’y Inang Kalikasan (Mother Nature) at diosa ng tagsibul (Goddess of Spring) at pag-ibig seksuwal at pagsilang (sexual love and birth). Sinasamba din siya ng mga pagano bilang tagapamagitan ng dios sa mga tao (mediator of god to man).

Eastre (Semiramis)
Ang “Easter” ay isang karaniwang pangalan ng babae na may kalakasang dinaya ang sangkatauhan, at ang kaniyang relihiyon ay naging dahilan ng hindi matatawarang paghihirap at pagkapahamak ng hindi kakaunting kaluluwa. Siya’y napakaliwanag na kaaway ng mga Cristiano ng Dios, at ang kaniyang anak na si Tammuz ay isang anticristo, huwad na mesias na nang lumaon ay dumaya ng bilyong tao sa mundo.

Maliwanag sa kasaysayan, na ang paganong Romano (Catholic Church) ay ikinabit ang pangalan ni Jesus sa kaganapan ng Easter, at ang petsa nito sa panahon ng tagsibul (Spring) ang siyang tinukoy na araw ng pagkabuhay na muli ni Jesus ng Nazaret. Ang paggamit ng salitang Easter kakabit ang pangalan ni Jesus ay isang maliwanag na katuruang dumaya sa halos lahat ng mga tao sa kalupaan. Ang sinaunang kaugalian o tradisyon ng mga pagano ay hindi ang muling pagkabuhay ni Jesus ang ipinagdiriwang, kundi ang muling pagkabuhay nitong si Tammuz.

Muli, ang lathalaing ito ay isa na namang pagbubunyag ng napakaliwanag na pandaraya ng paganong Romano sa sangkatauhan. Gaya ni Sol Invictus (pagan sun god) na sa ika-25 ng Disyembre ay ipinanganak, at sa petsang ito ay ginawa nilang araw ng kapanganakan ni Jesus, palibhasa’y sun god din naman ang pagkakakilala ng mga paganong Romano sa kaniya. Dahil dito ay maliwanag na inilalahad ng kasaysayan, na ang umano’y petsa ng kapanganakan ni Jesus at ang petsa ng pagkabuhay niyang muli mula sa mga patay ay hindi kailan man inari ng katotohanan.

Tammuz
Sol Invictus
Ang selebrasyon sa makatuwid ng mga paganong Romano sa taunang pista nitong semana santa (mahal na araw) ay mga karumaldumal na kaugalian, na noong una pa’y ipinagdiriwang na ng kalakhang Italia. Ano pa’t sa hindi matatawarang kapangyarihan ng pamunuan nitong Katolisismo sa bansang nabanggit ay inihalili ang pangalan ni Jesus sa ilang kinilalang karakter (Sol Invictus at Tammuz) ng kasaysayan, at marahas na ipinatupad ang pagkilala sa kaniya bilang karagdagan sa hindi kakaunting Dios ng mga kasuklamsuklam na pagano.

Ang pagdiriwang ng relihiyosong "Holy Days" gaya ng  Palm Sunday, Good Friday, Ash Wednesday at Easter ay hindi masusumpungan sa mga pangyayari na naisatitik ng mga lingkod ng Dios (propeta) sa mga balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh). Ito'y mga likhang katuruan na hinango lamang ng mga pagano sa hindi kakaunting karumaldumal at di makadios nilang kaugalian. Sa kalaunan, ito'y inilakip at itinagni ng mga kapatid nilang Romano sa di kapanipaniwalang doktrinang pangrelihiyon ng Cristianismo ni Pablo.  

Dahil dito ay walang anomang sagrado at biblikal na kadahilanan, upang ituring na daan ng kabanalan ang nabanggit na kapistahan ng mga karumaldumal na pagano ng Italiya

Sabbath lamang alinsunod sa kautusan ng Ama nating nasa langit ang natatanging araw na dapat ipangilin ng lahat, at ito ay araw lamang ng Sabado. Katotohanan na sa araw na iyan ay mangingilin at sasamba sa Dios ang lahat, at kailan ma'y hindi sinang-ayunan ng katotohanan na ang gayon ay gawin sa araw ng Linggo. Kahi man iyan ay itinatayang araw ng pagkabuhay na muli ni Jesus ay hindi nangangahulugan na ang kabanalan ng Sabado (7th day of the week) ay nailipat na sa araw ng Linggo (first day of the week).

Kung ang pag-uusapan ay ang katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay mariing mapapasinungalingan ang hindi kakaunting likhang doktrinang pangrelihiyon ng mga paganong Romano. Ano pa't maipasisiyang mga huwad na katuruan at di maka-Dios na uri ng pamumuhay ang isinasabuhay ng sinoman, kung ang mga iyon ay may paghihimagsik at pagpapawalang kabuluhan sa mga katiwatiwalang katuruang biblikal (Torah, Nevi'm, at Ketuvim).

Patuloy nawa nating kamtin ang masaganang biyaya ng katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay sa lahat ng sandali na ilalagi natin sa dimensiyong ito ng materia.

Hanggang sa muli, paalam.

2 comments:

  1. Sa lahat ng mga nagpadala ng anonymous comment. Ang ipina-publish lamang po namin sa ngayon ay yung naglalahad ng kanilang NAME/URL, gayon ma'y pinadadaan pa rin po namin ang lahat ng comment sa moderation process. Paumanhin po.

    Yohvshva bar Yusuf
    Patnugot
    Rayos ng Liwanag

    ReplyDelete
  2. Kadami talagang error ng religion ng Roma.

    ReplyDelete