Martes, Nobyembre 22, 2011

PADRON NG KATOTOHANAN (2 of 2)


Maliwanag pa nga sa sikat ng araw na inayunan ng sariling bibig ni Jesus ang paglangkap, o paglukob nitong Espiritu ng Dios sa mga totoong banal. Sapagka’t katotohanan na ang kaniyang kabuoan sa natatangi niyang kapanahunan ay gayon din naman na pinamahayan at pinagharian ng nabanggit na Espiritu.

Hinggil sa pangatlong (3) padron na ito’y mapapag-unawa ng sinoman, na ang Espiritu ng Dios ang siyang gumawa at nagsasalita, kapag siya’y namamahay at naghahari sa kabuoan ng isang totoong banal. Sukat upang mapag-alaman ng lubos, na ang mga sumusunod na salita ay hindi mula sa sariling pagmamatuwid ni Jesus, kundi ang lahat ng yao’y mga salita nitong Espiritu ng Dios na isinatinig lamang ng kaniyang bibig. Na sinasabi,

PADRON NG KATOTOHANAN (1 of 2)


Sa kayarian ng anomang bagay ay hindi maaaring mawalan ng pinagmulang disenyo, at kung paano ito nabuo ay masiglang sumailalim sa proseso ng bahabahagdan at sunod-sunod na pamamaraan. Kaya naman ang mga yaon sa anomang uri ng kabuoan ay maaaring gayahin alinsunod sa maingat at banayad na pagsasalansan ng mga kagamitan at pagsasakatuparan ng mga pamamaraan na may kinalaman dito. Sa gayong kasiglang proseso ay nalilikha ang replica ng iba’t ibang bagay.

Ang tanawing ito ay tinatawag na padron (pattern), na kung saa’y makikita ang lahat ng detalye, kagamitan, at pamamaraan kung paano gagawin ang partikular na bagay. Batay sa iba’t ibang hugis ng katawan ay iginuguhit ng sastre (mananahi) sa isang papel ang disenyo ng anomang kasuotan. Sa pamamagitan nito’y maaaring ulit-ulitin ang paggawa niyaon na hindi magbabago ang sukat at kayarian. Kahit na sinong Sastre sa kapuluan ang gumamit ng nabanggit na padron ay hindi magbabago at mananatili ang disenyo ng kasuotan. Kung papaanong paulit-ulit na nakagagawa ng maraming bagay sa kani-kaniyang magkakatulad na sukat at debuho ay nang dahil sa eksistensiya ng padron.

Linggo, Nobyembre 20, 2011

NAKAKAUSAP NGA BA NG MGA BUHAY ANG MGA YUMAO

Batay sa pangsariling pahayag ng ilan ay pinatototohanan at binibigyang diin, na ang kaluluwa ng isang yumao ay maaaring gambalain mula sa daigdig ng mga patay. Ang gumagawa ng gayong bagay ay tinatawag na Espiritista, at ang taong yaon umano’y may katangitangi at likas na kakayanang makausap ang mga yumao. Sinoman sa makatuwid na nagnanais makaugnayan ang kaluluwa ng kaanak na namatay ay ang taong tulad nito ang siyang tumutugon sa pangangailangang nabanggit.

Ang gayong kalakaran sa malayo at malapit na nakaraan, kahi man sa panahon nating ito ay hindi kakaunti ang nagsapalarang makaugnay ang kaluluwa ng mga namaalam nilang mahal sa buhay. Katapat ng kaukulang halaga ay isinasagawa ng isang espiritista ang ritual, na kung saan umano ay lulukob sa isang medium ang kaluluwa na kaniyang tinawag mula sa daigdig ng mga patay. Gaya ng inaasahan ay magkakaroon ng ugnayan at makakausap ng buhay ang kaluluwa ng isang yumao.

Datapuwa’t kung ang katuwiran na ipinatutupad sa mga balumbon ng mga banal na kasulatan ang kukunan ng patotoo at pagpapatibay hinggil sa usaping ito. Katotohanan nga kayang maituturing ang umano’y pakikipag-ugnayan ng tao sa kaluluwa ng mga patay?  Ang gawain bang ito’y sinasang-ayunan at pinagtitibay ng mga salita ng Dios na nangagsilabas mula sa bibig ng mga totoong banal?

Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

SINO ANG TUNAY NA CRISTIANO


Sa larangan ng pagrerelihiyon sa iba’t ibang dako ng mundo ay may lubhang malaking bilang ng mga tao, na naglagak ng buo nilang tiwala at lubos na pananampalataya sa pinaiiral na doktrinang pangrelihiyon ng simbahan. Yaon umano’y naghahayag ng mga lehitimong katuruang Cristiano. Gayon ma’y hindi tumanggap ang marami ng totoong aral na masusumpungan sa nabanggit na uri ng pamumuhay. Palibhasa’y ginamit lamang ng ilan ang salita (Cristianismo) na pang-akit at ang itinurong mga aral nitong kaparian ng simbahan ay ang iba’t ibang likhang doktrinang pangrelihiyon ng mga tao.

Kaugnay nito, para naman kami’y hindi maturingan na tila naglulubidlubid lamang ng mga kasinungalingan ay ihahayag namin sa maliwanag ang ilang usaping pangkabanalan sa banayad na saliw ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal.

Sinoman nga na nabibilang sa umano’y relihiyon na naglalahad ng mga katuruang Cristiano ay matibay na tinitindigan ang kalagayang niyang yaon. Sapagka’t gaya ng tradisyon, sa mura pa lamang na kaisipan, ang nabanggit na doktrinang pangrelihiyon ay nauna ng naisilid sa kamalayan. Sa madaling salita ay mga katuruan na kinamulatan, o kinagisnan, at dahil doo’y inakalang ang mga yao’y matibay na sandigan ng katotohanan. Kaya naman, marami sa kanila ay tila may lubos na katiyakan sa katotohanan, kapag tungkol sa mga aral pangkabanalan ang pinag-usapan. Pakitaan mo man ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal na nagbibigay diin sa katotohanan ay hindi pakikinggan, at sa halip ay higit na mamagalingin ang pilipit na katuruang kinagisnan.

Lunes, Nobyembre 7, 2011

SINO ANG NAGTAYO NG IGLESIA


Sa kagsagsagan ng masigla at tila ba walang kapagurang pagsasagawa nitong si Juan ng bautismo ng pagsisisi sa ilog Jordan ay isang lalaki ang lumapit sa kaniyang harapan, at nagsabing siya’y bautismuhan niya. Ang tao ngang ito ay walang iba kundi si Jesus ng Nazaret na anak ni Maria. Sa gayo’y nanaig ang ibig ng lalaki at siya’y ginawaran niya ng bautismo, at pag-ahon ng kaniyang ulo sa tubig ay nangyari,

MATEO 3 :
16  At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang ESPIRITU NG DIOS na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

Biyernes, Nobyembre 4, 2011

ANG MALUWANG AT MAKIPOT NA PINTUAN


Sa 1 Cor 16:9 ay may pagmamapuring inihayag ni Pablo na siya’y nakasumpong ng pintuang malaki, na nabuksan sa kaniya at yao’y pakikinabangan niya, dangan nga lamang doon aniya ay marami ang kaaway. Kung lilinawin ay ang malaking pintuan ng pananampalataya kay Jesucristo na walang gawa ng kautusan ang tinitukoy ng taong ito.

Ano pa’t kung noong una’y may tungkulin ang lahat na gumanap sa mga kautusan ng pagibig. Dahil sa maluwang na pintuang yao’y hindi na kailangan pang gumanap ang sinoman sa mga nabanggit na kautusan, kundi imbis na gayon ay pananampalataya na nga lamang kay Jesus ang gagawin ng mga tao.

Alinsunod sa evangelio ng di pagutuli na isinusulong ni Pablo ay malaki at maluwang na pintuan ang kailangang pasukin ng mga Gentil. Samantalang sa evangelio ng kaharian na nangagsilabas mula mismo sa bibig ni Jesucristo ay sa makipot na pintuan ang lahat ay nararapat na pumasok. 

Sa paghahambing ng dalawang magkasalungat na evangelio ay gaya nga ng nasusulat.