Tuesday, July 26, 2011

PAGLAPASTANGAN SA PANGALAN (2 of 5)

Illustration 2


GREEK        Greek  -      Greek text, L.Vulgate,   from William Tyndale
Translit.        sound           John Wycliffe              Douai, King James & so on.
                                         (1st – 15 AD)                 (15 AD  to date)

Ι    =    ee                           
                                      ie          -       Je
η   =    ay   
σ   =    s       -    s            -       s
ύ   =     oo        -    u              -        u
ς    =     s         -    s               -       s


G
aya ng maliwanag na inilalahad ng ilustrasyon 1 at 2, ang transliterasyong Griego at Ingles nitong orihinal na pangalang YOHVSHVA ay nalaglag sa kategoriya ng tradisyon (sali’t saling sabi ng mga tao) at hindi kailan man naging lihitimo sa kalagayan. Sa makatuwid, ang mga pangalang IESUS at JESUS ay magkatulad na palsipikado (huwad). Ang mga ito’y walang alinlangan na makapagliligaw ng sinoman na nagnanais na makalapit sa kaniyang Dios.

Kaugnay ng mga bagay na ito’y subukan nga ninyong analisahin ang ilang talata, na mga salitang isinatitik nitong si Juan.

JUAN 14 :
13  At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.

14  Kung kayo’y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.

Kung literal na susuriin ang mga talata sa itaas, batay sa kaliwanagan ng mga nasasaad sa ilustrasyon 1 at 2; sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan ng Cristo ay matatanggap ng sinoman ang anomang bagay niyang hihingin. Kapag hihimayin pa ng mabuti ang talata ay lalabas na walang bisa ang gumamit ng mga huwad na pangalan, gaya ng IESUS, IESU, YESU, o kaya naman ay JESUS. Kung magkagayon ay gaya tayo ng taong bumabaril sa maling target.

Yamang ang anak ng tao (panganay ni Maria) ay taglay ang sarili niyang pangalang Hebreo na kaloob ng Anghel na si Gabriel bago pa siya isilang, ang kaganapan ng nasusulat sa Juan 14:13-14 ay mangyayari lamang sa pamamagitan ng pagbigkas sa pangkasalukuyan niyang pangalan, o kung hindi ay walang makukuha ang sinoman.

Ang ibig sabihin ay walang ibang tunog na maaaring gamitin na tutugma upang ihalili sa orihinal na tunog ng particular na pangalan. Tatawagin nga lamang ang Dios sa eksaktong bigkas ng Kaniyang pangalan, upang maipatupad ang anomang hiling ng sinoman. Sa madaling salita ay tamang susi lamang ang makapagbubukas ng pintuan tungo sa tuloytuloy na pakikipag alyansa sa kabanalan. Walang ipinagkaiba, na ang kabuoang nilalaman ng mga uniberso ay nagmanifesto sa pamamagitan nitong tunog ng mga kataga na sinalita ng Dios.

(Muli ay binibigyan namin ng diin na ang nakaraang paliwanag ay batay lamang sa literal na pangunawa sa mga nabanggit na talata.)

Sa pagkakataong ito ay hindi namin nais na kayo ay dayain, sa palagay ninyong ang pangalang YOHVSHVA ang siyang bibigkasin sa ikatutupad ng mga nasasaad sa Juan 14:13-14. Kaya naman tatanglawan namin ang ilan pang bagay na higit sa lahat ay nararapat ninyong mapag-uanwa ng lubusan.

Sa ikalilinaw ng usaping ito ay nasasaad sa aklat ng apostol na si Mateo, samantalang si Juan Bautista ay nagbabautismo ng mga Israelita sa ilog ng Jordan ay dumating si Yohvshva Mashiah at sa kaniya ay nagpabautismo, at pag-angat ng ulo nito sa tubig ay tumambad kay Juan ang isang tanawin.

MATEO 3 :
16  At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

17  At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.

Kung masusing aanalisahin ang mga nabanggit na talata sa itaas ay lalabas ng napakaliwanag, na ang nabanggit na Espsiritu ng Dios ay bumaba mula sa kalangitan, sa layuning pamahayan at pagharian ang kabuoan ng katawang pisikal nitong si Jesus. Ito ang Espiritu (Espiritu Santo) na kung saan ay siyang gumagawa at tagapagsalita sa kalooban ng lihitimong buhay na templo ng Dios (sisidlang hirang ng Dios), tulad nitong si Yohvshva Mashiah at ng iba pang mga Propeta ng Dios.

Gaya nga ng nasusulat ay mariing winika ng bibig ni Yohvshva Mashiach, na sinasabi

JUAN 5 :
30  HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko ay matuwid: sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.

JUAN 5 :
49  Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.

APOC 5 :
6  At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang PITONG ESPIRITU NG DIOS, NA SINUGO SA BOONG LUPA.

7 At siya’y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.

Sa aklat ng Apocalipsis ni Juan ay matibay na katunayang mababasa, na ang Cordero ay tuwirang tumutukoy sa pitong (7) Espiritu ng Dios na isinugo sa buong kalupaan. Sa makatuwid, ang Espiritu ng Dios na bumabang mula sa langit na namahay at naghari sa kalooban ni Yohvshva Mashiah ay walang iba kundi ang nabanggit na pitong (7) Espiritu. Gayon din naman na nararapat maunawaan ng lahat na ito ang Cordero na nag-aalis sa sala ng sanglibutan. Dahil dito, ang tinatawag na Anak ay bahagi nga ng kabuoan, na siyang Ama na nasa langit, at siya ay nagtataglay ng sarili niyang pangalan na kailangang malaman at tandaan ng mga nabibilang sa kaniyang komunidad. (bayan)

Kung babalikan natin ang maliwanag na nasasaad sa Juan 14:13-14 ay magtatapos ang masigla nating pagpupunyagi sa aktuwalidad na nilalaman ng salita. Ang Espiritu ng Dios na nasa kalooban at kabuoan nitong anak ng tao (Yohvshva) ay walang alinlangan na siyang MANGGAGAWA at TAGAPAGSALITA. Samantalang ang kaluluwa sa kalooban ng tao ay nananatili sa pagiging masunurin at mapag-ubaya sa kalooban nitong Epiritu ng Dios na namamayani sa kabuoan ng pinagtatlo niyang kalikasan (tripartite nature – body, soul & spirit).

Bunga nito, nang ang anak ng tao na si Yohvshva ay nagwika, At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak. Kung kayo’y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.” Napakaliwanag kung gayon na ang nagasasalita ay hindi itong si Yohvshva, kundi ang nabanggit na Espiritu ng Dios, at ang tinutukoy na pangalan ay tiyak na hindi sa laman (Yohvshva), kundi sa Espiritu.

Sa makatuwid, ang namamayaning Espiritu sa kalooban ni Yohvshva ang eksaktong nagpahayag ng mga salita na nasusulat sa Juan 14:13-14. Sa kaliwanagang ito’y ang sariling pangalan ng nabanggit na Espiritu ang tiyakang pangalan na nararapat bigkasin ng sinomang nagnanais matamo ang mga biyaya na masigla Niyang ipinangako at masiglang ipinagkaloob sa mga nangaunang nagsipagtagumpay.

Datapuwa’t sino sa malaking kalipunan ng mga tao sa panahon nating ito ang lubos ang kaalaman sa tinutukoy na pangalan? Palibhasa’y ipinako ang may kamusmusan nilang kamalayan ng mga tampalasan sa mga pilipit na paniniwalang pangrelihiyon, na kailan ma’y hindi sinang-ayunan nitong katuwiran at katotohanan ng Dios.

Ang pangalang “Jesus” sa makatuwid ang nagsilbing batong katitisuran ng lahat, nang dahil sa yaon ang pangalang ipinakilala ng mga taong ang layunin ay lapastanganin ang mga bagay ng Dios. Sa pagtatapos ay katotohanang hindi maikakaila, na ang nabanggit na pangalan (Jesus) ay paslipikado (huwad). Ito'y hindi matuwid na gamitin sa anomang rituwal pangkabanalan, ni sambahin man ng sinoman. Sapagka't ang pangalan lamang nitong Espiritu ng Dios na namahay at naghari sa kabuoan ni YOHVSHVA at ng mga tunay na banal ang karapatdapat sa pagkilala, paglilingkod, at pagsamba.

Paalala: 
Sa Hebrew, Greek, English at Latin alphabet ay hindi eksistido ang letrang "J." Nagsimula lamang na mapasama sa alpabeto ng Ingles at Latin ang nabanggit na letra (J) nitong  ika-17 siglo. Kaya maliwanag na ang pinakamatandang pangalan at salita na nagsisimula, o kalakip ang letrang ito ay umiidad lamang ng hindi hihigit sa tatlong daan at limangpung taon (350) taon. Ang pangalang Jehovah ay imbentong pangalan lamang ng mga Ingles. Isa rin sa mga dahilan kung bakit binibigyang diin ng mga historian, na ang pangalang Jesus ay palsipikadong (huwad) pangalan ng panganay na lalake ni Maria.

SUNDAN SA PART 3 OF 5 (Click here)

2 comments:

  1. Tanggalin ang letrang S sa hulihan ng pangalan, sapagkat yung orihinal na pangalan sa Hebro ay walang letrang S. Nakaka bad trip, puro manloloko ang mga pari at pastor. Bakit hindi nila itinuro na mali pala ang pangalang Jesus, at sana yung pagbigkas sa orihinal na pangalan ang itinuro nila. Nasayang lang ang panahon kong ginugol sa pakikinig ng kanilang mga kabulastugan.

    ReplyDelete
  2. Kapag binungkal sa history ang letter J at S sa hulihan ng pangalang Jesus ay lilitaw talaga na fake ang pangalan ng first born of Mary. Kasi ang letter J ay invented letter lamang ng mga Ingles noong 15 century AD. Samantalang ang letter S sa hulihan ng pangalan ay pagpapakita ng maskulinidad ng pangalan sa tradisyong Griego. Siyasatin nyo na lang na mabuti ang illustration 2 sa itaas ng article. Sa totoo lang ay pinaghalong English at Greek tradition ang pangalang Jesus. Ang Hebrew name na orihinal na pangalan ay hindi itinuro ng Romans, Greek at English.

    ReplyDelete